NSW CTP – Ano ang “minor injury”?

NSW CTP – Ano ang “minor injury”?

Sa panahon ng iyong CTP personal injury claim, maaring narinig mo na ang terminong “minor injury” ng ilang beses. Ano nga ba ang ibig sabihin nito?

Ano ang minor injury?

Ang depenisyon ng minor injury ay nade-determina base sa pagsusuri sa halip ng sintomas, at hindi nito kino-konsidera ang pinsalang pisikal o emosyonal na epekto ng isang indibidwal. Kadalasan, ang indibidwal na mayroong minor injury ay maaaring asahan na gumaling dahil sa angkop na paggamot, pamahalaan ang kanilang sintomas na mag-isa o may katulong, at makabalik sa trabaho o normal na aktibidad ng mabilis. 

Mayroong dalawang klase ang minor injury; 

1. Soft tissue injury  

Ang soft tissue injuries ay tumutukoy sa mga pinsala sa kalamnan at iba pang non-bony tissues sa katawan. Ang mga pinsalang ito ay laganap sa iba’t-ibang yugto ng ating buhay, at malamang na nakaranas ka na ng isa, gaya ng pananakit ng kalamnan o pananakit ng likod. Ang pinakamadalas na nangyayaring pinsala sa soft tissue pagkatapos ng aksidente ay whiplash, na kadalasang nagdudulot ng kakulangan sa ginhawa sa leeg.  

2. Minor psychological or psychiatric injury  

Matapos ang aksidente, maari kang makaranas ng pagbabago sa iyong pakiramdam o pag-uugali, pakiramdam ng kalungkutan, pag-aalala, takot, galit, o kosensiya, kung ikaw ay nasangkot sa aksidente o saksi nito. Ang mga sikolohikal na sintomas na ito ay tinuturing minor psychiatric o pinsalang sikolohikal at kalimitang gumagaling ang mga tao sa maikling panahon lamang upang sila ay makabalik sa trabaho o normal na aktibidad. Sa madaling sabi, kung ang pinsala ay hindi kinikilala bilang sakit sa pag-iisip, ito ay kinakategorya bilang minor injury.  

Gayunpaman, mayroong dalawang psychiatric illness na tinatawag na adjustment disorder at acute stress disorder, ito ay kinokonsiderang minor injuries dahil sa maikling panahon na paggaling.  

Ano ang mga benepisyong makukuha ng mga taong may minor injuries?

Ang mga indibidwal na mayroong minor injuries dulot ng aksidente ay maaaring makakuha ng statutory benefits upang makatulong sa kanilang pagpapagaling hanggang 26 na linggo. Kabilang sa mga benepisyong ito ay lingguhang bayaran para sa suporta sa kinikita, gastusing medikal, at personal na pangangailangang serbisyo.  

Gayunpaman, sa ilang mga pagkakataon, maaaring makakuha ng benepisyo sa pagpapagamot at pangangalaga matapos ang paunang 26 na linggo lalo na kung ito ay nag-aambag sa pagpapabuti sa kaning lagay. Ito ay inirerekomenda na talakayin ang posibilidad sa tagapamahala ng kaso sa insurer kung kinakailangan.

Paano kung hindi ako sang-ayon sa desisyon ng insurer?

Kung ikaw ay hindi sang-ayon sa desisyon ng insurer, maaari kang humiling ng rekonsiderasyon sa insurer sa pamamagitan ng ‘insurer internal review’. Kung gusto mong hilingin ito, dapat mo itong gawin sa loob ng 28 na araw matapos mong matanggap ang liham ng liability notice. Kailangan mong magbigay ng karagdagang impormasyon sa insurer patungkol sa inyong pinsala.  

Ang pamamaraan ng CTP ay kumplikado at kung ikaw ay nagtamo ng pinsala (pisikal o sikolohikal) mula sa aksidente sa sasakyan, aming inirerekumenda na ikaw ay humingi ng payong legal. Ang pinuno ng aming koponan sa NSW na si Jessica Cheung ay isang Accredited Specialist sa Personal Injury Law. Depende sa iyong claim, maaari naming suriin ang abiso ng pananagutan sa iyong ngalan, humiling ng pagpapalawig ng oras upang magsampa ng internal na rebyu, mangalap ng medikal na ebidensya upang suportahan ang iyong mga pinsala at posisyon, at isulong ang kaso laban sa desisyon ng insurer para sa iyong kapakanan.  

Kung ikaw ay naniniwalang nagtamo ng personal na pinsala at gusto ng propesyunal na legal na payo, mangyaring makipag-ugnayan kay Jessica at sa kanyang koponan para sa isang kumpidensyal na talakayan nang walang gastos.  

*Ang intensyon at layunin ng artikulong ito ay para gamitin lamang bilang gabay. 

Like? Share it with your friends.

Contact the Author

Topics

More Articles

การเรียกร้องค่าชดเชยของคนงาน : 3 สิ่งที่คุณควรทำทันทีหากคุณได้รับบาดเจ็บในที่ทำงาน

ทุกคนมีสิทธิ์ที่จะไปทำงานในแต่ละวัน โดยรู้ว่าพวกเขาจะไปทำงานและกลับถึงบ้านได้อย่างปลอดภัย ซึ่งหากคุณได้รับบาดเจ็บหรือเจ็บป่วยจากการทำงาน คุณอาจมีสิทธิ์ที่จะเรียกร้องค่าชดเชยสำหรับคนงานเนื่องจากการใช้จ่ายในค่ารักษาพยาบาล และการฟื้นฟูสมรรถภาพ ค่าใช้จ่ายในการฝึกอบรมใหม่ หรือเงินก้อนสำหรับเมื่อเกิดการบาดเจ็บอย่างถาวร  มีการเปลี่ยนแปลงมากมายในการเตรียมการสำหรับการขอค่าชดเชยของคนงานในช่วงไม่กี่ปีที่ผ่านมา คุณอาจสับสนเล็กน้อยเกี่ยวกับจุดเริ่มต้นซึ่งเป็นเรื่องที่เกิดขึ้นบ่อยครั้ง  ท้ายที่สุดแล้วกฎหมายว่าด้วยค่าตอบแทน และสิทธิ์ของคนงานนั้นยากต่อการปฏิบัติตาม เนื่องจากกฎหมายเหล่านี้แตกต่างกันไปในแต่ละรัฐและดินแดน และอาจเป็นที่รู้จักในชื่อ WorkCover, CTP หรือ WorkSafe  ค่าตอบแทนและสวัสดิการอาจแตกต่างกันอย่างมากขึ้นอยู่กับการบาดเจ็บและกฎหมายที่คุ้มครองคุณในแต่ละรัฐที่คุณอาศัยอยู่  หากคุณได้รับบาดเจ็บจากการทำงาน คุณอาจอยากรู้ว่าต้องทำอย่างไรต่อไปบ้าง...

Read More