NSW Workers Compensation: Ano ang Independent Medical Examination (“IME”)

Ang Independent Medical Examination (“IME”) ay isang medikal na pagsusuri na isinasagawa ng isang kwalipikado at may karanasan sa medikal na praktisyuner na makatutulong magresolba sa isyu ng pinsala o pamamahala ng claim. 

 

Ang insurer ay maaaring mag-ayos ng IME para matukoy ang:  

  • pag-diagnose ng isang pinsala na iniulat ng manggagawa
  • kontribusyon ng mga insidente sa trabaho, tungkulin at/o kasanayan sa pinsala
  • kung ang pangangailangan para sa paggamot ay resulta ng pinsala mula sa manggagawa at ito ay makatuwirang kinakailangan
  • mga rekomendasyon at/o pangangailangan para sa paggamot
  • kapasidad para sa mga tungkulin at oras bago ang pinsala
  • ang posibilidad ng/at panahon ng paggaling
  • kapasidad ng ibang trabaho/tungkulin (ang paglalarawan ng mga tungkulin ay ilalahad sa independent medical examiner)
  • kung anong nakaraan at/o patuloy na kawalan ng kakayahan ang resulta ng pinsala
  • pisikal na kakayahan at anumang aktibidad na dapat iwasan
  • Pagsusuri ng antas ng iyong permanenteng kapansanan o whole person impairment 

 

Ang iyong abogado ay maaaring mag-ayos ng IME para:  

  • Suriin ang antas ng iyong permanenteng kapansanan o whole person impairment para sa layunin ng pag-gawa ng kabayaran sa iyong claim
  • Kumuha ng opinyong medikal upang hamunin ang dispute notice ng insurer (maaaring tugunan ang pinsala, kapasidad sa trabaho at/o iminungkahing pagpapagamot) 

 

Mahalagang maunawaan mo na ang IME ay hindi upang palitan ang iyong sumusuring GP o espesyalista para sa kasalukuyang pagpapagamot, kundi “isahang” pagsusuri (bagaman sa ilang mga pagkakataon, maaaring kailanganin ang mga kasunod na pagsusuri) para sa isang medikal na opinyon para sa isang tiyak na paksa. 

Ano ang nangyayari sa IME?

Sa kabuuan, tatanungin ng doktor ang napinsalang manggagawa tungkol sa mga sumusunod: 

  • kanilang medikal at dating trabaho
  • ano ang sanhi ng pinsala o kundisyon
  • kung paano sila naaapektuhan ng pinsala
  • natanggap at ipinanukalang pagpapagamot
  • aksyon na ginawa para sa kanilang pagpapagaling 

 

Para sa mga pinsalang pisikal o kundisyon, ang pagsusuri ay maaaring may kasamang pisikal na pagsusuri. Para sa pinsalang sikolohikal o kondisyon, ang doktor ay maaaring magsagawa ng sikolohikal na pagsusuri. 

 

Kung ikaw ay kasalukuyan umiinom ng anumang mga gamot, magandang ideya na dalhin ang mga ito sa iyong doktor upang makakuha ng tamang talaan ng uri ng gamot at ang dosis. 

 

Kung nagsagawa ka ng anumang radiology scan tulad ng mga x-ray, ultrasound, at MRI, dapat mong dalhin ang mga kopya nito bilang karagdagan sa anumang mga ulat sa papel dahil mas gustong suriin ng ilang doktor ang mga kopya mismo. 

 

Pagkatapos ng IME, susulat ang doktor ng ulat sa referrer (para sa insurer man ito, o para sa iyong abogado), na tumutugon sa mga tanong na itinanong ng referrer. Maaaring magrekomenda ang doktor ng mga karagdagang pagsisiyasat o isang kasunod na pagsusuri kung kinakailangan. 

 

Ang insurer ay kinakailangang magbigay sa iyo ng kopya ng ulat kung umaasa sila dito upang i-dispute ang iyong claim (o isang aspeto ng iyong claim) at/o bawasan ang halaga ng lingguhang benepisyo. 

 

Dapat mong malaman na alinsunod sa Seksyon 119 ng Workplace Injury Management and Workers Compensation Act 1998, kung tumanggi kang dumalo o hamadlang sa IME, mayroong pagpapasya ang insurer na suspindihin ang iyong lingguhang mga benepisyo hanggang sa sumailalim ka sa IME. 

 

Kung ikaw ay nagdadalawang-isip sa pangangailangan o pagiging makatwiran ng isang IME na iniayos ng insurer, marapating makipag-ugnayan sa Littles Lawyers para mabigyan ka namin ng legal na payo. 

 

Ang NSW Workers Compensation Scheme ay isang kumplikadong sistema at samakatuwid ay lubos naming inirerekomenda na humingi ka ng legal na payo. Ang Pinuno ng aming NSW team, si Jessica Cheung ay isang Accredited Specialist sa Personal Injury Law na dalubhasa sa mga pinsala sa lugar ng trabaho. Kung ikaw ay  naniniwalang nagtamo ng pinsalang nauugnay sa trabaho at gusto mo ng propesyonal na legal, makipag-ugnayan kay Jessica at sa kanyang koponan para sa isang kumpidensyal na talakayan nang walang bayad. 

Like? Share it with your friends.

Contact the Author

Topics

More Articles