NSW CTP: Ano ang ibig sabihin ng Nervous Shock Claim

Ang pagiging biktima ng isang traumatic car accident o kahit ang pagiging malapit na kamag-anak lamang ng taong sangkot sa nasabing aksidente ay maaaring maging traumatic na karanasan para sa kahit sinong indibidwal, lalo na kung ang aksidente ay nagresulta sa pagkamatay o mga psychiatric injuries kagaya ng depresyon, pagkabalisa, o post-traumatic stress disorder (PTSD).

Sa parehas na nabanggit na sitwasyon, maaaring maghain ng nervous shock claim ang nasabing indibidwal at humingi ng karampatang kabayaran para sa kanilang naranasang sakit sa katawan, kawalan, at iba pang uri ng pinsala.

Sino ang maituturing na malapit na kamag-anak?

Ang isang malapit na kamag-anak ay maaaring isa sa mga nabanggit:

a) Ang magulang ng biktima o iba pang taong maituturing na may responsibilidad sa biktima halintulad ng pagiging isang magulang;

b) Ang asawa ng biktima (kabilang ang sinumang maituturing na kabiyak ng biktima, kasal man o hindi);

c) Ang anak o sinumang itinuturing bilang anak ng biktima;

d) Ang kapatid ng biktima, kabilang ang lahat ng kinakapatid ng biktima.

Kapag ang nasabing malapit na kamag-anak ng biktima ay makararanas ng psychiatric injury, maari rin silang makatanggap ng karampatang kabayaran kahit hindi nila nasaksihan ang aksidente o pagkamatay sa personal.

Ano ang maaaring i-claim ng apektadong indibidwal?

  • Panggastos sa operasyon o kahit anong bagay na medikal 
  • Panakip sa kawalan ng sahod 
  • Panakip sa mga gastos pang-araw-araw 
  • Panakip sa mga paghihirap na naranasan at kawalan ng kasiyahan sa buhay (kapag lumabas sa pagsusuri na ang psychiatric injuries ay mas mataas sa 10% ng kabuuang kapansanang natanggap ng biktima) 

Ang mga panggastos medikal at panakip sa kawalan ng sahod ay maaring patuloy na matanggap ng apektadong indibidwal at tinatawag na “statutory benefits”. Ang kabayaran naman para sa mga sakit na naranasan at panakip sa nawalang kita ay tinatawag na “common law damages”. Ang ganitong uri ng pinsala ay isang beses lamang binabayaran sa malaking halaga. 

Magkano ang maaari kong matanggap?

Ang halagang maari mong matanggap at ang saklaw ng mga bagay na pwedeng i-claim ay nakadepende kung gaano kalala ang pinsalang naranasan mo, kung masasabing “minor” o “non-minor” ang mga ito batay sa batas. Ang “minor injury” ay tumutukoy sa mga pinsalang kadalasang hindi itinuturing na psychiatric illness kagaya ng acute stress disorder o adjustment disorder. Ang mga “non-minor injuries” naman ay ang mga kilalang psychiatric illness kagaya ng post-traumatic stress disorder (PTSD) o depresyon.

Nakadepende rin ang mga benepisyong matatanggap mo kung sino ang taong responsable sa aksidente at kung mayroon bang masasabing kapabayaan ang biktima sa pangyayari.

Maari kaming magbigay ng payo ukol sa saklaw ng iyong mga posibleng pinsala at karapatan. Kung nakita namin na nagkamali ang iyong insurance company sa pag-uri ng iyong pinsala bilang isang “minor injury” at hindi angkop ang mga pananagutang dapat nilang bayaran sa iyong kaso, gagawin namin ang lahat ng kailangang trabahuhin upang kwestiyunin ang kanilang desisyon at mas maging benepisyal pa ito sa iyong kaso.

Mga limitasyon sa oras pagdating sa paghahain ng claim

Importante ang oras kung layuning kwestiyunin ang desisyon ng iyong insurance company pagdating sa mga natanggap mong pinsala kaya nararapat lamang na kumonsulta agad ng abogado.

Nakasaad sa batas na dapat ay hindi pa nakalilipas ang tatlong taon mula sa mismong araw ng aksidente bago umpisahan ang mga nararapat na paglilitis. Bago rin simulan ang mga ito, maraming trabaho na kailangang gawin sa panig ng apektadong indibidwal kagaya ng pagkalap ng sapat na medikal na ebidensya upang makita ang saklaw at mga hindi magandang kinahinatnan ng mga pinsala, kasama na rito ang posibleng kapabayaan na nangyari sa panig ng biktima.

Huwag magpa-antala at humingi na ng payo ngayon.

Itinuturing na mas mahirap ang mga nervous shock claims kumpara sa mga kaso kung saan nakaranas ang biktima ng mga pisikal na pinsala mula sa aksidente dahil kailangang patunayan na ang mga psychiatric injuries ay naging dulot ng nasabing traumatic na aksidente. Mahirap ding malaman kung anu-ano ang mga maituturing na kawalan para sa biktima at ang mga dapat na bayarang pinsala. Kadalasan, kailangang suriin at patunayan dito ang mga elements of negligence at lumikom pa ng mga medikal na ebidensya.

Maaring kumonsulta ng isang personal injury na abogado para sa mga ganitong uri ng kaso. Sila ang may kakayahang mabigay ng patnubay ukol sa komplikadong proseso at makasisiguradong maganda at maayos ang matatanggap mong resulta pagkatapos ng kaso.

Like? Share it with your friends.

Contact the Author

Topics

More Articles

Total and Permanent Disability หรือ TPD คืออะไร ทำไมเราจำเป็นต้องรู้ 

Total and Permanent Disability หรือ TPD คืออะไร ทำไมเราจำเป็นต้องรู้ ? Total and Permanent Disability หรือ TPD คือการประกันภัย “ทุพพลภาพถาวรสิ้นเชิง” เป็นประกันภัยที่ช่วยให้คุณสามารถเรียกร้องค่าชดเชยได้หากคุณมีอาการเจ็บป่วยหรือได้รับการบาดเจ็บ (หรือทั้งสองอย่าง) และไม่สามารถกลับไปทำงานได้ตามปกติ ...

Read More