Pinsala sa trabaho – Ano ang mangyayari sa aking pinagtatrabahuhan

Isa sa mga realidad sa buhay ay ang mga pinsala na maaaring mangyari kahit anong oras, kasama na ang lugar ng pinagtatrabahuhan. Maaaring kabilang sa mga pinsalang ito ang pisikal, mental o kahit na dati nang malalang pinsala. Sa kabutihang palad, ang batas sa Queensland ay nagpoprotekta ng mga napinsalang manggagawa sa pamamagitan ng Workers’ Compensation and Rehabilitation Act 2003 at WorkCover Queensland.

Ang katotohanan sa ilan sa mga pinsalang ito gayunpaman, ay ang pinsala ay dulot ng kapabayaan ng employer. Kung ito man ay hindi ligtas na lugar ng trabaho, hindi pagbibigay ng wastong kagamitan o pangangasiwa, o hindi pagbibigay ng wastong tagubilin, ang employer ay maaaring may kasalanan para sa mga pinsalang natamo.  

Kung saan maipapakita na ang employer ang nagdulot ng mga pinsalang natamo ng isang mangaggawa, maaaring piliin ng isang manggagawa na ituloy ang common law claim para sa mga pinsala. Nagbibigay daan ito sa manggagawa na mabawi ang nakaraan at hinaharap na pagkawala ng kita, mga gastusin at pagpapagamot, kabayaran sa pananakit at pagdurusa at maging ang mga legal na gastos sa ilang partikular na kaso.  

Ngunit ilan sa mga employadong napinsala ay takot na ituloy ang kaso, sa kadahilanan ng paniniwala ng mga negatibong epekto na ipapataw sa employer. Kadalasan, ang mga napinsalang manggagawa ay nag-aalala sa kanilang sarili sa epekto ng common law claim sa kanilang employer, sa kabila ng kanilang sariling pangangailangan na sila ay bayaran.  

Ang dahilan sa likod nito ay para mapanatiling masaya ang lugar ng pinagtatrabahuhan dahil ang manggagawa ay naaawa sa employer, o kahit na ang klasikong pagsasama sa trabaho ng mga Australian. 

Minsan ang mga tao ay may negatibong pananaw patungkol sa paghain ng kaso dahil sa mga lumang paniniwala tungkol sa kung ano ang ibig sabihin ng pagdedemanda sa isang tao o ang mademanda. Ang mga tao ay maaaring natatakot sa kanilang kultura sa lugar ng trabaho, at natatakot sa negatibong balik sa kanilang kapaligiran, o kahit na mawalan ng trabaho. Gayunpaman, dahil sa pagbabago ng panahon, at sa ilalim ng kasalukuyang batas sa Queensland, ang mga ito ay nakaseguro para sa ganitong eksaktong pangyayari

Sino ang magbabayad ng aking claim?

Upang bigyang linaw, ang mga lugar na pinagtatrabahuhan at mga employer sa Queensland ay may partikular na insurance na tinatawag na Accident Insurance Policy, na may WorkCover Queensland o isang katumbas nito. Sinasaklaw ng insurance na ito ang isang hanay ng mga pinsala sa mangagagawa, kabilang ang; pisikal, sikolohikal, mga pinsala sa paglipas ng panahon, paglala ng mga kasalukuyang pinsala at maging ang kamatayan.  

Saklaw ng patakarang ito ang mga employer para sa buong gastos ng anumang common law claim para sa mga pinsala, kabilang ang lahat ng pagkawala ng kita ng manggagawa sa nakaraan at hinaharap, mga gastusing medikal/pagpapagamot, at kabayaran sa pananakit at pagdurusa. Maaring sakupin ng patakaran na ito ang mga gastos sa mga legal na gastusin ng employer.  

Samakatuwid, ang mga napinsalang mangaggawa ay hindi kinakailangang mag-alala sa kanilang trabaho kung ipagpapatuloy nila ang common law claim gawa ng pinsalang kanilang natamo. Ito ay hindi kinakailangan bayaran ng pinagtatrabahuhan dahil ito ay saklaw ng insurance para sa mga ganitong uri ng insidente. 

Pag-iinitan ba ako sa trabaho?

Ang iyong claim ay nasa pagitan mo at ng WorkCover Queensland lamang at maaaring pasimplehin sa pamamagitan ng paglapit sa isang abogado ng personal injury, na gagabay sa iyo sa proseso ng walang stress sa pagharap sa mga kumplikadong sistema.  

Dagdag pa nito, hindi maaaring tanggalin sa trabaho ng employer ang manggagawa dahil sa paghahain nito ng common law claim hanggang isang taon matapos ang petsa ng aksidente.  

Kaya naman, kung ikaw o may kakilala kang napinsala sa trabaho ay maaari kang makakuha ng kompensasyon na tinalakay sa itaas.  

Mayroong mahigpit na limitasyon sa oras ang pinsala sa trabaho. Kung kaya napakahalaga na masuri ang iyong mga karapatan ng isang abogado ng personal injury sa lalong madaling panahon. Kung ikaw o may kakilala kang nakaranas ng pinsala sa trabaho, mangyaring kontakin ang Littles Lawyers para sa libreng konsultasyon ngayon.  

Like? Share it with your friends.

Contact the Author

Topics

More Articles