Si ha sufrido lesiones por un accidente de tránsito o transporte, este puede ser un momento muy difícil y puede...
Read MoreAnong mangyayari kapag na-aksidente ako habang nagtatrabaho?
Wala sa isip ng karamihan ang mga ganitong uri ng tanong hanggang sa mismong pangyayari ng aksidente. Kung sakaling masasangkot ang isang empleyado sa isang aksidente habang nagtatrabaho, nararapat lamang na agarang humingi ng atensyong medikal.
Dapat ding ilarawan ang eksaktong pangyayari habang nasa doktor at isa-isahin ang mga apektadong parte ng katawan. Iwasan din na mag-self diagnose at hayaang suriin ng doktor ang kasalukuyang lagay ng mga napinsalang parte. Kung ang doktor ay magdedesisyon na ikaw nga ay mayroong work-related injury at nais mong maghain ng workers compensation claim, kinakailangang humingi ng “certificate of incapacity” mula sa iyong doktor. Malawak ang sakop nito kumpara sa mga normal na certificate at ito ang karaniwang hinihingi sa mga nagnanais maghain ng claim.
Ipagbigay-alam agad ang nasabing insidente sa iyong amo at ibigay ang orihinal na kopya ng nakuha mong certificate of capacity mula sa iyong doktor. Ito ay kinakailangan para maasikaso nila kaagad ang iyong claim. Hihingin nila ang iyong panig ukol sa mga nangyari sa pamamagitan ng pagsusulat ng sariling ulat ng pangyayari. Siguraduhin din na mayroon kang sariling kopya ng iyong certificate.
Mayroong pitong (7) araw ang iyong amo para asikasuhin ang iyong ulat ukol sa isang work-related injury at ipagbigay-alam ito sa kanilang insurer. Kung sakaling tanggihan nila o antalahin and pag-iimbestiga ng nasabing ulat, maaari kang humingi ng agarang tulong legal mula sa Littles Lawyers.
Kapag natanggap na ng insurer ang report ng iyong amo, nararapat lamang na pansamantala nilang bayaran ang iyong sahod sa loob ng pitong (7) araw habang inaasikaso ang iyong claim. Ito ay tinatawag na provisional weekly payments. Kinakailangang mayroon silang wastong dahilan kung gusto nila itong tanggihan o antalahin.
Maaring pansamantalang bayaran ng insurer ang iyong sahod kahit hindi pa nila natutukoy kung sino ang may pananagutan na insidente. Maari itong umabot ng:
Isa sa mga layunin ng provisional liability ay para makapabigay ang insurer ng tulong pinansyal sa mga injured na manggagawa at tulungan sila sa mga kinakailangang atensyong medikal habang patuloy nilang iniimbestigahan kung sino ang dapat managot sa nangyaring insidente sa trabaho.
Kapag inaprubahan na ng insurer ang provisional liability at sinabi ng iyong doktor na kailangan mong magpahinga muna mula sa trabaho, sisimulan na nilang bayaran ang nararapat na lingguhang benepisyo na magsisilbing kabayaran para sa mga araw na hindi ka sumahod.
Nararapat ding sagutin ng insurer ang iba pang mga medikal na gastusin na may kaugnayan sa iyong injury. Kasama na rito ang konsultasyon sa doktor at mga espesyalista, physiotherapy, radiology scans, counseling, at mga kinakailangang gamot.
Hindi pare-parehas ang lahat ng claim at ang bawat isa ay may pagkakaiba. May mga pagkakataon kung saan dalawang empleyado ang parehas na masasangkot sa isang aksidente dulot ng kapabayaan ng kanilang amo ngunit magkaiba pa rin ang antas ng pinsalang pwede nilang matamo. Sa mga ganitong sitwasyon, nararapat lamang na humingi ng hiwalay at sariling payong legal mula sa mga eksperto upang makatanggap ng karampatang kabayaran.
Si ha sufrido lesiones por un accidente de tránsito o transporte, este puede ser un momento muy difícil y puede...
Read MorePara sa maraming kabataan, ang pagkakaroon ng trabaho sa fast food hospitality ay ang unang yapak tungo sa buhay ng...
Read MoreNSW workers’ compensation claims: I was injured in the workplace months ago, and it is much worse than I first...
Read More