NSW Public Liability Claims: Ano ang maaari mong i-claim

Ang mga claims sa public liability ay batay sa pagkakamali. Ibig sabihin nito, upang magtagumpay ka sa iyong claim, kailangan mong patunayan ang pagkakamali (o karaniwang tinatawag na kapabayaan) ng ibang partido, maliban sa iyo. Kung hindi mo mapapatunayan ang kapabayaan, hindi ka magkakaroon ng karapatan sa anumang kompensasyon kahit na nagkaroon ka ng pinsala dahil sa insidente.

Ngunit kung magagawa mong patunayan ang kapabayaan, mayroong apat na uri ng kompensasyon na maaari mong makuha mula sa nasasakdal, depende sa iyong sitwasyon:

Gastos sa Medikal at Pagpapagamot

Maaari mong matanggap ang mga gastos sa medikal at pagpapagamot na kung saan ay makatuwiran, kinakailangan at may kaugnayan sa iyong mga pinsala. Kasama rito ang mga gastusin sa gamot, mga konsultasyon sa mga espesyalista, operasyon at mga kaakibat na gastos, physiotherapist, chiropractor, radiology scans, at iba pa. Maaari ka rin na makatanggap ng mga gastusin sa paglalakbay papunta at galing sa iyong treatment providers.

Upang suportahan ang iyong claim para sa mga gastusin sa medikal at pagpapagamot, mahalaga na talakayin mo ang iminungkahing pagpapagamot ng general practitioner na nangangalaga sa iyo, kumuha ng mga referral sa iminungkahing pagpapagamot at itago ang mga kopya ng resibo sa anumang pagpapagamot na iyong natanggap at binayaran gamit ang sarili mong pera.

Kawalan ng Sahod (Kawalan ng Kabuhayan)

Maaari kang magkaroon ng karapatan na makuha ang iyong kawalan ng sahod sa nakaraan at sa hinaharap kung mapatunayan mo na ang iyong pinsala ay mayroon o magkakaroon ng epekto sa kakayahan mo na kumita.

Ito ay maaaring magdulot ng pangangailangan na magpahinga sa trabaho dahil sa mga pinsala, pagkawala ng pagkakataon sa propesyon o oportunidad, hindi kayang bumalik sa dati mong oras ng trabaho at tungkulin bago magkaroon ng pinsala, o kaya’y lubos na mawalan ng kakayahang magtrabaho.

Maaari ka rin na magkaroon ng karapatan na humingi ng bayad para sa nawalang kontribusyon sa superannuation sa nakaraan at sa hinaharap.

Pangagalaga at Tulong sa Bahay

Kung nakatanggap ka ng libreng pangangalaga at tulong mula sa pamilya o mga kaibigan dahil sa kawalan ng kakayahan sa paggawa ng mga gawain sa bahay o mag-alaga ng iyong sarili, maaari kang magkaroon ng karapatan na humingi ng bayad para rito. Kung nagbayad ka para sa komersyal na tulong sa bahay, inirerekumenda namin na itago mo ang kopya ng resibo ng pagbabayad dahil maaari mo rin itong makuha bilang bahagi ng iyong claim.

Mga halimbawa ng mga gawain na maaaring ituring na libreng pangangalaga at tulong sa bahay ay maaaring pagluluto, paglilinis, pagpupunas, paggapas ng damuhan, paglalaba, pamamalengke, pangangalaga ng personal na pangangailangan tulad ng paglilinis, pagligo, at iba pa.

Mayroong ilang partikular na limitasyon na dapat mong matugunan bago ka magkaroon ng karapatan sa pagsasagawa ng claim at ipapaliwanag ito sa iyo nang mas detalyado sa aming pagpupulong at sa buong panahon ng iyong claim.

Pangkalahatang Pinsala (karaniwang kilala bilang Hirap at Pagdurusa)

Sa ilalim ng Civil Liability Act 2002 (NSW), maaari lamang naming ihain ang claim para sa hirap at pagdurusa sa iyong ngalan kung ang iyong mga pinsala ay lumampas sa isang limitasyon na higit sa 15% ng pinakamatinding kaso.

Upang malaman na lumagpas ka sa 15% na limitasyon, kinakailangan naming magkaroon ng pagsusuri mula sa isang kwalipikadong medico-legal na dalubhasa sa sandaling naging maayos na ang iyong kalagayan.

Sa konklusyon, mahalagang maunawaan mo ang iyong mga karapatan at benepisyo sa pinakamaagang panahon matapos ang isang aksidente. Huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin upang magkaroon ng kumpidensyal na talakayan tungkol sa iyong pinsala at potensyal na claim.

Like? Share it with your friends.

Contact the Author

Topics

More Articles

กรณีตัวอย่างอุบัติเหตุทางรถยนต์ของในรัฐควีนส์แลนด์: ความสำคัญของความน่าเชื่อถือ และการปฏิบัติตัวของโจทก์

สวัสดีครับวันนี้ผมได้เอาเคสตัวอย่างเกี่ยวกับสิ่งที่ทุกท่านพึงระวังหลังจากทำการเรียกร้องค่าชดเชยจากการเกิดอุบัติเหตุบนท้องถนนมาให้เพื่อน ๆ ได้อ่านกันครับ ขอท้าวความไปที่รายละเอียดของเหตุการณ์นี้ก่อนนะครับ โจทก์ Ms. Meah Baldock Davies เป็นหญิงอายุ 20 ปีที่ได้รับบาดเจ็บอันเป็นผลมาจากการถูกยานยนต์ที่ขับโดยจำเลยที่หนึ่งพุ่งชน ในขณะที่เธอกำลังเดินไปตามถนน Sunshine Boulevard, Broadbeach Waters โจทก์ได้รับบาดเจ็บที่กระดูกสันหลังส่วนคอ กระดูกสันหลังส่วนเอว ซี่โครงหักสามซี่...

Read More