Naaksidente ako habang gamit ang electric scooter, maaari ba akong maghabol ng kabayaran sa Queensland

Ang mga e-scooters o electric scooters, ay sikat na sasakyan dahil sa kanilang bilis, kaginhawaan, at kakayahan na iwasan ang kabagalan ng trapiko, lalo na sa mga malalapit lamang ang distansiya. Ngunit, ang pagdami ng gumagamit nito ay nagdulot din ng pagtaas sa dami ng pinsala sa rider at sa mga taong naglalakad. Sa kabila nito, wala namang mga hakbang na itinatag sa kasalukuyan, upang pangalagaan ang kapakanan ng mga tao o kahit Compulsary Third Party (CTP) scheme para sa mga rider. 

Ngunit, kung ang indibidwal na gumagamit ng electric scooter ay nakaranas ng pinsala sa isang aksidente na kasangkot ang isang sasakyang de motor at ang e-scooter rider ay walang kasalanan, ang mga probisyon at regulasyon sa Compulsary Third Party ay pwedeng gamitin ng napinsalang rider ng e-scooter. Ang ibig sabihin nito, ang tao na gumagamit ng e-scooter ay maaaring mag-file ng CTP claim laban sa CTP insurer ng may salang nagmamaneho.

Ang mga batas sa Queensland:

Sa Queensland, ang pagmamaneho ng e-scooter ng walang paggabay ay nangangailangan ng edad na hindi bababa sa labing anim (16) na taon, samantalang ang pagmamaneho na may kasamang matanda na nangangasiwa ay hindi dapat bababa sa dose (12) anyos. Ang maximum speed limit para sa mga e-scooter ay 25km/h. Sa Queensland, ang mga electric scooter ay maaaring magamit sa mga nakasaad na pampublikong lugar: 

  • Mga shared pathway; 
  • Mga local street na may speed limit na 50km/h o mas mababa pa, ang mga kalsadang ito ay dapat walang mga dividing line o mga median strip; 
  • Sa mga limitadong sitwasyon, sa mga kalsada, katulad na lamang ng pagtawid sa kalsada o pag-iwas sa mga nakaharang sa dadaanan; at  
  • Mga pang bisikleta lamang na mga daan at mga green street.  

Kung may mga lugar na hindi na nangangailangan ng helmet para sa paggamit ng e-scooter sa isang pribadong lugar, sa Queensland naman ay mandato na magsuot ng helmet kapag nagmamaneho ng e-scooter, maliban na lamang kung may rasong medikal, pisikal na limitasyon na pumipigil sa pagsuot ng helmet, o nabibilang sa isang relihiyon na talagang nagsusuot ng headgear ukol sa kanilang tradisyon na magiging impraktikal na kapag magsusuot pa ng helmet.  

Ang mga nakasaad sa itaas ay hindi komprehensibo at hindi isinasama ang lahat ng kalsada at iba pang mga pagbabawal sa mga e-scooter sa Queensland. Ang mga batas na namamahala sa mga e-scooter ay nag-iiba at patuloy na nagbabago habang ang mga syudad ay nilulutas ang mga alalahanin sa kaligtasan, pamamahala sa trapiko at ang pagtaas ng demand sa mga e-scooter. Dahil dito, importante na magtanong at humingi ng legal na payo galing sa isang eksperto sa mga motor vehicle claim upang matulungan ka sa pag-alam kung mayroon ka bang karapatang maghabol ng kabayaran.  

Ako ba ay may karapatang makatanggap ng kabayaran sa mga aksidente na kasangkot ang e-scooter?

Ang paraan kung paano makakuha ng kabayaran para sa rider ng e-scooter, o ang tao na napinsala ng rider ng e-scooter, ay magdedepende sa sitwasyon at dahilan ng aksidente.  

Sa ibang mga sitwasyon, ang manufacturer ng e-scooter, nagpapaupa (e,g., sa mga e-scooter sharing services), ang kaugnay na local council, at may-ari ng lugar kung saan ginagamit ang e-scooter, o ang mga rider ay maaaring maging responsible sa pinsala base sa sirkumstansya na nagdulot ng aksidente. Dagdag dito, ang paghahabol ay maaaring laban sa third-party o public liability insurance policy ng partidong may sala kung meron man sila nito.  

Ang mga sasakyan, mga motorsiklo, at mopeds ay nakapailalim sa compulsory third-party insurance sa Queensland, habang ang mga bisikleta ay may public liability coverage sa maraming home at mga content insurance policy. Ngunit, walang mandatory injury insurance scheme para sa mga e-scooter, at ang mga public liability insurance policy ay hindi madaling ma-access ng mga tao.  

Sa kaso ng mga e-scooter, ang kasalanan sa mga aksidente ay mas napupunta sa pabaya at walang pag-iingat na pag mamaneho ng rider, ngunit ang mga rider ng e-scooter ay malabong may insurance coverage para sa mga pinsala na sila ang naghatid. Sa mga sitwasyon kung saan ang may dulot ng aksidente ay mechanical fault ng sasakyan o hindi napapangalagaan na mga kalsada, ang sala ay maaaring mapunta sa ibang partido maliban sa nagmamaneho, ngunit ang mga kasong ito ay hindi laging nangyayari. Kapag walang insurer, ang may salang rider ang magiging responsable sa nararapat na kabayaran at maaaring hindi kayanin ng kanilang pinansyal na kapasidad na isama ang kabayaran para sa seryosong pinsala.  

Kahit na ang mga e-scooter sharing service ay maaaring maging responsable para sa mga pinsala na resulta ng paggamit ng e-scooter, subalit minsan ang mga user agreement ay naglilimita o ipinapasa ang layabilidad sa gumagamit nito.  

Ngunit, sa mga sirkumstansya kung saan ang e-scooter rider ay napinsala dulot ng banggaan kasangkot ang isang sasakyang de motor na hindi naman kasalanan ng e-scooter driver, malaki ang tsansa na makapaghabol laban sa CTP Insurer ng may salang nagmamaneho.  

Ano ang pwede kong mahabol?

Kung ikaw ay nagtamo ng pinsala pagkatapos mabangga ng e-scooter o napinsala na noon ng e-scooter at may karapatan na maghabol ng kabayaran, maaari kang maghabol para sa mga nakasaad na damages: –  

  • Bayaring medikal at bayarin sa ospital (noon at sa mga susunod pang araw); 
  • Pagkawala ng kita (noon at sa mga susunod pang araw); at 
  • Sakit, pagdurusa at pagkawala ng mga libangan.  

Importante na humingi ng legal na payo galing sa isang specialized personal injury lawyer dahil ang bawat kaso ay magkakaiba depende sa mga hindi pangkaraniwang pangyayari at depende sa iyong sirkumstansya na kayang habulin.  

Kung ikaw ay napinsala habang gamit ang electric scooter o aksidenteng nabangga ng electric scooter, ang aming ekspertong motor vehicle team sa Littles Lawyers ay maaaring makatulong.  

Makipag-ugnayan kay Ellie White para ma-organisa ang isang libre at walang obligasyon na usapan upang malaman kung anong mga kabayaran ang pwede mong makuha.  

Like? Share it with your friends.

Contact the Author

Topics

More Articles