New South Wales Workers Compensation Claims – Mga Dapat Alamin  

Sa New South Wales, ang mga tao na nagtamo ng pinsala sa kanilang pinagtatrabahuan ay maaaring maghabol ng kompensasyon sa ilalim ng Workers Compensation Act 1987 No 70 

Ang State Insurance Regulatory Authority (SIRA) ay ang ahensya ng gobyerno ng NSW na responsable sa pamamahala ng NSW workers compensation system. May tatlong uri ng mga insurer sa NSW workers compensation system: iCare, mga self-insurer, at mga specialized insurer.  

iCare / Workers Insurer

Noong 1 Setyembre taon 2015, ang WorkCover NSW ay napalitan ng tatlong bagong entidad, ang SafeWork NSW, ang State Insurance Regulatory Authority, at iCare. Ang mge entidad na ito ay nagbibigay ng parehas na serbisyo at trabaho na dating ginagawa ng WorkCover NSW.  

Ang iCare ay ang New South Wales workers compensation scheme na nagbibigay ng benepisyo at kompensasyon sa mga tao na napinsala sa mga aksidente na nangyari sa kanilang mga trabaho.  

Ang iCare ay nagbibigay ng ‘no fault’ scheme kung saan ang empleyado ay may karapatang makatanggap ng statutory compensation kung ang empleyado ay kinokonsidera bilang isang ‘worker’ at nagtamo ng pinsala nang dahil sa o habang nagtatrabaho. May mga insidente din kung saan ang mga subcontractor ay inuuri bilang “worker” o “deemed worker” sa ilalim ng scheme at sa gayon ay may karapatang makatanggap ng workers compensation benefits.  

Kung ang indibdiwal ay napinsala o lumala ang pinsala, o ang kanilang kalusugan ay naapektuhan ng kanilang trabaho, maaaring may karapatan silang makatanggap ng kabayaran galing sa iCare.  

Ang napinsalang manggagawa ay dapat magsabi ng kanilang pinsala sa kanilang employer at kompletuhin ang iCare claim form. Ang napinsalang manggagawa ay dapat ding kausapin ang kanilang doktok upang kompletuhin ang Certificate of Capacity.  

Kabilang sa mga benepisyo na makukuha ng napinsalang manggagawa sa pamamagitan ng iCare ay ang mga lingguhang sahod, gastusing medikal, mga lump sum payment para sa mga natamong permanent impairment o permanenteng kapansanan, at gastusin sa pagbyahe para sa mga medical appointment.    

Work Injury Damages (Common Law claim para sa Workers Compensation

Ang mga Work Injury damage ay hiwalay sa mga benepisyo na maaring makuha sa pamamagitan ng iCare.  

Ang manggagawa ay maaaring maghabol ng common law right to damages (kabayaran) kung ang responsibilidad ng pangangalaga ay nilabag ng employer o kung ang employer o ibang tao ay hindi sumunod sa kanilang mga legal na obligasyon, at ang manggagawa ay nagtamo ng pinsala bilang resulta nito.  

Ngunit, ang napinsalang manggagawa ay may karapatan lamang sa work injury damages kung sila ay na-assess na may permanent impairment o permanenteng kapansanan na may hindi bababa sa 15% whole person impairment – ito ay maaaring ayon sa kasunduan sa insurer, o sa pag-aassess ng Personal Injury Commission.  

Ang mga employer ay dapat na may workers compensation insurance para sa kanilang mga empleyado. Napapabilang ang mga nakasaad sa insurance scheme:

  • Casual at permanenteng empleyado; 
  • Full-time at part time na empleyado; 
  • Self-employed na manggagawa; at 

Ang mga pinsalang nakapaloob dito ay: 

  • Mga pinsala na natamo sa trabaho, na resulta ng trabaho o habang nagtatrabaho; 
  • Mga sakit na dulot ng trabaho; 
  • Mga dati pang kondisyon o sakit na napalala ng trabaho; 
  • Mga pinsala na natamo habang tumatanggap ng panggagamot para sa hiwalay na pinsala sa trabaho; 
  • Psychological at mga pinsalang dulot ng stress. 

 

Upang mapatunayan ang kapabayaan, ang napinsalang manggagawa ay dapat ipakitang:  

  • Ang nasasakdal na employer ay may responsibilidad na pangalagaan ang napinsalang empleyado, ibig sabihin, ang nasasakdal na employer ay inaasahang magsasagawa ng mga responsableng hakbang para masigurado ang kaligtasan ng manggagawa; at 
  • Ang nasasakdal na employer ay nilabag ang kaniyang responsibilidad na pangalagaan ang napinsalang manggagawa, o nabigong may gawin na maaari sanang mapigilan ang pagkapinsala ng manggagawa.  

 

Kung mapapatunayan ng indibidwal na siya ay nagtamo ng pinsala bilang resulta ng kapabayaan ng employer, sila ay pwedeng makatanggap ng kabayaran para sa:

  • Pagkawala ng kita noon; 
  • Dating mga Superannuation entitlement; 
  • Mga pagkawala ng kita sa mga susunod na mga araw; 
  • Mga darating pang Superannuation entitlement.  

Ang mga kadahilanan na maaaring makaapekto sa halaga ng kompensasyon na maaaring makuha ng isang tao ay pangunahing nakadepende sa agwat na nasa gitna ng dapat inaasahang takbo ng kaniyang buhay at ang bagong takbo nito pagkatapos matamo ang pinsala 

Limitasyon sa Oras

Sa New South Wales, ang napinsalang manggagawa ay may tatlong (3) taon mula sa petsa ng pinsala para simulan ang mga paglilitis. 

Sa mga sirkumstansya ng seryosong personal na pinsala na nagreresulta sa pangmatagalang permanenteng kapansanan, o ang pagkamatay ng miyembro ng pamilya, maaari pa ring maghabol matapos ang tatlong taon na limitation period kung mapapatunayan na may resonableng dahilan dito.  

Superannuation at Disability Insurance

Kung ang isang tao ay hindi makakapagtrabaho dahil sa sakit o pinsala, maaaring sila ay may karapatan sa mga benepisyo sa pamamagitan ng kanilang superannuation o iba pang polisiya ng insurance. Makipag-ugnayan sa Littles Lawyers upang pag-usapan kung ang sitwasyon mo ay pasok na makagawa ng insurance claim. 

Si Emily Wright at ang aming grupo ay mga specialist personal injury lawyer na makakatulong sa iyong claim sa pamamagitan ng ‘No Win No Fee’ na paraan. Kung gusto mo ng payo na patungkol sa personal injury claim, makipag-ugnayan kay Emily Wright at sa Littles Lawyers ngayon din.

Like? Share it with your friends.

Contact the Author

Topics

More Articles