Kompensasyon sa mga Manggagawa sa NSW: Ano ang maitutulong sa iyo ng Littles Lawyers

Ang iyong claim ay naaprubahan, natatanggap mo ang iyong lingguhang benepisyo at ang iyong pagpapagamot ay inaasikaso ng insyurer at sila ay nagtalaga ng rehabilitation provider upang tulungan ka sa mga layunin sa pagbabalik-trabaho, pero bakit mo nga ba kinakailangan ng abogado?

Marami pang ibang bagay na maitutulong at maipapayo sa iyo ang isang abogado. Halimbawa:

  • Tama ba ang halaga ng iyong lingguhang benepisyo na binabayaran ng insyurer?
  • Tama ba ang pagkakalkula ng iyong PIAWE (pre-injury average weekly earnings) ng insyurer?
  • Nakakasundo mo ba ang iyong rehab provider? Alam mo ba na maari kang pumili ng sarili mong rehab provider?
  • Naipaliwanag ba sa iyo ng insyurer na maaaring may karapatan kang makakuha ng kabuuang bayad na makadadagdag sa iyong lingguhang benepisyo at gastusin sa pagpapagamot?
  • Mayroon pa bang ibang uri ng gastusin sa pagpapagamot ang maaari mong makuha?
  • Maaari ka bang maghain ng common law (work injury damages) claim? Ano ang mga pamantayan nito?

Ang pinakakaraniwang dahilan kung bakit kinakailangan ng isang napinsalang manggagawa na magkaroon ng abogado ay upang suriin ang kanyang karapatan para sa kompensasyon ng kabuuang kabayaran ng permanenting kapansanan. Batay sa ming karanasan, maraming mga napinsalang manggagawa ang hindi alam na maari silang makakuha ng kompensasyon, bukod pa sa lingguhang benepisyo at mga gastusin sa pagpapagamot. Kung ikaw ay nagtamo ng pinsala sa iyong trabaho at nag-iwan ng permanenting kapansanan (maaaring pisikal, sikolohikal, o pareho), ay maaari kang magkaroon ng karapatan sa kabuuang ng bayad hangga’t natutugunan mo ang antas na kinakailangan ng pinsala.

Ang isa pang karaniwan na dahilan kung bakit kailangang magkaroon ng abogado ang mga napinsalang manggagawa ay upang hamunin ang desisyon ng insyurer na itanggi ang pananagutan. Maaaring itanggi ng insyurer ang pananagutan para sa iyong buong claim o isang aspeto nito. May mga kliyente kami na kung saan ang pananagutan para sa claim ay tinanggap, ngunit itinanggi naman ng insyurer ang inirerekomendang operasyon. Sa mga ganitong sitwasyon, lubos naming inirerekomenda na makipag-ugnayan ka sa Littles Lawyers upang ikaw ay mabigyan ng payo tungkol sa iyong mga karapatan.

Ang dispute notice ng insyurer ay dapat na may internal review na maaari mong isagawa kung nais mong humiling ng internal review sa desisyong hindi pagtanggap. Gayunpaman, ang hindi sinasabi sa iyo ng insyurer ay maaring hindi nila bawiin ang kanilang unang desisyong hindi pagtanggap nang walang karagdagang suportang medikal na ebidensya. Samakatuwid, nasa iyong pinakamabuting interes na makipag-ugnayan sa Littles Lawyers upang masuri naming ang dispute notice, ang iyong medikal na talaan, at pagkatapos ay magpayo sa iyo/o kumuha ng mga karagdagang medikal na ebidensya sa ngalan mo upang suportahan ang iyong claim. Hindi sapat ang “Hindi ako sumasang-ayon sa desisyong pagtanggi ng insyurer” upang bawiin ng insyurer ang kanilang orihinal na desisyon, at sa maraming pagkakataon, pananatilihin nila ang kanilang desisyon at kailangan mong isangguni ang dispute sa Personal Injury Commission para sa pagpapasiya. Upang ihanda ang iyong aplikasyon sa komisyon, maraming bagay ang kailangan gawin at ebidensiyang kailangan makuha.

Ang panukala para sa kompensasyon ng mga manggagawa sa NSW ay isang komplikadong sistema at samakatuwid ay lubos naming inirerekomenda na ikaw ay humingi ng legal na payo. Ang pinuno ng aming koponan sa NSW, si Jessica Cheung ay isang Accredited Specialist sa Personal Injury Law na nagsasanay sa pinasala sa trabaho. Kung ikaw ay naniniwalang nagtamo ng pinsala na nauugnay sa trabaho at nagnanais ng propesyunal na legal na payo, makipag-ugnayan kay Jessica at sa kanyang koponan para sa isang kumpidensyal na talakayan nang walang bayad.

Like? Share it with your friends.

Contact the Author

Topics

More Articles