Tulong! Naaksidente ako sa Queensland ngunit sa ibang estado nakarehistro ang nakabangga sa akin. Makagagawa pa rin ba ako ng claim

Tulong! Naaksidente ako sa Queensland ngunit sa ibang estado nakarehistro ang nakabangga sa akin. Makagagawa pa rin ba ako ng claim?

Sa Australia, kinakailangan na mayroong Compulsory Third Party Insurance (CTP) ang mga nagmamaneho. Ang layunin ng CTP Insurance ay protektahan ang mga indibidwal na napinsala sa aksidente sa daan na sanhi ng kapabayaan ng isa pang nagmamaneho at tulutan silang makakuha ng bayad-pinsala. 

 

Bagaman patakaran para sa lahat ng nagmamaneho sa Australia ang CTP Insurance, ang bawat estado o teritoryo ay may iba-ibang batas at regulasyon ukol sa mga benepisyo at kabayarang maaaring kunin ng napinsala. Samakatuwid, mahalagang humingi ng payong legal mula sa isang personal injury lawyer na dalubhasa sa kaugnay na hurisdiksyon kung saan naganap ang aksidente. 

 

Sa Queensland, kinakailangang mapatunayan na ang drayber ng kabilang sasakyan ang may sala o bahagyang may sala sa aksidente upang makapagsagawa ng isang claim. 

Paggawa ng isang claim laban sa isang interstate driver?

Isa sa mga inaalala at madalas na itinatanong ay kung ano ang mangyayari kung ikaw ay nasangkot sa isang aksidente sa daan sa Queensland ngunit ang sasakyang may sala ay nakarehistro sa ibang estado? 

 

Kung ikaw ay nasangkot sa isang aksidente sa daan kung saan ang maysala ay hindi sakop ng CTP scheme ng iyong estado, hindi ibigsabihin nito na ikaw ay hindi na maaaring gumawa ng isang claim. Ang lehislayon o batas pangkalsada na iiral sa claim ay nakadepende sa estado kung saan naganap ang aksidente at hindi kung saan nakarehistro ang sasakyan ng maysala. Sa Australia, ang bawat estado ay may kani-kaniyang regulatory authority na namamahala ng CTP claims. Ang mga kaugnay na awtoridad ng mga interstate CTP ay ang mga sumusunod: 

  1. Queensland – Motor Accident Insurance Commission;   
  2. New South Wales – State Insurance Regulatory Authority (SIRA);   
  3. Australian Capital Territory – ACT Department of Treasury Motor Vehicle Accident Injuries Commission;   
  4. Victoria – Transport Accident Commission (TAC);   
  5. Tasmania – Motor Vehicle Insurance Board (MAIB);   
  6. South Australia – CTP Insurance Regulator;  
  7. Western Australia – Insurance Commission of Western Australia (ICWA); and   
  8. Northern Territory – Territory Insurance Office (TIO).  

 

Sa pangkalahatan, ang panuntunan ay ang lokasyon ng aksidente ang magpapasiya ng hurisdiksyon ng claim para sa lahat ng aksidente sa daan. Ngunit, kung ang sasakyang maysala ay nakarehistro sa ibang estado, kinakailangang ihain ang claim sa kaugnay na interstate insurer. 

 

Dahil ang bawat estado o teritoryo ay may iba-ibang panukala at batas para sa mga CTP claim, mahalaga na dumulog sa isang personal injury lawyer na mayroong kasanayan sa kaugnay na estado o teritoryo. Maaari kang tulungan ng Littles Lawyers sa paghahain ng claim laban sa isang interstate na drayber sa batayang ‘No Win, No Fee.’ Sa Littles, mayroon kaming mga opisina sa buong Australia at maaari namin kayong maidirekta sa kaugnay na pangkat na maaaring tumulong sa iyong motor vehicle accident claim. 

 

Maaring makapanayam si Ellie White para sa isang libre at walang obligasyong konsultasyon. 

Like? Share it with your friends.

Contact the Author

Topics

More Articles

ความประมาทจากทางการแพทย์หมายถึงอะไร

ความประมาทจากทางการแพทย์เป็นหนึ่งในข้อกฎหมายที่เกี่ยวกับการบาดเจ็บส่วนบุคคลประเภทหนึ่งที่ครอบคลุมกรณีที่แพทย์ผู้เชี่ยวชาญให้การดูแลที่ไม่เพียงพอ หรือไม่เหมาะสมส่งผลให้ผู้ป่วยได้รับบาดเจ็บ  การเรียกร้องขอค่าชดเชยจากความประมาททางการแพทย์นั้นค่อนข้างซับซ้อน และจำเป็นอย่างยิ่งที่จะต้องเข้าใจกฎหมายความประมาททางการแพทย์ในด้านต่าง ๆ ที่อาจนำไปใช้กับกรณีของคุณ ตัวอย่างบางส่วนของความประมาททางการแพทย์ ได้แก่ การบาดเจ็บที่เกิดขึ้นระหว่างการคลอด, การวินิจฉัยผิดพลาดหรือการวินิจฉัยล่าช้า, การไม่ส่งตัวเพื่อการตรวจเพิ่มเติม, ไม่ให้คำแนะนำที่จำเป็น หรือไม่ให้การรักษาในกรณีฉุกเฉิน ข้อผิดพลาดในการผ่าตัด, ผลิตภัณฑ์ทางการแพทย์ที่มีข้อบกพร่อง, ข้อผิดพลาดในการดมยาสลบ หรือข้อผิดพลาดในการสั่งยาและการใช้ยา  หากคุณได้รับบาดเจ็บเนื่องจากความประมาททางการแพทย์ ก่อนอื่นคุณต้องเข้าใจสิทธิ์ตามกฎหมายและค่าชดเชยที่คุณอาจได้รับ ค่าชดเชยสำหรับความประมาททางการแพทย์ในรัฐควีนส์แลนด์รวมถึงปัจจัยต่างๆ...

Read More