NSW WC: Paano sinusuri ang saykayatrik at sikolohikal na diperensiya para sa permanenteng kapansanan

Ang NSW Workers Compensation Guidelines for the Evaluation of Permanent Impairment na inilathala ng SIRA ay nagdidikta kung paano sinusuri ang permanenteng kapansanan para sa saykayatrik at sikolohikal na diperensiya.  

 

Ang unang hadlang para sa mga napinsalang manggagawa ay ang antas ng kapansanan ay dapat na nakabatay sa isang pangunahing nakikilalang saykayatrikong pagsisiyasat. Halimbawa, ang pakiramdam ng pagiging malungkot ay hindi isang saykayatrikong pagsusuri, ngunit isang paglalarawan ng mga sintomas. Gayunpaman, ang “Kabalisaan ” o “Depresyon” ay tamang saykayatrikong pagsusuri na maaaring magdulot ng pakiramdam ng kalungkutan. 

 

Mayroong ilang mga katanuyan na kailangang isaalang-alang ng tagapagsiyasat bago malaman kung ang sakit sa isipan ay permanenteng kundisyon. Dapat ilapat ng medikal na tagasuri ang kanyang klinikal na opinyon at paghatol, upang kumbinsihin na ang kondisyon ay maaaring magpatuloy nang walang katiyakan. Ang ilan sa mga bagay na ito na isinasaalang-alang ng medikal na tagasuri ay ang tagal ng kapansanan, ang posibilidad na bumuti ang kondisyon, kung ang napinsalang manggagawa ay nagsagawa ng nararapat na pagrehabilita (hal. para sa pagkonsulta sa isang saykayatris at/o pag-inom ng anti-depressant na gamot) at anumang iba pang nauugnay na usapin. 

 

Kinakailangan din ng medikal na tagasuri na isaalang-alang ang mga epekto ng anumang mga gamot, pagpapagamot at rehabilitasyon na isinagawa ng napinsalang manggagawa mula sa petsa ng pinsala hanggang sa petsa ng pagsusuri. Kakailanganin ng tagasuri na tukuyin at magbigay ng komento sa ulat kung ang mga epekto ng anumang paggamot ay maaaring baguhin o hindi, ang antas ng permanenteng kapansanan. 

 

Kung ang napinsalang manggagawa ay dumanas ng anumang dati nang kondisyon (may kaugnayan man ito sa trabaho o wala), ang medikal na tagsuri ay kinakailangang kumuha ng kasaysayan at isaalang-alang ang lahat ng may kaugnay na impormasyon tungkol sa dati nang kondisyon, at pagkatapos ay gawin ang naaangkop na paghahati/pagbawas kung naaangkop. 

 

Para sa pagsusuri ng mga sakit sa pag-iisip, ang medikal na tagasuri ay kinakailangang suriin ang mga kahihinatnan ng pag-uugali batay sa anim (6) na kategorya, na tinatawag na Psychiatric Impairment Rating Scale (PIRS). Ang 6 na kategorya ay: 

  1. Pangangalaga sa sarili at personal na kalinisan
  2. Mga aktibidad na panlipunan at libangan
  3. Paglalakbay
  4. Kasanayang panlipunan (relasyon)
  5. Konsentrasyon, pagtitiyaga at bilis
  6. Kakayahang mag trabaho 

 

Sa loob ng bawat kategorya ang pag-uugali ay inuri mula sa Class 1 hanggang Class 5, kung saan ang Class 1 ay banayad na kapansanan at Class 5 na ganap na may kapansanan. Ang mga alituntunin ay nagbibigay ng ilang halimbawa ng mga aktibidad ng bawat klase. 

 

Gamit ang unang kategorya na “Pag-aalaga sa sarili at personal na kalinisan” bilang isang halimbawa, ang mga halimbawa ng banayad na kapansanan (Class 2) na pag-uugali ay “Nakakayang mamuhay nang nakapag-iisa; alagaan ang sarili nang sapat, bagaman maaaring magmukhang gusgusin paminsan-minsan; minsan nakakaligtaan ng pagkain o umaasa sa take-away na pagkain” habang ang mga halimbawa ng ganap na kapansanan (Class 5) na pag-uugali ay “Nangangailangan ng tulong sa mga pangunahing gawain, tulad ng pagpapakain at paggamit ng banyo”. 

 

Matapos dumaan ang medikal na tagapagsiyasat sa bawat isa sa mga kategorya at masuri kung saang klase kabilang ang pag-uugali ng napinsalang manggagawa, ito ay magbibigay ng marka sa kapansanan sa pag-iisip sa pamamagitan ng unang pagtukoy sa median na marka ng klase, at pagkatapos ay kalkulahin ang pinagsama-samang marka. Pagkatapos gawin ito, gagamitin ng tagasuri ang talahanayan ng conversion table ayon sa idinidikta sa mga alituntunin upang magkaroon ng panghuling permanenteng kapansanan. 

 

Ang pamamaraan sa itaas ay pamantayan anuman ang napinsalang manggagawa ay dumadalo sa medikal na pagsusuri na isinaayos ng kanyang sariling mga abogado, ang doktor ng insyurer at/o ang medikal na tagasuri na isinaayos ng Personal Injury Commission (PIC). 

 

Ito ay isang kumplikadong sistema at ang nasa itaas ay nagbibigay lamang ng isang buod kung paano ang sakit sa pag-iisip. Kung ikaw ay naniniwalang nagtamo ng pangunahing saykayatrik o sikolohikal na pinsala bilang resulta ng iyong pagtatrabaho o hindi sigurado, maaari kaming magbigay sa iyo ng ilang payo at makakatulong na gabayan ka sa buong proseso upang ikaw ay mabayaran ng patas. 

 

Like? Share it with your friends.

Contact the Author

Topics

More Articles