Victoria Motor Vehicle Accident Claims –  Mga dapat alamin

Sa Victoria, ang Transport Accident Act 1986 ay nagbibigay ng kompensasyon sa mga taong napinsala sa aksidente ng mga sasakyan. Ito ay ‘no-fault’ na sistema na tumutulong bayaran para sa suporta at pagpapagamot ng mga taong napinsala sa nasabing insidente. Ang Transport Accident Commission (TAC) ay karagdagan sa common law right claim mula sa isang gumagamit ng kalsada na nagdudulot ng pinsala sa pamamagitan ng kapabayaan.  

Paunang hakbang

Matapos mangyari ang aksidente, kinakailangang tumawag sa pulis kung mayroong nasaktan, kung may pinsala sa ari-arian, o kung ang drayber ay hindi huminto para magbigay ng kanilang detalye. Ito ay labag na umalis sa pinangyarihan ng aksidente ng walang pagpapalitan ng kaugnay na impormasyon sa kabilang partidong sangkot sa aksidente. 

Kasunod nito, importante na ang mga taong sangkot sa isang malubhang aksidente ay magpatingin sa doktor, bilang ang kanilang mga pinsala ay hindi kaagad nakikita. Ito rin ay magbibigay ng kasalukuyang tala ng anumang mga pinsala na naranasan ng isang tao sa panahon ng aksidente. 

TAC Claims

Kasama sa registration fee ng sasakyan sa Victoria ang premium na tinatawag na ‘TAC charge’ kung saan pinopondohan ang TAC insurance scheme. Ang taong napinsala sa isang aksidente sa sasakyan sa Victoria ay maaaring mag aplay sa TAC online.  

Ang mga uri ng impormasyon sa TAC application ay nangangailangan ng mga detalye tungkol sa:  

  • Aksidente, kasama ang pangyayari, lokasyon, at pinsala;  
  • Mga sasakyang kaugnay sa aksidente, tulad ng registration numbers at pangalan ng drayber at mga pasahero;  
  • Mga saksi sa lugar na pinangyarihan ng aksidente;  
  • Presensiya ng pulis sa lokasyon ng aksidente, kasama ang kanilang mga pangalan, estasyon, at badge numbers; 
  • Pangalan ng medikal na propesyunal  na kinonsulta ng taong nasangkot matapos ang aksidente; 
  • Pinagtatrabahuhan at detalye ng pinagkakakitaan; at  
  • Detalye ng bank account.  

Para sa claims ng aksidente sa pampublikong transportasyon, ang TAC claim ay mangangailangan ng karagdagang impormasyon, tulad ng pangalan ng drayber, operator ng pampublikong transportasyon (halimbawa, Metro Trains Melbourne), bisor na nakatanggap ng ulat patungkol sa aksidente, at mga detalye tulad ng petsa, oras, lokasyon, ruta ng paglalakbay, at numero ng sasakyan.  

Ang uri at halaga ng kompensasyon na binibigay ng TAC ay depende sa kalagayan ng mga taong napinsala. Ang kompensasyon ay nag-iiba base sa lawak ng pinsalang natamo ng tao, edad, employment history at kawalang kita, pati na rin ang patuloy na pagpapagamot.  

Karaniwan, ang TAC ay nagbibigay ng suporta sa mga sumusunod: 

  • Medikal na pagpapagamot; 
  • Rehabilitasyon at pag-aalaga; 
  • Pangkabuhayang kita; 
  • Suporta sa pagbabalik sa trabaho; at 
  • Kabuuang kabayaran. 

Hindi nagbibigay ng kompensasyon ang TAC sa:  

  • Pinsala sa sasakyan; 
  • Gastos sa towing o storage; o  
  • Non-medical personal items tulad ng damit, selpon, at kagamitan sa sasakyan.  

Common Law Motor Vehicle Accident Claim

Ang taong napinsala ay maaaring maghain ng common law motor vehicle accident claim kung ang kanilang natamong pinsala ay dahil sa kapabayaan ng drayber. Sa ilalim ng Wrongs Act 1958, ang tao ay makakatanggap ng kompensasyon sa pamamagitan ng negligence claim para sa personal injury or wrongful death.  

Kasama sa halimbawa ng kapabayaan ng drayber ang:  

  • Nasa ilalim ng impluwensya ng alkohol at droga;  
  • Fatigue; 
  • Overspeeding; 
  • Distracted driving (manual distraction (tulad ng pag-teks), visual distraction (panonood sa screen imbis na sa daan), or cognitive distraction (tulad ng pakikipag-usap sa iba, kahit pa na ito ay hand-free device)); at  
  • Tailgaiting.

Ang Wrongs Act 1958 ay nagbibigay ng pagkakataon para sa kabayaran na tinatawag na “non-economic loss”, para sa kawalang kasiyahan sa buhay, sakit, at hirap na natamo. Ang kabayaran para sa non-economic loss ay magagamit lamang sa mga taong nakaranas ng malaking pinsala at nakapagpatunay ng paglabag sa tungkulin ng pangangalaga. 

Limitasyon sa Oras

Sa Victoria, ang tao ay may anim (6) na taon mula sa petsa ng aksidente para magsimula ng mga paglilitis na may kaugnayan sa isang aksidente sa sasaskyan.  

Batay sa batas ng Victoria, ang tao ay nangangailangan mag hain ng TAC claim sa loob ng 12 na buwan mula sa petsa ng aksidente o sa loob ng 12 na buwan mula sa unang pagpapakita ng pinsala ng isang tao. Sa mga espesyal na pagkakataon lamang na ang TAC ay may pagpapasya na tanggapin ang isang claim na isinampa sa loob ng tatlong (3) taon mula sa petsa ng aksidente.  

Si Emily Wright at ang aming koponan ay mga abogado sa personal injuries na makatutulong sa iyo para sa ‘No Win No Fee’ na batayan. Kung gusto mo ng payo patungkol sa personal injury claim, mangyaring kontakin si Emily Wright at Littles Lawyers ngayon.  

Like? Share it with your friends.

Contact the Author

Topics

More Articles