State Government-run Institutions The Northern Territory Government established reformatory schools and detention centres to provide institutional care and confinement for...
Read MoreSa Victoria, ang mga Public Liability Claims ay pinamamahalaan sa ilalim ng Wrong Acts 1958.
Ang Public Liability ay isang kategorya ng kapabayaan na nakatuon sa mga pinsalang natamo sa mga sumusunod:
a) mga pampublikong lugar; o
b) mga pribadong lugar na bukas sa publiko, tulad ng mga supermarket.
Ang pinsalang natamo ay dapat bunga ng pagkakamali (o kapabayaan) ng ibang tao.
Karaniwan, ang Public Liability ay nagpapakita ng ugnayan sa pagitan ng nasaktan at ng taong may pananagutan sa nangyaring pinsala, na nagbibigay ng tungkulin sa taong may kasalanan na magbigay ng nararapat na pangangalaga sa taong napinsala. Upang magtagumpay, kailangan na maipakita ng taong napinsala na ang may kasalanan ay hindi nagampanan ang kanilang tungkulin sa pangangalaga, at ang mga pinsalang natamo ay bunga ng hindi pagtupad sa nasabing tungkulin.
Upang makapaghain ng public liability claim sa Victoria, kailangang patunayan ng nagsasakdal ang mga sumusunod:
Ang nagsasakdal ay kailangang magbigay ng ebidensya bilang suporta sa kanilang mga pinsala at public liability claim. Kasama na rito ang pagbibigay ng mga detalye tungkol sa insidente, tulad ng oras, petsa at address, at impormasyon ng mga saksi. Ang mga litrato at video na ebidensiya ay kadalasang nakakatulong sa public liability claim, lalo na kung kasama rito ang mga litrato ng mga pinsalang natamo, tulad ng mga galos at pasa.
Ang mga kategorya ng ebidensyang may kinalaman sa isang public liability claim ay kinabibilangan ng:
Kung magtagumpay sa pagpapatunay ng paglabag sa tungkulin sa pangangalaga ng organisasyon o tao na namamahala sa lugar, maaaring makamit ng nagsasakdal ang kabayaran sa ilalim ng public liability claim para sa:
Sa Victoria, nagbibigay ang Limitation of Actions Act 1958 ng tatlong taong limitasyon mula sa petsa ng aksidente upang maghain ng public liability proceeding. Mayroong anim na taong limitasyon mula sa petsa ng pinsala para sa mga bata at taong may kapansanan upang makapaghain ng public liability proceeding. Sa mga espesyal na sitwasyon lamang maaaring maghain ng claim ang isang nagsasakdal matapos ang takdang deadline.
Si Emily Wright at ang aming grupo ay mga dalubhasa sa personal injury law at maaaring tumulong sa’yo sa ilalim ng ‘No Win No Fee” na paraan. Kung nais mong magtanong tungkol sa personal injury claim, mangyaring makipag-ugnayan kay Emily Wright at sa Littles Lawyers ngayon.
State Government-run Institutions The Northern Territory Government established reformatory schools and detention centres to provide institutional care and confinement for...
Read MoreIn the matter of Storer v State of New South Wales [2023] NSWSC 1043, the plaintiff, Mr Raymond Michael Storer,...
Read MoreWhat happens to your superannuation when you die? It’s a fact of life that we will all pass away, so...
Read More