Pinsalang Natatamo ng isang Hospitality Worker  

Para sa maraming kabataan, ang pagkakaroon ng trabaho sa fast food hospitality ay ang unang yapak tungo sa buhay ng isang empleyado. Ang mga kabataan ay pumapasok rito na may lakas at pananabik na sa wakas ay maari na silang makapagtrabaho, ngunit, sa isang banda, ang mga kabataan ay minsan walang muwang sa kanilang mga karapatan at mga dapat tinatanggap bilang isang empleyado, lalo’t pagdating sa mga pinsalang natatamo sa trabaho.  

Para sa mga batang Australyano, konti o walang edukasyon na ibinibigay ukol sa mga tulong, o kung paano intindihin ang batas patungkol sa kabayaran sa pinsala. Dahil dito, ang mga kabataang ito na nagtatrabaho sa industriya ng hospitality ay maaring makaranas ng pinsala at paghihirap ng walang kaalam-alam sa mga opsyon na maaari nilang gamitin.

Mga Pinsala sa Trabaho sa Hospitality

Kung para sa iba, ang pagtatrabaho sa hospitality industry ay entry-level lamang, hindi nito ibig sabihin na ito ay madali. Ang mga nagtatatrabaho sa hospitality industry ay humaharap ng madaming panganib na maaring maglagay sa kanila sa sitwasyon na kung saan ay maari silang magtamo ng pinsala. Ang mga komon na pinsala sa hospitality ay: sunog sa balat o paso, pagkadulas at pagkahulog, paulit-ulit na strain injuries, at maaari ding magkaroon ng pinsala sa isip.  

Ang mga pinsalang pisikal ay maaring magdulot ng pisikal na limitasyon sa kapasidad ng manggagawa kapag siya ay nagtatrabaho. Ang hospitality worker na nagtamo ng pinsala katulad na lamang ng sunog sa balat o pagkahulog ay maaring di na makapagtrabaho. Ganun din sa kaso ng pinsala sa isip na pwedeng magresulta sa hindi pagbabalik trabaho ng empleyado. Harapin na natin, ang mga hospitality worker ay maaring pagsamantalahan at itrato ng hindi nararapat ng mga awtoridad sa kanilang mga pinatatrabahuan. Ang bullying sa trabaho, sobrang pagtatrabaho o diskriminasyon base sa lahi, kasarian o sekswal na oryentasyon ay maaaring magdulot ng pinsala sa isip ng isang indibidwal. Ito ay maaaring makita bilang isang psychological injury katulad ng matinding anxiety, depression o post-traumatic stress disorder, na puwedeng maka impluwensya sa abilidad ng manggagawa na magtrabaho o kumita katulad ng epekto ng iba pang psychological injury. 

Ano ang aking mga karapatan?

Ang mga hospitality workers ay maaring walang alam na ang mga employer ay may responsibilidad na pangalagaan ang kanilang mga manggagawa. Ang responsibilidad na ito ay puwedeng ibigay sa mga manager at superbisor na siyang mangangasiwa at titiyak na ang pagtatrabahuan ay ligtas. Kung magkaroon ng pinsala, mataas ang posibilidad na sila ay nabigong magbigay ng ligtas na working environment. 

Ano ang maaari kong gawin?

Lahat ng mga hospitality worker ay makakatiyak na kung may mangyaring pinsala, may mga paraan upang makahingi ng tulong. Una, maaaring maglodge ng Workers compensation claim. Sa statutory phase, ito ang pagbibigay ng mga lingguhang monetary benefit at pondo para sa rehabilitasyon katulad na lamang ng physiotherapy sessions at pagpapakonsulta sa isang GP.  

Kung ang pinsala ay dahil sa kapabayaan ng employer, ang nagtamo ng pinsala ay maaaring may karapatan na maghabol ng common law claim. Sa pangyayaring ito, maaari nilang habulin ang mga nangyari na at mangyayari palang na pagkawala ng kanilang kita, pera dahil sa pagpapagamot.

Limitasyon sa Oras

Pagdating sa hospitality, o kung ano pa mang pinsala na natamo sa trabaho, mayroong istrikto na limitasyon sa oras para sa pagtanggap ng benipisyo o sa pagtuloy ng claim o paghahabol. Sa gayon, upang malaman ang iyong sitwasyon ng walang karampatang bayad, i-email na ngayon ang tagapanulat, Jack McDonald ng Littles Lawyers sa jmcdonald@littles.co para sa isang paunang konsultasyon 

Like? Share it with your friends.

Contact the Author

Topics

More Articles