Tại Úc, người lái xe bắt buộc phải có bảo hiểm Compulsory Third Party (CTP). Mục đích của bảo hiểm...
Read MoreAng katotohanan ay ang disgrasya o aksidente sa trabaho ay madalas mangyari. Hindi tiyak kung anong pwedeng mangyari sa iyo sa trabaho, at maraming uri ng iba’t ibang pinsala o injury ang iyong maaaring matamo – kabilang na dito ang mga pisikal na pinsala at pati na rin ang mental na pinsala, kagaya ng depresyon o pagkabalisa dahil sa mga pangyayari sa trabaho.
Mga Para sa mga indibidwal na may pisikal o manwal na trabaho, mas mataas ang posibilidad ng aksidente. Maaaring kang maaksidente habang nagbubuhat ng mga mabibigat na bagay, madulas sa sahig o mahulog sa hagdan, maling paggamit ng mga makinarya, paggamit ng mga depektibong makinarya, at iba pa. Ang mga ganitong aksidente sa trabaho ay maaaring magdulot ng malalang pinsala dahilan kung bakit ang isang indibidwal ay matigil sa pagtatrabaho upang magpagamot at magpagaling nang hindi naaayon sa kanilang kagustuhan. Kung minsan, ang ilan sa mga pinsala ay malala kung saan ang indibidwal ay maaaring permanenteng matigil sa pagtatrabaho. Sa pagkakataong ito, maaaring maapektuhan ang mental na kalugusan ng isang indibidwal dahil sa pinansiyal na stress o depresyon sa kawalan ng kakayahang makapagtrabaho. pisikal na pinsala
Kapag pinag-uusapan ang mga pinsala na maaaring matamo sa trabaho, ang unang nasa isip ng mga tao ay ang mga pisikal na pinsala na nakasaad sa itaas. Ngunit, importanteng malaman na hindi lamang mga pisikal na pinsala ang kinikilala ng batas, kundi maging mga mental na pinsala (psychological injuries). Ang mga pinsala sa pag-iisip o mental na pinsala, kagaya ng pisikal na pinsala, ay maaaring ring magkaroon ng matinding epekto sa buhay ng isang indibidwal. Ang mga pangkadalasang mental na pinsala na maaaring matamo sa trabaho mula sa aksidente o hindi inaasahang pangyayari ay: depresyon, pagkabalisa (anxiety), at post-traumatic stress order. Ang depresyon at pagkabalisa ay kadalasang epekto ng labis na pagtatrabaho ng walang pahinga, pambu-bully, o hindi naaangkop na mga kondisyon sa lugar ng trabaho. Ang post-traumatic stress disorder naman ay maaaring epekto ng nakakabahalang pangyayari na naranasan o nasaksikhan ng isang indibidwal.
Sa araw-araw, libo-libong disgrasya o aksidente ang nangyayari sa iba’t ibang trabaho. Kung ang isang indibidwal ay nagtamo ng pinsala, maging pisikal man o mental, habang nagtatrabaho, ito ay maaaring mag-iwan ng matinding epekto sa kanyang buhay at kakayahang makapagtrabaho sa hinaharap. Sa kabutihang palad, mayroong mga paraan upang maibalik ang isang napinsalang indibidwal sa posisyon kung nasaan sila kung hindi nangyari ang disgrasya o aksidente.
Ayon sa batas ng Queensland, ang isang napinsalang indibidwal ay maaaring makatanggap ng pinansyal na benepisyo sa pamamagitan ng WorkCover at makakuha ng pondo para sa pagpapagamot. Ang isang halimbawa ng rehabilitasyon na maaaring pondohan ng WorkCover ay physiotherapy para sa mga pisikal na pinsala at psychological consultations para sa mga mental na pinsala.
Ang isang disgrasya o aksidente sa trabaho ay kadalasang maiiwasan kung ang employer ay gumawa ng mga nararapat na hakbang upang tiyakin ang kaligtasan ng mga manggagawa. Kung mapapatunayan na ang employer ay nagpabaya o nagkulang sa kanilang responsibilidad na nagdulot ng aksidente, ang napinsalang indibidwal ay maaaring magsampa ng kaso laban sa kanyang employer. Sa pamamagitan nito, ang napinsalang indibidwal ay mabibigyan ng pagkakataon na makuha ang mga kitang nawala dahil sa pinsala at mabawi ang lahat ng kanilang nagastos sa pagpapagamot (katulad ng operasyon, mga pagbisita sa doktor, at mga gamot). Mabibigyan din ng pagkakataon ang napinsalang indibidwal upang mabayaran para sa mawawalang kita sa hinaharap, upang matugunan ang mga gastusin sa kabila ng patuloy na limitasyon sa kanyang kakayahang makapagtrabaho.
Kung ikaw ay na-aksidente sa trabaho at nagtamo ng pinsala, huwag mag-antala at humingi ng payo kaagad.
May mga striktong limitasyon na nakasaad sa batas ukol sa mga pinsalang natamo sa trabaho, kaya importante na kumonsulta kaagad sa isang personal injury na abogado upang ipaliwanag sayo ang iyong mga karapatan at matulungan ka sa proseso.
Makipag-ugnayan sa Littles Lawyers para humingi ng libreng payo.
Tại Úc, người lái xe bắt buộc phải có bảo hiểm Compulsory Third Party (CTP). Mục đích của bảo hiểm...
Read MoreThe NSW Workers Compensation Guidelines for the Evaluation of Permanent Impairment issued by SIRA dictates how the permanent impairment for...
Read MoreBird v DP (a pseudonym) [2023] VSCA 66. In the matter of Bird v DP (a pseudonym) [2023] VSCA 66,...
Read More