Queensland Motor Vehicle Accident (CTP) Claims – Mga dapat alamin

Sa Queensland, ang Motor Accident Insurance Act 1994 ay nagbibigay ng sistema ng kompensasyon para sa mga taong napinsala sa mga aksidente sa sasakyan

Paunang hakbang

Kaagad na makalipas ang isang aksidente, mahalaga na tumawag sa pulisya kung mayroong nasaktan, kung mayroong pinsala sa ari-arian, o kung ang ibang driver ay hindi huminto o nagbigay ng kanilang mga detalye. Ito ay isang paglabag na umalis sa aksidente nang hindi nagpapalitan ng kaugnay na impormasyon sa ibang mga partido na kasangkot sa aksidente. 

Sumunod, mahalagang magpakonsulta sa doktor ang sinumang nasangkot sa isang malubhang aksidente, dahil maaaring hindi kaagad malaman ang lawak ng kanilang mga pinsala. Ito rin ay magbibigay ng kasalukuyang talaan ng anumang mga pinsala na natamo ng isang tao sa panahon ng aksidente. 

Common Law Motor Vehicle Accident Claim

Lahat ng may-ari ng sasakyan sa Australia ay kinakailangang magkaroon ng compulsory third-party (“CTP”) insurance laban sa pananagutan sa pagkamatay o personal na pinsala ng iba na nagmula sa mga aksidente sa sasakyan. 

Kung ang isang tao ay dumanas ng personal na pinsala dahil sa kapabayaan ng nagmamaneho ng hindi nakikilalang o hindi naka-insured na sasakyan, maaaring maghain ng claim laban sa Nominal Defendant. Kung hindi naka-insured ang sasakyan, ang aksidente ay kinakailangan na mangyari sa kalsada o pampublikong lugar upang managot ang Nominal Defendant. 

Batay sa Motor Accident Insurance Act 1994 (Qld), ang isang tao ay maaaring makatanggap ng kompensasyon sa pamamagitan ng negligence claim para sa personal na pinsala o maling pagkamatay. Ang isang tao ay maaaring maghain ng common law motor vehicle accident claim kung: 

Sila ay dumanas ng pinsala;  

  • Ang kanilang pinsala ay dahil sa kapabayaan ng ibang driver; at 
  • Ang aksidente ay naganap sa Queensland. 

Mga halimbawa ng kapabayaan ng driver ay kinabibilangan ng: 

  • Pagkakaroon ng epekto ng droga at alak; 
  • Fatigue 
  • Overspeeding 
  • Pagkaka-distract (manual distraction (tulad ng pag-teks), visual distraction (panonood sa screen sa halip na sa kalsada), o cognitive distraction (pakikipag-usap sa iba, kahit na ito ay hands-free device); at  
  • Tailgating 

Ukol sa pinsalang naranasan, ang isang taong nabiktima ay maaaring maghain ng mga pananagutan gaya ng: 

  • gastos sa pagpapagamot; 
  • gastos sa rehabilitasyon; 
  • nawalang pinagkakakitaan (nakaraan at sa hinaharap); 
  • gastos sa pag-aalaga at suportang serbisyo; at 
  • pangkalahatang pinsala (sakit at kahirapan).

National Injury Insurance Scheme

Noong 2016, ipinakilala ng Pamahalaan ng Queensland ang National Injury Insurance Scheme (Queensland) Act 2016 (Qld). Ang batas na ito ay nagtatag ng sangay ng Queensland ng National Injury Insurance Scheme. Layunin ng programang ito na magbigay ng habambuhay na pagpapagamot, pag-aalaga at suporta sa mga taong dumanas ng malubhang pinsalang pisikal, anuman ang dahilan nito. 

Sa kasalukuyan, ang Scheme na ito ay nag-aapply lamang sa partikular na malubhang pinsalang pisikal na nakuha sa mga aksidente sa sasakyan. 

Limitasyon sa Oras

Sa Queensland, mayroong tatlong (3) taon mula sa petsa ng insidente ang isang tao upang mag-umpisa ng kaso kaugnay ng aksidente sa sasakyan. Sa kakaibang mga sitwasyon lamang maaring mapalawig ang limitasyon ng oras na ito. 

Mayroon ding karagdagang panahon na dapat tandaan kapag naglalayong maghain ng kaso laban sa Nominal Defendant para sa mga aksidente na kasama ang isang hindi kilalang sasakyan. Kaya’t mahalagang humingi ng legal na payo kaagad pagkatapos ng isang aksidente. 

Si Emily Wright at ang kanyang koponan ay mga dalubhasang abogado sa personal injury na maaaring tumulong sa inyong mga kaso sa ilalim ng ‘No Win No Fee’ na batayan. Kung nais ninyong magtanong tungkol sa personal injury claim, mangyaring makipag-ugnayan kay Emily Wright at sa Littles Lawyers ngayon. 

Like? Share it with your friends.

Contact the Author

Topics

More Articles

TPD保险的评定标准和需知

若您因生病或受伤(或两者)而无法工作,完全和永久伤残保险 (Total and Permanent Disability Insurance,以下简称TPD保险)能让您向保险公司进行申请,领取伤残保险金。对于很多人来说,无法回到原来的职业和工作岗位对生活的收入来源造成很大的影响。不同的TPD保险政策或产品也有着不一样的定义和评定原则。希望此文能协助您了解更多关于TPD保险金的基础知识。 我的TPD索赔已被接受。这是不是意味着我不能从事任何工作? 每一个保险公司提供的TPD政策不同,对“完全和永久伤残”的定义和索赔申请被接纳后对于工作的限制有不一样的要求。一般TPD政策的定义如下:  • 不能回到您受的教育、培训以及经验相关的工作;  • 不能投入您一向来从事的职业;  • 无法进行日常生活的活动;  • 失去两肢的使用或视觉能力。  有些保险政策的评定只需要满足以上的其中一项,有一些则要求两项或以上。因此,申请伤残保险金需要详细查阅政策内容和规定。保险公司接纳您的申请后也不代表您一定要停止一切的工作。在申请保险金的当儿,能做点其他的工作除了可增加收入,更重要的是能让我们保持社交能力以及维持身心健康。若您还有工作能力转行和进行其他工作,也并不代表TPD索赔的申请必然失败。  我不太确定自己有没有受保 ,我该怎么办? 若您在澳洲工作,您是否注意到您的退休金会定期扣除一些行政费以及保险费(Insurance Premium)?很多人不太注意退休金的积累以及保费的支付。您或许没印象购买过TPD保险,但您可通过查阅您的退休金会员账号及明细,查询您的退休金机构是否附带TPD保险。这种通过退休金机构选购以及支付的保险,统称退休金伤残保险 (Superannuation-based TPD insurance)...

Read More