Pag-Unawa sa mga Panganib na Sanhi ng Pagka-Expose sa Crystalline Silica at ang Iyong mga Legal na Karapatan Pagdating sa Kompensasyon

Ang silica na matatagpuan sa lupa, buhangin, granite, at iba pang mga materyales na pang konstruksyon kabilang na ang mga ladrilyo, semento, at artipisyal na bato, ay isang seryosong banta sa kalusugan sa mga industriya katulad ng pagmimina, konstruksyon, at demolisyon. Ang pagka-expose sa mapanganib na dami ng crystalline silica ay pwede ding makuha sa paggamit ng mga kasangkapan na pangputol, pangdurog, at pangbutas ng artispisyal na bato para sa paliguan at counter ng kusina kapag nag-aayos ng mga bahay. Ang ganitong klaseng exposure ay pwedeng magsanhi ng silicosis, malalang bronchitis, at lung cancer, lahat ng ito ay pwedeng magkaroon ng malubhang epekto sa kalidad na buhay ng isang tao.  

Ang silicosis ay isang nakakapanghinang sakit na resulta ng paglanghap ng crystalline silica, na wala pa ring lunas. Ang natatanging paraan para maiwasan ang ganitong sakit o pabagalin ang paglago nito ay ang pagtanggal ng dahilan sa pagka-expose sa silica. Kung ikaw ay nakaranas at nagdusa dahil sa isang sakit o pinsala na dulot ng silica, maaari kang makakuha ng kabayaran mula rito.  

Ang Iyong mga Legal na Karapatan na Mabayaran

Bilang biktima ng pinsala o sakit na dulot ng silica, ikaw ay merong legal na karapatan na mabayaran. Kabilang dito ang kabayaran sa sakit at pagdurusa, pag-alaga na binigay ng isang tao (kahit ito ay hindi mo binayaran), gastusing medical (noon at sa kinabukasan), pagkawala ng kita, at kakayahang kumita. Importante na maintindihan mo ang iyong mga karapatan at humingi ng kabayaran sa mga pinsala na iyong dinanas.  

Upang maging matagumpay ang iyong hangarin na makakuha ng kompensasyon, kailangan mong patunayan na ang pinsala o sakit ay dulot ng kapabayaan o paglabag sa tungkulin ng isang tao o kompanya. Sa mga kaso ng pagka-expose sa silica, maaring maisama ang employer, manufacturer, o supplier ng mga produkto o kasangkapan na ginagamit sa pinagtatrabahuan. Kailangan mo ring magbigay ng ebidensya ng iyong pagdurusa, katulad na lamang ng medical report, resibo para sa mga gastusing medical, at pruweba ng pagkawala ng iyong kita.  

Importante na iyong malamang na mayroong istrikto na limitasyon sa oras ng paghangad ng kompensasyon na sanhi ng pinsala. Ito ay makikita sa Personal Injuries Proceeding Act 2002 sa Queensland. Dahil dito, ang paghingi ng payo sa isang abogado ay napaka-importante upang maintindihan at mapag-aralan ang iyong tyansa na maghabol.  

Pag-iingat sa Pag Protekta ng Iyong Sarili

Kung ikaw ay nagtatrabaho sa mga industriya katulad ng pagmimina, konstruksyon, o demolisyon, o kapag ikaw ay nagtatrabaho sa isang renobasyon, importante ang pag-iingat sa sarili mula sa exposure sa alikabok ng silica. Kabilang sa pag-iingat na ito ang paggamit ng personal protective equipment katulad ng respirators at protective clothing, at pagtitiyak ng sapat na bentilasyon upang mabawasan ang lebel ng alikabok.  

Sa Queensland, ang Work Health and Safety Regulation 2011 ay naghayag ng mga kinakailangang gawin para mapamahalaan ang mga panganib na kaakibat ng pagka-expose sa alikabok ng silica. Ang mga employer ay inatasan na alamin ang mga panganib na dala ng pagka-expose sa alikabok ng silica, ipatupad ang mga control upang mapamahalaan ang mga panganib, at magsagawa ng mga pagsasanay at magbigay ng sapat na impormasyon sa mga manggagawa tungkol sa panganib at mga kontrol.  

Ang Paghahanap ng Medikal na Atensyon

Kung ikaw ay na-expose sa alikabok ng silica at nakakaranas ng mga sintomas katulad ng pag-ubo, hirap sa paghinga, pananakit ng dibdib, o sobrang kapaguran, importante na magpakonsulta sa lalong madaling panahon. Kailangan mo ding ipaalam sa iyong employer at magsagawa ng mga hakbang upang mabawasan ang iyong pagka-expose sa alikabok ng silica katulad na lamang ng paggamit ng protective equipment kagaya ng respirators at pagbasá ng mga gamit bago putulin o durugin ang mga ito.  

Sa pagtatapos, ang pagka-expose sa alikabok ng silica ay isang seryosong isyu na maaring magkaroon ng mapanganib na epekto sa kalusugan. Kung ikaw ay nakaranas ng mga pinsala at sakit dulot ng silica, importante na humingi ng legal na payo upang maintindihan ang iyong mga karapatan at masigurado na iyong matatanggap ang karapat-dapat na kabayaran. Sa pamamagitan ng pagprotekta ng iyong sarili at paghahanap ng medikal na atensyon kung ikaw ay nakakaranas ng mga sintomas, maaari mong mabawasan ang tyansa ng pagkakaroon ng mga problema sa kalusugan dulot ng silica.  

Like? Share it with your friends.

Contact the Author

Topics

More Articles