A duty of care is a legal obligation to take reasonable steps to not cause foreseeable harm to another person...
Read MoreSa buong Australia, libo-libong tao ang nagbabayad ng total and permanent disability (TPD) insurance at iba pang klase ng disability insurance mula sa kanilang pinaghirapang pera sa kanilang mga super funds. Maraming tao ang walang kamalayan na mayroon silang insurance. Ngunit, kung ikaw ay naaksidente sa trabaho o nagkaroon ng sakit na magdudulot ng kawalang-kakayanan sa pagtatrabaho, ang malamang mayroon ka at maaari mong makuha ang kabuuan ng iyong mga nabayad sa insurance ay isang malaking ginhawa. Ngunit, maaring maudlot ang ginhawang ito kapag nalaman mong malaking parte ng iyong payout ay mapupunta sa mga buwis! Huwag mag-alala – ang blog na ito ang magbibigay sa iyo ng mga impormasyong kailangan mong malaman tungkol sa mga buwis sa TPD at iba pang insurance benefits.
Magbasa pa tungkol dito: Thinking of starting a family? Check your super! – Littles
Ang total and permanent disability (TPD) insurance ay isang produkto na nagbabayad ng kabuuang benepisyo kung ikaw ay magkaroon ng sakit o maaksidente (o pareho) at ikaw ay hindi na muling makapagtatrabaho muli. Hindi lamang super funds ang pinagkukunan ng TPD insurance. Maaari ka ring ma-insure para sa TPD sa pamamagitan ng mga sumusunod:
Ikaw ay may karapatang gumawa ng claim sa mahigit sa isang polisiya, depende sa iyong personal na kinalalagyan.
Ang buwis sa TPD benefit ay nakabatay sa kung ang benepisyong binabayaran sa iyo mula sa polisiya ay hawak ng iyong super fund o ito ay iyong nakuha nang direkta.
Magbasa pa tungkol dito: Help! How do I protect my super if I’ve been made redundant? – Littles
Mayroon akong TPD insurance sa aking super
Ang mga TPD benefit na nasa super ay karaniwang binibayaran sa iyong superannuation account. Kapag ito ay nailipat na sa iyong superannuation account, karaniwang nagiging parte na ito ng iyong balanse sa iyong superannuation account. Ang anumang withdrawal ay ituturing at mabubuwisan bilang isang superannuation withdrawal. Ang edad mo ba ay lagpas sa preservation age at hindi ka na nagtatrabaho? Hindi mo na kinakailangang magbayad ng buwis sa iyong TPD benefit na binabayad sa iyo mula sa iyong super account.
Ngunit, kung hindi mo pa naaabot ang preservation age, kinakailangan mong mag-apply upang makuha ang iyong pera sa iyong super sa batayan ng permanenteng pinsala sa katawan (o pagkakaroon ng nakamamatay na sakit). Kung ganito ang iyong situwasyon, mabubuwisan ang iyong withdrawal ngunit kadalasan ay magkakaroon ka ng diskuwento dahil sa iyong kapansanan at walang kakayanan na magtrabaho, sa kondisyon na makapagbibigay ka ng dokyumentasyon sa iyong super fund na makapagkukumbinsi sa ATO na ikaw ay may permanenteng pagkapinsala.
Magbasa pa tungkol dito: If you’re starting a new job in 2021, you need to know about changes to super! – Littles
Mayroon akong TPD insurance sa labas ng aking super
Hindi itinuturing na kita ang TPD benefits at kadalasan ito ay hindi binubuwisan. Ngunit, mahalaga pa ring kumpirmahin ito sa iyong insurance fund o accountant upang makasiguro!
Pinoprotektahan ng income protection o salary continuance benefits ang iyong kinikita sa bawat buwan sakaling ikaw ay magkasakit o maaksidente at hindi ka makapagtrabaho o hindi ka makapagtrabaho sa parehong kapasidad. Kadalasan ay binabayaran ito bawat buwan, sa kondisyon na patuloy kang hindi makapagtrabaho dahil sa iyong sakit at mayroong medikal na ebidensyang makapagkukumpirma nito.
Magbasa pa tungkol dito: I need to make an income protection insurance claim. Where do I start? – Littles
Ang mahalagang maintindihan tungkol sa pagbubuwis sa income protection benefit ay ang pagtrato bilang kita ng iyong income protection benefit dahil nilalayon nitong palitan ang iyong kinikita. Dahil dito, binabawas na ng insurance company o superannuation fund na nagbabayad ng benepisyong ito ang buwis (at binabayad ito sa ATO sa iyong ngalan).
Muli, mahalagang siguraduhing ang buwis ay nababawas na sa iyong benepisyo at ikaw ay mabibigyan ng PAYG statement sa dulo ng taong pampinansyal. Kung hindi, maari kang mapagbayad ng malaking buwis nang wala sa oras!
Kadalasang pinahihintulutan ng death insurance benefits na mabayaran ang terminal illness benefits sa iyo kung ikaw ay magkaroon ng malubhang sakit, base sa depinisyon ng iyong insurance policy. Kung ang iyong terminal illness benefit ay nakapaloob sa iyong super, ito ay babayaran sa iyong super account (katulad ng sa TPD benefit) at magiging parte ito ng iyong supperannuation account balance. Ngunit, hindi katulad ng TPD claim, ang agarang pagkuha ng superannuation sa batayan ng malubhang sakit ay kadalasang hindi nabubuwisan. Katulad ng mga naunang nabanggit, kung ang iyong death insurance policy ay nasa labas ng super, mababayaran ito sa iyo nang direkta at kadalasan ay walang buwis na babayaran.
Mayroon ka bang kapinsalaan o sakit na nagiging hadlang upang makapagtrabaho ka, o nais mo lamang malaman kung anong insurance ang mayroon ka sa iyong super? Makipag-ugnayan sa Littles para sa isang libreng super claims check. Maari ka naming tulungang maintindahan kung ano ang iyong mga karapatan. Alamin ang kinatatayuan at magkaroon ng panatag na loob.
Hindi lamang kami nagbibigay ng LIBRENG claims check – namamahala rin kami ng insurance claims sa batayang no win, no fee. Ang aming tagapamuno ng TPD at General Insurance na si Rowan McDonald ay isang eksperto sa mga batas batay sa insurance. Kung sa iyong palagay ay mayroon kang claim, makipag-ugnayan kay Rowan at sa kanyang grupo para sa isang mataas na kalidad na payong legal.
Pinapaalalahan na ang impormasyong ito ay naglalayong makapagbigay ng pangkalahatang gabay lamang. Hindi dapat kumilos o pigilang kumilos na batay lamang sa mga impormasyong nakapaloob dito. Nararapat na humingi ng payong propesyonal batay sa iyong personal na kalagayan. Para sa karadagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa Littles.
A duty of care is a legal obligation to take reasonable steps to not cause foreseeable harm to another person...
Read Moreการบาดเจ็บบริเวณต้นคอแบบ Whiplash Injury คืออาการบาดเจ็บของกล้ามเนื้อต้นคอที่เกิดจากแรงบิดหรือแรงสะบัดในทิศทางไปด้านหลังและด้านหน้าอย่างรวดเร็ว ทำให้เอ็นบริเวณยืดออกและขาดได้ การเคลื่อนไหวแบบนี้ยังทำให้เกิดอาการบาดเจ็บของกล้ามเนื้อ เส้นประสาท ข้อกระดูกสันหลังหรือหมอนรองกระดูกสันหลังได้ ซึ่งถือเป็นอาการบาดเจ็บที่เกิดขึ้นได้บ่อยจากการเกิดอุบัติเหตุทางรถยนต์ โดยเฉพาะจากการที่รถคันอื่นขับมาชนรถเราจากทางด้านหลัง โดยอาการบาดเจ็บดังกล่าวนี้อาจมีผลกระทบอย่างมากต่อชีวิตของคุณ หากคุณได้รับบาดเจ็บบริเวณต้นคอแบบ Whiplash Injury จากความประมาทเลินเล่อของผู้อื่น คุณอาจมีสิทธิ์ได้รับค่าชดเชยสำหรับค่ารักษาพยาบาล การสูญเสียรายได้ และความเสียหายอื่นๆ ดังนั้นในบทความนี้เราจะพาคุณมาทำความเข้าใจเกี่ยวกับกฎหมายเกี่ยวกับการเรียกร้องค่าชดเชยจากการบาดเจ็บบริเวณต้นคอแบบ Whiplash...
Read More本文提供的信息适用于2017年12月1日至2023年3月31日期间发生的机动车事故。 根据《Motor Accident Injuries Act 2017》,事故发生后的头26周,所有人(无论是否有过错)都有权利提出法定福利索赔,包括工资损失和治疗费用等方面的周福利。 然而,在事故发生后的头26周之后,保险公司需要根据事故情况和您的伤情对您的法定福利索赔做出责任决定。保险公司必须在您提出索赔后的三个月内作出这个决定。 只有当您没有完全或主要过错,并且没有遭受“轻微” (“Minor Injury”) 伤时,您才有权在头26周之后继续享受法定福利支付。 什么是“轻微伤” (“Minor Injury”)? 《Motor Accident Injuries Act 2017》【1.6节】将轻微伤定义为: 软组织损伤...
Read More