QLD Claims: Industriyal na Pagkabingi

Ano ang Industriyal na Pagkabingi?

Ang industriyal na pagkabingi ay ang pagkawala ng pandinig na sumira sa hair cells ng tainga at hindi na maaring maayos o maibalik. Ang isang taong may pinsalang dulot ng pagkabingi ay maaaring kinakailangan magsuot ng hearing aids sa natitirang bahagi ng kanilang buhay at/o hindi makabalik sa kanilang trabaho. 

Kung ikaw ay nagkaroon ng pinsalang dulot ng pagkabingi habang natatrabaho sa Queensland, maaaring magkaroon ka ng karapatan na humingi ng buong halaga ng kompensasyon sa ilalim ng sistema ng Workers’ Compensation sa Queensland. Dagdag pa nito, kung naniniwala ka na ang iyong employer ay maaaring mapanagot sa pinsalang naranasan, maaari kang magkaroon ng karapatan na maghain ng isang common law claim na nagbibigay-daan sa iyo na humingi ng karagdagang kabayaran bukod sa buong halaga ng kompensasyon. 

Mga Pamantayan para sa Claim ng Industriyal na Pagkabingi:

Upang maging karapat-dapat na magkapaghain ng kahilingan sa workers’ compensation para sa industriyal na pagkabingi, kailangan matugunan ang mga sumusunod: 

  • Magbigay ng sertipikadong medikal na tala ng worker’s compensation na nagsusuri ng industriyal na pagkabingi ng nasaktang indibidwal at maghain ng kahilingan habang ikaw ay: 
  1. Itinuturing na manggagawa sa ilalim ng Batas sa Workers’ Compensation at Rehabilitation Act 2003; 
  2. Pansamantalang walang trabaho, ngunit karaniwang itinuturing bilang isang manggagawa; o 
  3. Nasa loob ng 12 buwan mula sa opisyal na pagreretiro. 
  • Nagtrabaho nang hindi bababa sa limang (5) taon sa isang hanapbuhay kung saan ang antas ng ingay ay isang malaking sanhi na nakapagdulot ng industriyal na pagkabingi. 

Proseso para sa kabayaran ng Claims sa Industriyal na Pagkabingi:

Ang proseso ng paghahain ng claim para sa industriyal na pagkabingi ay maaaring kumplikado at mahirap unawain at intindihin nang mag-isa. 

Kung ang iyong claim ay tinanggap ng WorkCover Queensland, ikaw ay magkakaroon ng karapatan na humiling ng isang buong halagang bayad bilang kabayaran batay sa antas ng permanenteng kapansanan (Degree of Permanent Impairmet o DPI). Pagkatapos nito, ipapadala ka ng WorkCover Queensland (ang nasaktang indibidwal) upang sumailalim sa pagsusuri ng isang audiologist upang masuri ang iyong pandinig. Layunin ng konsultasyon na ito na masiyasat ang lawak ng pangmatagalang pagkawala ng pandinig na iyong naranasan dahil sa trabaho. Ang audiologist ang magdedesisyon sa antas ng permanente at pinsalang iyong natamo na kilala rin bilang DPI. 

Pagkatapos ng konsultasyon na ito, ikaw ay makakatanggap ng Notice of Assessment mula sa WorkCover Queensland na maglalarawan sa lawak ng pagkawala ng pandinig at kung magkano ang iyong maaring makuha bilang Lump Sump Statutory Payment  batay sa batas ng workers’ compensation na batay sa porsiyento ng DPI. 

Humingi ng Legal na Payo:

Mahalagang humingi ng legal na payo lalo na tungkol sa dokumento ng Notice of Assessment. Ito ay dahil kung ang iyong pinsalang dulot ng pagkabingi ay mas mababa sa 20% na antas ng permanente at kapansanan, hindi ka maaaring tumanggap ng kabuuang halagang bayad at isulong ang common law claim para sa pinsala na naidulot ng iyong employer sa iyong pagkabingi 

Samakatuwid, maaaring hindi mo makuha ang mahalagang kabayaran na nararapat mong makuha, kung naniniwala ka na ang iyong employer ang may kasalanan sa iyong pagkabingi. Kung naniniwala ka na ang iyong employer ay maaaring may kasalanan sa mga pinsala, maaari kang magkaroon ng pagkakataon na isulong ang common law claim. Sa pamamagitan nito, maaari kang humiling ng kabayaran tulad ng pagkawala ng kita sa nakaraan at sa hinaharap, gastusin sa medikal sa nakaraan at sa hinaharap, pati na rin ang sakit at pagdurusa at pagkawala ng pasilidad. 

Kung naniniwala ka na mayroon kang claim para sa industriyal na pagkabingi na naidulot sa loob ng iyong trabaho, dapat kang kumonsulta ng legal na payo mula sa aming mga espesyalista na nagsasanay sa mga aksidente sa trabaho. Ang aming koponan ay makapagbibigay ng paunang libreng konsultasyon upang magbigay ng payo patungkol sa posibilidad ng iyong claim, alin sa mga ito ang angkop sa iyong kalagayan, at kung gaano kalaking pinsala sa pamamagitan ng kabayaran na maaari mong makuha. 

Bukod sa pagbibigay ng libreng unang konsultasyon, aming tutugunan ang iyong claim batay sa alituntunin ng “No Win, No Fee”. Kung ikaw ay naniniwalang mayroong claim, makipag-ugnayan kay Ellie White para sa libreng unang konsultasyon at talakayin ang mga detalye ng iyong aksidente at mga pinsala. 

Like? Share it with your friends.

Contact the Author

Topics

More Articles