Tasmania Public Liability Claims – Mga Dapat Alamin

Ano ang Public Liability?

Sa Tasmania, ang mga Public Liability Claims ay pinamamahalaan sa ilalim ng Civil Liability Act of 2022.   

Ang Public Liability ay isang kategorya ng kapabayaan na nakatuon sa mga pinsalang naranasan sa mga sumusunod: 

a) mga pampublikong lugar; o 

b) mga pribadong lugar na bukas sa publiko, tulad ng mga supermarket. 

Ang pinsalang natamo ay dapat bunga ng pagkakamali (o kapabayaan) ng ibang tao.   

Karaniwan, ang Public Liability ay nagpapakita ng ugnayan sa pagitan ng nasaktan at ng taong may pananagutan sa nangyaring pinsala, na nagbibigay ng tungkulin sa taong may kasalanan na magbigay ng nararapat na pangangalaga sa taong napinsala.  Upang magtagumpay, kailangan na maipakita ng taong napinsala na ang may kasalanan ay hindi nagampanan ang kanilang tungkulin sa pangangalaga, at ang mga pinsalang natamo ay bunga ng hindi pagtupad sa nasabing tungkulin.   

Paghahain ng Public Liability Claim

Upang makapaghain ng public liability claim sa Tasmania, kailangang patunayan ng nagsasakdal ang mga sumusunod: 

  • Natamo ng nagsasakdal ang pinsala sa isang pampubliko o bukas sa publiko na lugar sa Tasmania; 
  • Ang organisasyon o ang taong namamahala sa nasabing lugar ay may tungkulin na magbigay ng tamang pangangalaga sa nagsasakdal; 
  • Maipakita ng nagsasakdal kung sino ang tao o organisasyon na may pananagutan sa nangyari; 
  • Ang organisasyon o ang taong may pananagutan ay nagpakita ng kapabayaan at hindi nagampanan ang kanilang tungkulin sa nagsasakdal; 
  • Ang hindi pagtupad ng organisasyon o ng taong may pananagutan sa kanilang tungkulin ang nagdulot ng pinsala sa nagsasakdal; at 
  • Ang claim ay nasa loob ng time limit (tignan ang ibaba para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa paghahain ng public liability claim).

    Ang nagsasakdal ay kailangang magbigay ng ebidensya bilang suporta sa kanilang mga pinsala at public liability claim.  Kabilang dito ang pagsasama-sama ng mga detalye kaugnay sa pangyayari, tulad ng oras, petsa, address, at impormasyon ng mga testigo.  Ang mga ebidensya tulad ng litrato at bidyo ay karaniwang kapaki-pakinabang sa isang public liability claim, lalo na ang mga litratong kasama ang mga pinsalang natamo, tulad ng galos at pasa, na nakuha sa oras ng aksidente.   

    Ang mga kategorya ng ebidensyang may kinalaman sa isang public liability claim ay kinabibilangan ng: 

  • Ebidensya na nagpapakita na hindi nagampanan ng organisasyon o taong namamahala sa nasabing lugar ang kanilang tungkulin sa pangangalaga upang maiwasan ang pinsala sa publiko (tulad ng hindi pagsasaayos ng mga kagamitang pangkaligtasan o hindi paglilinis ng lugar upang maiwasan ang mga panganib); 
  • Mga tala at ulat tungkol sa pangyayari (tulad ng mga incident report from at mga sulat para sa nasasakdal at galing sa nasasakdal); 
  • Medical documentation tungkol sa mga pinsalang natamo ng nagsasakdal; at 
  • Ebidensya ng pagkalugi sa pananalapi ng nagsasakdal dahil sa naranasang pinsala (tulad ng payslips at income tax return).

    Kung magtagumpay sa pagpapatunay ng paglabag sa tungkulin sa pangangalaga ng organisasyon o tao na namamahala sa lugar, maaaring makamit ng nagsasakdal ang kabayaran sa ilalim ng public liability claim para sa:  

  • Hirap at pagdurusa; 
  • Nawalang kita sa kasalukuyan at sa hinaharap; at 
  • Medikal na gastusin at patuloy na pagpapagamot. 

Time Limits

Sa Tasmania, nagbibigay ang Limitation Act of 1974 ng tatlong taong limitasyon mula sa petsa ng aksidente upang maghain ng public liability proceeding.   

Walang limitasyon para sa mga pang-aabuso sa bata (lahat ng uri ng pang-aabuso) sa Tasmania.   

Kung nalampasan mo ang nabanggit na deadline, may karapatan ka pa rin na maghain ng claim at makatanggap ng kabayaran, gayunpaman, kailangan mong mag-apply sa korte para sa karagdagang panahon at magbigay ng makatwirang dahilan para sa pagkakaantala.   

Si Emily Wright at ang kanyang grupo ay mga dalubhasa sa personal injury law at maaaring tumulong sa’yo sa ilalim ng ‘No Win No Fee” na paraan.  Kung nais mong magtanong tungkol sa personal injury claim, mangyaring makipag-ugnayan kay Emily Wright at sa Littles Lawyers ngayon.

Like? Share it with your friends.

Contact the Author

Topics

More Articles