Queensland Public Liability Claims – Mga Dapat Alamin

Ano ang Public Liability?

Sa Queensland, ang mga Public Liability claims ay pinamamahalaan ng Personal Injuries Proceedings Act 2002.

Ang Public Liability ay isang kategorya ng kapabayaan na nakatuon sa mga pinsalang naranasan sa mga sumusunod:

  1. mga pampublikong lugar; o
  2. mga pribadong lugar na bukas sa publiko, tulad ng mga supermarket.

Ang pinsalang natamo ay dapat bunga ng pagkakamali (o kapabayaan) ng ibang tao.

Ang Public Liabillity ay karaniwang nagpapakita ng ugnayan sa pagitan ng nasaktan at ng taong may pananagutan sa nangyaring pinsala, na nagbibigay ng tungkulin sa taong may sala na magbigay ng nararapat na pangangalaga sa taong napinsala. Upang magtagumpay, kailangan na maipakita ng taong napinsala na ang may sala ay hindi nagampanan ang kanilang tungkulin sa pangangalaga, at ang mga pinsalang natamo ay bunga ng hindi pagtupad sa nasabing tungkulin.

Paghahain ng Public Liability Claim

Upang makapaghain ng Public Liability Claim sa Queensland, kailangang patunayan ng nagsasakdal ang mga sumusunod:

  • Natamo ng nagsasakdal ang pinsala sa isang pampubliko o bukas sa publiko na lugar sa Queensland;
  • Ang organisasyon o ang taong nangangasiwa sa nasabing lugar ay may tungkulin na magbigay ng tamang pangangalaga sa nagsasakdal;
  • Ang nagsasakdal ay kayang makilala ang tao o organisasyon na may kasalanan;
  • Ang organisasyon o ang taong may pananagutan ay nagpakita ng kapabayaan at hindi nagampanan ang kanilang tungkulin sa nagsasakdal;
  • Ang hindi pagtupad ng organisasyon o ng taong may pananagutan sa kanilang tungkulin ang nagdulot ng pinsala sa nagsasakdal; at
  • Ang claim ay nasa loob ng time limit (tingnan ang karagdagang impormasyon sa artikulong ito tungkol sa time limits sa paghahain ng public liability claim sa Queensland)

Ang nagsasakdal at kinakailangang magbigay ng ebidensya ng kanilang public liability claim at ng kanilang mga pinsala. Kasama na rito ang pagbibigay ng mga detalye tungkol sa insidente, tulad ng oras, petsa at address, at impormasyon ng mga saksi. Ang mga litrato at video na ebidensiya ay kadalasang nakakatulong sa public liability claim, lalo na kung kasama rito ang mga litrato ng mga pinsalang natamo, tulad ng mga galos at pasa.

Ang mga kategorya ng ebidensya na may kaugnayan sa public liability claims ay kinabibilangan ng;  

  • Ebidensya na nagpapakita na nagkulang ang organisasyon o taong nangangasiwa sa lugar sa kanilang tungkulin na magbigay ng pangangalaga upang maiwasan ang panganib sa publiko (tulad ng hindi pagsasaayos ng mga kagamitang pangkaligtasan o hindi paglilinis ng lugar upang maiwasan ang mga panganib);  
  • Mga tala at ulat tungkol sa insidente (tulad ng mga incident report from at mga sulat mula at patungo sa nasasakdal); 
  • Medical documentation tungkol sa mga pinsalang natamo ng nagsasakdal; at 
  • Ebidensya ng pagkalugi sa pananalapi dahil sa naranasang pinsala (tulad ng payslips at income tax return). 

Kung magtagumpay na patunayan na may pagkukulang ang organisasyon o ang taong nangangasiwa sa lugar (pananagutan), maaaring makamit ng nagsasakdal ang kabayaran sa ilalim ng public liability claim para sa:  

  • Hirap at pagdurusa; 
  • Nawalang kita sa kasalukuyan at sa hinaharap; at 
  • Medikal na gastusin at patuloy na pagpapagamot. 

Time Limits

Sa Queensland, ang Limitation of Actions Act 1974 ay nagbibigay ng limitasyon na tatlong taon mula sa petsa ng insidente upang maghain ng public liability claims.

Sa Queensland, ang karapatan ng pagkilos na may kaugnayan sa personal injury dahil sa dust-related condition ay hindi sakop ng anumang limitasyon sa ilalim ng batas o alituntunin ng batas. Walang limitasyon para sa mga kaso ng pang-aabuso sa bata.

Kung hindi ito naisagawa sa nasabing panahon, maaari ka pa ring maghain ng claim at makatanggap ng kabayaran, ngunit kailangan mong mag-apply sa korte para sa karagdagang panahon at magbigay ng makatwirang dahilan para sa pagkakaantala.

Si Emily Wright at ang kanyang grupo ay mga dalubhasa sa personal injury law at maaaring tumulong sa’yo sa ilalim ng ‘No Win No Fee” na paraan. Kung nais mong magtanong tungkol sa personal injury claim, mangyaring makipag-ugnayan kay Emily Wright at sa Littles Lawyers ngayon.

Like? Share it with your friends.

Contact the Author

Topics

More Articles

新南威尔士州(NSW)车辆第三者责任保险(CTP):我收到了“26周后的责任通知 (Liability Notice after 26 weeks)”——这是什么意思?

本文提供的信息适用于2017年12月1日至2023年3月31日期间发生的机动车事故。 根据《Motor Accident Injuries Act 2017》,事故发生后的头26周,所有人(无论是否有过错)都有权利提出法定福利索赔,包括工资损失和治疗费用等方面的周福利。  然而,在事故发生后的头26周之后,保险公司需要根据事故情况和您的伤情对您的法定福利索赔做出责任决定。保险公司必须在您提出索赔后的三个月内作出这个决定。  只有当您没有完全或主要过错,并且没有遭受“轻微” (“Minor Injury”) 伤时,您才有权在头26周之后继续享受法定福利支付。  什么是“轻微伤” (“Minor Injury”)? 《Motor Accident Injuries Act 2017》【1.6节】将轻微伤定义为:  软组织损伤...

Read More