New South Wales Public Liability Claims – Mga dapat alamin  

Ano ang Public Liability?

Sa New South Wales, ang public liability ay pinamamahalaan sa ilalim ng Civil Liability Act 2002  

Ang Public Liability ay isang kategorya ng kapabayaan na nakatuon sa mga pinsalang natamo sa alinman sa: 

  1. Mga lokasyong pag-aari ng pamahalaan; o 
  2. Mga pampribadong pag-aari na mga lugar na bukas sa publiko, katulad ng mga supermarkets. 

Ang mga pinsalang natamo ay dapat na resulta ng kasalanan (o kapabayaan) ng ibang tao. 

Karaniwang kabilang sa sakop ng Public Liability ang pagpapakita ng relasyon sa pagitan ng taong napinsala at ang taong may sanhi ng insidente, na kung saan ang taong may kagagawan nito ay may tungkulin na alagaan ang napinsala. Upang maging matagumpay sa kaso, dapat na maipakita ng taong nagtamo nito na ang may kasalanan ay lumabag sa kanilang tungkulin sa pangangalaga at ang kanilang mga pinsala ay direktang nagresulta mula sa paglabag sa tungkuling iyon. 

Ang paghain ng Public Liability Claim

Para makapagsimula ng isang public liability claim sa New South Wales, dapat na maipakita ng taong nagsasakdal ang mga sumusunod na salik:  

  • Ang nagsasakdal ay nagtamo ng pinsala sa pampubliko / isang bukas sa pampublikong espasyo sa New South Wales;  
  • Ang isang organisasyon o taong nangangasiwa sa nasabing espasyo ay may tungkulin na pangalagaan ang nagsasakdal; 
  • Maaring tukuyin ng nagsasakdal ang tao o organisasyong may kasalanan;  
  • Ang organisasyon o tao ay may kapabayaan at nilabag ang kanilang tungkulin sa pangangalagang dapat ibigay sa nagsasakdal; 
  • Ang organisasyon o taong may paglabag sa kanilang tungkulin ay nagdulot ng pinsala sa nagsasakdal; at  
  • Ang nasabing claim ay nakapaloob sa statutory deadlines (tingnan sa ibaba ang artikulong patungkol sa time limits sa New South Wales para sa public liability claims).  

Ang taong nagsasakdal ay dapat magbigay ng katibayan upang masuportahan ang isang public liabity claim at kanilang pinsalang natamo. Kabilang na rito ang pagbibigay ng detalye patungkol sa insidente, katulad ng oras, petsa, tirahan, impormasyon ng saksi. Ang mga larawan at bidyo na katibayan ay kadalasang pinapakinabangan sa isang public liability claim, lalo na ang mga kasabay na larawan ng mga pinsalang natamo, katulad ng mga hiwa at pasa.  

Ang mga uri ng kategorya ng ebidensya na nauugnay sa isang public liability claim ay ang mga sumusunod:  

  • Ang katibayan na ang organisasyon o taong namamahala sa espasyo ay nabigo sa kanilang tungkulin na pangalagaan ang publiko sa pinsala (katulad ng pagkumpuni ng safety equipment o mapanatiling malayo sa pahamak ang espasyo);  
  • Mga talaan o ulat patungkol sa insidente (katulad ng mga naitalang insidente at mga sulat para at galing sa akusado); 
  • Dokumentong medikal patungkol sa pinsalang natamo ng nagsasakdal; at  
  • Katibayan ng pagkawala ng pinansyal na pananalapi ng nagsasakdal (katulad ng mga payslips at income tax returns). 

Kung matagumpay sa pagtatatag ng paglabag sa tungkulin ng organisasyon o taong namamahala sa espasyo (liabilidad), maaaring makamit ng nagsasakdal ang kabayaran sa ilalim ng public liability claim para sa: 

  • Sakit at pagdurusa (karaniwang nasuring pinsala); 
  • Mga kasalukuyan at mawawalang kita sa hinaharap; at  
  • Mga gastos sa medikal at patuloy na paggamot. 

Limitasyon sa Oras

Nagkaroon ng kamakailang pagbabago sa panuntunan sa limitasyon sa oras sa New South Wales. Ang nirepormang Limitation Act 1969 ngayon ay nagsasabi na ang taong naghain ng personal injury claim ay kailangang magtatag ng petsa ng pagkatuklas, sa halip na mahigpit na panahon ng 3 taon mula sa petsa ng dahilan ng pagkilos.  

Ang petsa ng pagkatuklas ay nakadepende sa mga sumusunod na salik:  

1. Ang pangyayari ng pinsala  

Mayroong mga insidente na kung saan nagtamo ng pinsala ang isang tao ngunit ito ay walang kamalay-malay. Sa mga ganitong kaso, ang petsa ng pagkatuklas ay magsisimula mula sa oras na natuklasan ng tao ang pinsala.  

2. Ang pinsalang dulot ay dapat na kasalanan ng kabilang (nasasakdal) partido 

Dapat na malinaw na tukuyin ng isang tao na ang pinsalang idinulot ay dahil sa kasalanan ng sinasabing nasasakdal na partido. Sa mga pagkakataon kung saan ang isang tao ay hindi matukoy ang nasasakdal na partido, nasa korte ang pagpapasya sa nasasakdal na partido at tantiyahin ang petsa ng pagkatuklas. 

3. Malubha ang pinsala  

Para masampahan ng kaso ang kabilang partido, ang taong napinsala ay dapat na mapatunayan na ang natamong pinsala ay sapat na malubha.

Oras na ang petsa ng pagkatuklas ay natukoy ng tao o nang mga natuklasan ng korte, ang mga paglilitis ay dapat magsimula sa loob ng 3 taon mula sa petsang iyon. Kung ang paglilitis ay nabigong simulan ang limitasyon sa oras, mawawalan ang tao ng kapasidad na makapag-aplay sa harap ng korte para sa pagpapalawig 

Karagdagan pa sa itaas, mayroong isang ‘long-stop’ na panahon ng limitasyon na 12 taon para sa personal injury claims sa New South Wales, ibig sabihin, ang personal na pinsala ay hindi maaaring dalhin nang higit sa 12 taon pagkatapos ng petsa ng pinsala. 

Dagdag pa dito, walang limitasyon sa panahon para sa mga aksyon para sa pang-aabuso sa bata. 

Kung ikaw ay lumagpas sa itinakdang oras, maari ka pa ring makapaghain at makatanggap ng kabayaran. Gayunpaman, ikaw ay kinakailangang mag aplay sa korte para sa karagdagan at at makapagbigay ng makatwirang dahilan sa pagkaantala 

Si Emily Wright at ang aming koponan ay mga dalubhasang abogado ng personal injury na maaring makatulong sa iyong claim sa isang ‘No Win No Fee’ na batayan. Kung ikaw ay nagnanais makakuha ng payo kaugnay ng claim sa personal injury, mangyaring makipag-ugnayan kay Emily Wright at Littles Lawyers ngayon. 

Like? Share it with your friends.

Contact the Author

Topics

More Articles