NSW CTP – Permanenteng Kapansanan – Sanhi ng mga Pinsala

Introduksyon

Ang layunin ng “ika-6 na parte ng Motor Accident Guidelines: Permanent Impairment” ay para masuri ang antas ng permanenteng kapansanan na dulot ng isang aksidente sa sasakyan alinsunod sa Motor Accident Injuries Act 2007 (NSW) (the Act). Ang parte na ito ay batay sa American Medical Association’s Guides to the Evaluation of Permanent Impairment, Fourth Edition (AMA4 Guides).  

Sanhi ng Pinsala

Ang Clause 2(a) of Schedule 2 of the Act ay natatatag na ang pagsusuri sa antas ng permanenteng kapansanan ay isang paksang pagsusuring medikal. Ang ebalwasyon na ito ang magtutukoy sa antas ng permanente at bunga ng pinsala na dinanas ng nasaktang indibidwal bilang resulta sa aksidente sa sasakyan. Samakatuwid, ang lahat ng mga pagsusuri sa permanenteng kapansanan ay nagpapalagay ng pagpapasiya kung ang pinsala ay nauugnay sa aksidenteng pinag-uusapan. Ang mga medikal na tagasuri ay dapat na may kaalaman sa mga kaugnay na probisyon ng AMA4 Guides, gayundin ang mga prinsipyo ng karaniwang batas na gagamitin ng korte o ng Personal Injury Commission kapag sinusuri ang mga naturang bagay.  

Ang kahulugan ng sanhi na ibinigay sa AMA4 Guides, ay nagpapaliwanag na ang sanhi ay tumutukoy sa isang pisikal, kemikal, o biolohikal na salik na nag-dulot sa paglitaw ng isang kondisyong medikal. Kinakailangan na patunayan ang dalawang bagay upang matukoy kung ang isang dahilan na sinasabing sanhi o dahilan sa paglitaw o paglala ng isang medikal na kondisyon ay talagang nagawa ito:  

  1. Ang di-umano’y kadahilanan ay maaaring nagdulot sa paglala ng kapansanan kung saan ito ay isang medikal na desisyon, at  
  2. Ang di-umano’y kadahilanan ay naging sanhi sa paglala ng kapansanan, kung saan ito ay isang hindi pang medikal na pagpapasiya. Nangangailangan ito ng isang medikal na desisyon at isang kaalamang hindi pang medikal na pagpapasiya.  

Walang pangkalahatang pagsubok na tumutugon sa lahat ng mga kaso, ngunit ang kinikilalang paraan ay naglalaman ng pagtukoy kung ang aksidente ang nagdulot o may malaking kontribusyon sa pinsala (at kaakibat na kapansanan). Ang aksidente sa sasakyan ay hindi kailangang maging tanging dahilan, basta’t ito ay isang dahilan na mas malaki sa kapabayaan. Sa ilang mga kaso, maaaring nakabubuti na isaalang-alang ang tanong na “Mangyayari ba ang pinsalang ito (o kapansanan) kung hindi dahil sa aksidente?” Gayunpaman, hindi ito itinuturing na isang tiyak na pagsusuri dahil maaaring hindi laging angkop, lalo na sa mga kaso kung saan mayroong maraming kadahilanang nagdudulot nito.  

Ang pamamaraan ng CTP ay kumplikado at kung ikaw ay nagtamo ng pinsala (pisikal o sikolohikal) mula sa aksidente sa sasakyan, aming inirerekumenda na ikaw ay humingi ng payong legal. Ang pinuno ng aming koponan sa NSW na si Jessica Cheung ay isang Accredited Specialist sa Personal Injury Law. Depende sa iyong claim, maaari kaming mag-ayos ng medico-legal na pagsusuri upang masuri ang iyong permanenteng kapansanan bilang resulta ng nasabing aksidente. Kung ikaw ay naniniwalang nagtamo ng personal na pinsala at nagnanais ng propesyunal na legal na payo, mangyaring makipag-ugnayan kay Jessica at sa kanyang koponan para sa isang kumpidensyal na talakayan nang walang gastos.  

*Ang intensyon at layunin ng artikulong ito ay para gamitin lamang bilang gabay.   

Like? Share it with your friends.

Contact the Author

Topics

More Articles