NSW Worker’s Compensation: Dapat ba akong maghain ng Worker’s Compensation claim kapag ang aking employer ay nagbabayad para sa aking physiotherapy

Madalas naming marinig sa mga kliyente na pumupunta sa amin na hindi nila naisip na maghain ng claim dahil tinutulungan naman sila ng kanilang employer na magbayad para sa physiotherapy, at sila naman ay tinitignan ng doktor ng kumpanya nang walang bayad. Bilang karagdagan, madalas na binabayaran at inaaprubahan ng mga employer ang hiling ng mga manggagawang napinsala na kumuha ng “sick leaves” habang wala silang trabaho.   

Sa kasamaang-palad, madalas na naliligaw ng landas ang napinsalang manggagawa kapag ginagawa iyon ng kanilang employer at pakiramdam nila ay hindi na nila kailangan pa na maghain ng claim dahil inaalagaan naman sila.  Kadalasan, hindi sinasabi ng employer ang buong karapatan ng napinsalang manggagawa sa ilalim ng NSW workers compensation scheme.   

Madalas na nakararamdam ng pagkagipit ang napinsalang manggagawa sa pagbabalik sa trabaho, dahil nauubos na ang kanilang sick leave at kailangan nilang kumita.  Ang hindi alam ng mga napinsalang manggagawa na sa pamamagitan ng paghahain ng workers compensation claims sa worker’s compensation insurer, maaaring karapat-dapat sila sa patuloy na pagbabayad ng sahod (lingguhang kabayaran sa benepisyo) hanggang sa dalawa at kalahating taon, kung sila ay napatunayan na walang kasalukuyang kapasidad na magtrabaho.  Gayundin, kung maghahain ka ng isang workers compensation claim, hindi mo kailangang gamitin ang iyong ‘sick leave’ at ‘personal leave’ para masakop ang oras na wala ka sa trabaho. 

Bilang karagdagan sa pagkakaroon ng bayad sa iyong sahod, responsibilidad din ng insurer na magbayad para sa kinakailangang mga gastos para sa pagpapagamot.  Ang mga konsultasyon sa GP at physiotherapy ay madalas na panimulang punto ng isang plano sa pagpapagamot, gayunpaman, depende sa iyong mga pinsala at kalubhaan nito, maaaring mangailangan ka ng mga espesyal na gamutan tulad ng konsultasyon sa isang Orthopaedic Surgeon, Neurosurgeon, o sumailalim sa MRI scans.  Sa ilang mga pagkakataon, maaaring kailanganin mo na dumalo sa isang pain management clinics, upang maturuan ka sa kung paano pamamahalaan ang iyong sakit.  Nakakita kami ng ilang mga claim na kung saan inaprubahan ng insurer ang isang therapy dog para sa isang manggagawa na nagtamo ng sikolohikal na pinsala na may kaugnayan sa trabaho.  Sigurado ako na wala pang nakapagsabi sa’yo tungkol dito.  

Responsibilidad din ng insurer na magbayad para sa makatuwirang mga gastos sa biyahe papunta at pabalik galing sa medical appointments.  Kung ikaw ay bumiyahe gamit ang pribadong sasakyan, makakakuha ka ng bayad hanggang sa 55 sentimo bawat kilometro.  Sa kasalukuyang mercado na may mga presyo ng gasolina na napakataas, naiintindihan namin na mahalaga ang bawat dolyar kapag hindi ka makapagtrabaho.   

Sa huli, bukod sa pagbabayad ng iyong sahod at pagpapagamot, maari ka rin na makakuha ng isang one-off lump sum payout para sa permanenteng pinsala na iyong natamo bilang resulta ng iyong aksidente sa trabaho.  Malabong magkukusa ang iyong employer o workers compensation insurer na payuhan ka tungkol dito o gumawa ng mga pagsasaayos para masuri ang iyong antas ng pinsala.  Ang pamantayang pamamaraan ay bilang isang claimant, kakailanganin mong maghain muna ng claim para sa lump sum compensation, at pagkatapos ay tutugon ang insurer sa iyong claim.  Hindi ito ganun kadali, at upang masiguro na mapakikinabangan mo ang lahat ng iyong karapatan sa kompensasyon, mariin naming iminumungkahi na kumonsulta ka sa Littles Lawyers para sa libreng legal na payo.   

Ang NSW Workers Compensation Scheme ay isang kumplikadong sistema at samakatuwid ay inirerekomenda namin na humingi ka ng legal na payo.  Ang pinuno ng aming grupo sa NSW na si Jessica Cheung, ay isang akreditadong espesyalista sa batas ng personal injury sa trabaho.  Kung naniniwala ka na nagtamo ka ng pinsalang nauugnay sa trabaho, at gusto mo ng propesyonal na legal na payo, makipag-ugnayan kay Jessica at sa kanyang grupo para sa isang kumpindensyal na talakayan nang walang gastos sa iyo.  

Like? Share it with your friends.

Contact the Author

Topics

More Articles