Ang impormasyon na nakasaad sa artikulong ito ay para lamang sa mga aksidente sa sasakyang de motor na nangyari noong o pagkatapos ng 1 Abril 2023.
Ayon sa Motor Accident Injuries Act 2017 (“ang Batas”), para sa unang limampu’t dalawang (52) linggo pagkatapos ng aksidente, lahat ng tao (may sala man o wala) ay may karapatan na maghabol ng statutory benefits, ang ibig sabihin nito ay benipisyo bawat isang linggo para mabayaran ang kawalan ng kita, paggamot at gastusing medikal.
Subalit, ang insurer ay kinakailangan na magbigay ng desisyon pagdating sa pananagutan para sa iyong paghahabol ng statutory benefits pagkatapos ng 52 na linggo pagkatapos mangyari ng aksidente, sa pamamagitan ng pagkonsidera ng sirkumstansya ng aksidente at iyong pinsala. Ang insurer ay kinakailangan na magbigay ng desisyon sa loob ng siyam (9) na buwan pagkatapos mai-lodge ang iyong paghahabol o claim.
Ikaw ay may karapatan na patuloy na makatanggap ng mga statutory benefit payments pagkatapos ng unang 52 na linggo kung hindi ikaw ang may sala o mas may sala at hindi ka nagtamo ng
Ano ang ‘Threshold Injury?
Ang Batas (Section 1.6) ay ipinapaliwanag ang threshold injury bilang:
- Isang pinsala sa soft tissue; at/o
- Isang psychological o psychiatric injury na hindi kinikilala bilang isang saykayatrikong sakit.
“Ang soft tissue injury ay isang pinsala sa mga tissue na kumokonekta, sumusuporta o nakapaligid sa mga istruktura o mga organ ng katawan, katulad ng mga kalamnan, litid, ligament, menisci, kartilago, fascia, fibrous tissue, taba, blood muscle at synovial membrane, ngunit hindi ang pinsala sa ugat o ang total o parsyal na pagputok ng mga litid, ligament, menisci, o kartilago.”
Nakasaad din sa Regulasyon [Clause 4] na:
- “Ang pinsala sa spinal nerve root na makikita sa pamamagitan ng mga palatandaang neurological (bukod sa radiculopathy) ay kabilang sa soft tissue injury ayon sa Batas.”
- Bawat isa sa mga nakasaad na pinsala ay kasama sa kinikilala bilang isang minor psychological or psychiatric injury ayon sa Batas:-
- Acute stress disorder; at
- Adjustment disorder.
Kung iyong tatanggapin ang desisyon ng insurer na itanggi ang kanilang pananagutan pagkatapos ng 52 na linggo, ang iyong karapatan na tumanggap ng statutory benefits ay mawawala kapag natapos ang unang 52 na linggo.
Kung ikaw ay di sasang-ayon sa desisyon ng insurer, maari kang humiling sa insurer na magsagawa ng internal na pagsusuri sa loob ng 28 na araw pagkatapos mailabas ang liability notice. Importante na maisumite ang kahilingang ito bago matapos ang 28 na araw, sapagkat maaring magkaroon ito ng nakakapaminsalang epekto sa iyong paghahabol.
Ang CTP scheme ay komplikado at kung ikaw ay nakaranas ng pinsala (pisikal at/o sikolohikal na pinsala) dulot ng aksidente sa sasakyang de motor, aming lubos na inirerekomenda na sumangguni ng legal na payo. Ang pinuno ng aming NSW team, si Jessica Cheung ay isang Accredited Specialist sa Personal Injury Law. Depende sa iyong claim, maari naming suriin ang liability notice para sa iyo, humiling ng pagpapalawig ng oras sa pag-lodge ng internal na pagsusuri, makakuha ng ebidensyang medical na sumusuporta sa iyong natamong pinsala at posisyon, at hamunin ang desisyon ng insurer para sa iyo.
Kung ikaw ay naniniwala na ikaw ay nagtamo ng personal na pinsala at nais mo ng isang propesyonal na tulong, makipag-ugnayan kay Jessica at sa kanyang grupo para sa isang kumpidensyal na pag-uusap na walang karampatang bayad.
*Ang intensyon at layunin ng artikulong ito ay upang magamit bilang gabay lamang.
Like? Share it with your friends.
Contact the Author
Topics
More Articles
How much do lawyers charge for TPD claims?
How much do lawyers charge for TPD claims? Total and permanent disability’ (TPD) insurance is an insurance product that pays…
Vana Nguyen
Quyết định gần đây của Tòa án tối cao trong vụ Kozarov với Bang Victoria [2022] HCA 12 đã tái…
QLD CTP: An Introduction to the National Injury Insurance Scheme
The National Injury Insurance Scheme Queensland commenced in 2016 and its operation is governed by the National Injury Insurance Scheme…