Mayroon ka bang insurance sa AustralianSuper? 

Ang background ng AustralianSuper

Ang AustralianSuper ay ang pinakamalaking super fund ng Australia, na mayroong 2.3 milyong mga miyembro. Napakalaki ng AustralianSuper na kung saan 1 sa 10 Australyano ay miyembro nito. 

Itinatag ang AustralianSuper noong 2006 sa pamamagitan ng pagsasama ng Australian Retirement Fund (ARF) at Superannuation Trust of Australia (STA).  

Hindi tulad ng ibang industriya, ang insurance na ito ay walang kaugnayan sa partikular na industriya o sektor ng komunidad na nangangahulugan na ang mga miyembro nito ay nagmula sa iba’t-ibang antas ng pamumuhay.  

Noong Disyembre 2021, pinagsama ang Club Plus Super at AustralianSuper na sinundan naman ng LUCRF noong Hunyo 2022.  

Mga awtomatikong iniaalok ng insurance sa AustralianSuper

Ang AustralianSuper ay isa sa ilang mga superannuation fund sa Australia na nag-aalok ng awtomatikong income protection (IP) insurance sa kanilang mga miyembro. Ang IP ay pansamantalang kapalit ng iyong sweldo bago ang pinsala o karamdaman kung sakaling hindi ka makapagtrabaho pansamantala at nasa pangkaraniwang pangangalaga at patnubay ng iyong doktor. 

Nagbibigay ang AustralianSuper ng benepisyo sa proteksyon proteksyon sa kita na magbabayad ng porsyento ng iyong sahod bago magkaroon ng pinsala o karamdaman hanggang 2 taon, pagkatapos ng 60-araw na paghihintay.  

Para sa total and permanent disability (TPD), and AustralianSuer ay nagbibigay ng isang awtomatikong antas ng TPD cover na nagbabago ng halaga at gastos depende sa iyong edad. Depende sa nasabing edad, maaari kang magkaroon ng karapatan sa sampu o daan-daang libong dolyar sa TPD insurance kung hindi ka makakabalik sa trabaho ayon sa iyong edukasyon, pagsasanay, at karanasan.  

Ang AustralianSuper ay isa sa mga ilang pondo sa Australia na may angkop na probisyon sa pagsasanay muli bilang bahagi ng kahulugan nito para sa TPD, ibig sabihin, kailangan mo rin patunayan na ikaw ay hindi angkop na kandidato para sa makatwirang pagsasanay muli. 

Ang pondo ay nag-aalok din ng awtomatikong insurance sa kamatayan (o buhay). Kasama rin sa insurance ang para sa malubhang karamdaman kung ang iyong kondisyon ay maaaring magresulta sa iyong kamatayan sa loob ng 24 na buwan. 

Makagagawa ba ako ng claim sa AustralianSuper insurance?

Alamin ang iyong karapatan. Ang mga probisyon ng AustralianSuper ay maaaring maging mahirap sa paggawa ng isang TPD claim, kung kaya’t nakabubuting kumuha ng payo o gabay mula sa mga propesyonal o eksperto sa larangan na ito. 

Kung ikaw ay hindi pa nakagagawa ng insurance claim sa AustralianSuper, o hindi sigurado kung mayroon kang insurance sa AustralianSuper, may karapatan kang magkaroon ng legal na representasyon at matutulungan ka ng Littles. 

Kung ikaw ay nagsumite na ng claim at ito ay tinanggihan ng isang superannuation fund o insurer, maaaring may karapatan kang magpasuri ng desisyon sa pamamagitan ng internal resolution procedure. 

Sakaling hindi pa rin ito tanggapin, maari kang maghain ng reklamo sa korte o magreklamo sa Australian Financial Complaints Authority (AFCA). 

Mayroong striktong limitasyon sa oras upang tutulan ang desisyon ng insurer, kaya mahalagang kumonsulta sa mga abodago at humingi ng legal na payo sa lalong madaling panahon. 

Ano ang pagkakaiba ng Littles?

Sa madaling salita, ang Littles ay mga eksperto sa mga usapin ng batas sa superannuation at insurance. 

Ang aming koponan sa insurance ay tumulong na sa libu-libong mga konsyumer na makuha ang kanilang mga karapatan, at ang aming Head ng TPD at General Insurance ay may malawak na kaalaman at pananaw sa industriya kung paano mapalalakas ang iyong mga posibilidad na magtagumpay. 

Nagsasalita rin kami ng iyong wika, sa labing-anim na wika at patuloy na bilang . Kalimutan ang pagbabayad sa isang tagasalin o sa isang abogadong hindi nakakaunawa sa iyo at sa iyong kultural na pinagmulan. 

Ang lahat ng mga usapin ng batas sa superannuation at insurance ay isinasagawa namin sa batayan ng “no win, no fee” at hindi kami nagpapatong ng anumang paunang bayad para sa anumang mga gastusin na kinakailangan upang usigin ang iyong claim. 

Kung nais mo ng payo tungkol sa batas sa superannuation at insurance, makipag-ugnayan sa Littles ngayon gamit ang aming libreng Claim Checker. 

Tungkol sa may akda

Ang Head ng TPD at General Insurance ng Littles, si Rowan McDonald, ay isang eksperto sa batas sa insurance at superannuation. Si Rowan ay isang bihasang litigador at nagsampa na ng libu-libong matagumpay na mga insurance claim para sa mga konsyumer. 

Dahil sa pagtatrabaho sa industriya ng insurance nang mahigit sa labing-limang taon, si Rowan ay may malawak na listahan ng mga kontak sa industriya at regular na nagbibigay ng presentasyon sa mga grupong sumusuporta sa kapansanan, mga propesyonal sa industriya ng pananalapi, at mga organisasyong multikultural. 

Nagbigay payo rin si Rowan sa ilang mga pangunahing kompanya ng insurance sa Australya, na nagbibigay sa kanya ng walang katumbas na kaalaman sa proseso ng claim mula sa iba’t-ibang perspektiba. Ginagamit ni Rowan ang isang praktikal at makatwirang pamamaraan sa mga payong ibinibigay niya sa kanyang mga kliyente. 

Para sa iyong libreng, personal na konsultasyon, makipag-ugnayan kay Rowan ngayon. 

Like? Share it with your friends.

Contact the Author

Topics

More Articles