Pampublikong Transportasyon: Gabay na Impormasyon

Pampublikong Transportasyon: Gabay na Impormasyon

Ang pag-byahe ay bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay – maging ito man ay sa pamamagitan ng bus, tren, o isang ride-sharing service. Kung ikaw ay nagko-commute papunta sa trabaho o bumabyahe para sa mga personal na dahilan, ang aksidente ay hindi maiiwasan. Kung sakaling ikaw ay naaksidente sa daan, may mga batas sa Queensland na maaaring makatulong sa iyo. Ang mga batas na ito ay idinisenyo upang protektahan ang mga pasahero mula sa mga pinsalang dulot ng kapabayaan o pagkakamali ng transport provider o ng iba pang gumagamit ng kalsada. Magbibigay ng artikulong ito ng komprehensibong gabay sa batas na sumasaklaw sa journey claims sa Queensland upang mas maunawaan ng mga pasahero ang kanilang mga karapatan at kung ano ang nararapat na gawin kung sakaling masangkot sa aksidente.

Ano ang tinatawag na journey claim?

Ang journey claim ay isang uri ng personal injury claim na nangyayari sa oras ng pag-byahe sa pamamagitan ng kahit anong pampublikong transportasyon. Kadalasan, ang ganitong uri ng claim ay sumasaklaw sa mga pisikal na pinsalang natamo mula sa aksidente dahil sa kapabayaan ng transport provider o ng iba pang gumagamit ng kalsada.

Anong batas ang sumasaklaw sa journey claim?

Ayon sa Queensland Civil Liability Act 2003, ang mga pasahero ay may karapatang humingi ng kabayaran para sa kanilang mga pisikal at pinansyal na pinsala – tulad ng mga gastusin sa pagpapagamot, nawalang kita, at iba pang gastos kaugnay sa aksidente. Upang mag-claim, dapat na mapatunayan ng pasahero na ang kanilang pinsala ay sanhi ng kapabayaan o pagkakamali ng transport provider o ng indibidwal na responsable sa aksidente. Maaaring kabilang dito ang pagpapakita na ang taong responsable sa aksidente ay may tungkuling pangalagaan ang pasahero at ang tungkuling ito ay nalabag o hindi natugunan.

Ano ang proseso sa paghahain ng journey claim?

Ang proseso sa paghahain ng isang journey claim ay katulad rin sa ibang personal injury claims – nagsisimula ito sa pag-abiso sa transport provider at pagbibigay ng ebidensya upang suportahan ang claim. Ang insurance company ng responsableng transport provider ay magsasagawa ng pagsisiyasat, kukuha ng mga pahayag, susuriin ang mga medikal na ebidensya, at tutukuyin kung sino ba ang dapat na managot at ang lawak ng kabayarang dapat ibigay sa napinsalang pasahero.

Kailan dapat maghain ng journey claim?

Mahalagang malaman na mayroong time limit ang paghahain ng personal injury claims sa Queensland. Ang mga napinsalang pasahero ay may tatlong taon mula sa araw ng aksidente upang maghain ng claim, kaya naman mainam na kumonsulta sa isang abogado sa lalong madaling panahon pagkatapos ng aksidente.

Legal na representasyon

Madalas magkaroon ng aksidente sa daan at mahalaga na alam mo ang iyong mga karapatan kung sakaling ikaw ay masangkot sa isa. Bilang isang pasahero, may karapatan kang humingi ng kabayaran para sa pinsalang iyong natamo – hindi lamang pisikal, kundi maging pinansyal. Kung sakaling ikaw ay pansamantalang hindi nakapasok sa trabaho dulot ng aksidente, isa itong pinansyal na pinsala na maaari mong singilin ayon sa batas. May karapatan ka rin sa legal na representasyon na nagsisiguro na makakamit mo ang hustisya at mapapanagot kung sinuman ang may sala. Kaya, manatiling may kaalaman upang maging handa sa pangangasiwa ng anumang sitwasyon na maaaring mangyari habang ikaw ay nasa daan. Kung sakaling ikaw ay isang biktima, huwag mag atubiling humingi ng legal na payo mula sa Littles.

Like? Share it with your friends.

Contact the Author

Topics

More Articles

 REST Superannuation 에 가입되어 있나요

원문보기: https://littles.co/do-you-have-insurance-with-rest/ 법무법인 리틀즈 허지원 변호사입니다.  호주에서 Retail business에서 일한 경우, 즉 소매업계에 일하게 되면 REST Super라는 연금보험에 가입하게 되는 경우가 있습니다. REST Super에...

Read More