Kompensasyon sa mga Manggagawa sa NSW: Ano ang itinuturing na isang nararapat at kinakailangan na gastusin sa pagpapagamot

Ang seksyon 60 ng Workers Compensation Act 1987 (NSW) ay nagsasaad na:  

  1. Kung dahil sa pinsala na natamo ng isang manggagawa, ito ay nararapat at kinakailangang ng:  
  • Anumang medikal o kaugnay na pagpapagamot (maliban sa tulong serbisyo sa bahay), ay maibigay, o
  • Anumang pagpapagamot sa ospital, o
  • Anumang serbisyo ng ambulansya, o 
  • Anumang serbisyo ng rehabilitasyon sa trabaho, 

 

Ang employer ng manggagawa ay may pananagutan na magbayad, bilang karagdagan sa anumang iba pang kabayaran sa ilalim ng batas na ito, ang gastos sa pagpapagamot o serbisyo at ang kaugnay na gastos sa paglalakbay na tinutukoy sa subseksyon (2). 

 

Samakatuwid, ang mahalagang tanong ay kung ang inirerekomendang pagpapagamot ay “nararapat at kinakailangan”. 

 

Kaya naman, ano nga ba ang “nararapat at kinakailangan”? Sa pandinig ng karaniwang tao, tila ito ay isang malawak na konsepto. Gayunpaman, sinagot ang tanong na ito sa kaso ng Diab v NRMA Ltd [2014] NSWWCCPD ’72, kung saan ang Workers Compensation Commission ay nagpahayag ng sumusunod na mga bagay na dapat isaalang-alang upang malaman kung ang inirerekomendang pagpapagamot ay “nararapat at kinakailangan”.  

  • Ang kaangkupan ng partikular na pagpapagamot;
  • Ang kahalagahan ng alternatibong pagpapagamot at ang potensyal nitong bisa;
  • Ang halaga ng pagpapagamot;
  • Ang tunay o potensyal na bisa ng pagpapagamot, at 
  • Ang pagtanggap ng mga eksperto sa medisina na ang pagpapagamot ay angkop at maaasahan na magiging epektibo.  

 

Samakatuwid, hindi sapat ang pagpapakita ng iyong doktor ng reperensya para sa inirerekomendang pagpapagamot (lalo na sa mga operasyon) nang walang pagsasaalang-alang sa mga nabanggit na mga kadahilanan, upang payagan ng insurer ang pagpapagamot. Pag-aaralan ng insyurer ang mga medikal na ebidensiya na nasa kanilang talaan at maaaring humingi ng karagdagang impormasyon mula sa iyong mga doktor bago magdesisyon. 

 

Kung hindi sang-ayon ang insyurer sa kanilang pananagutan sa inirerekomendang pagpapagamot, kinakailangan nilang magbigay ng pasulat na desisyon, na kadalasang tinatawag na “Section 78 Notice”. Maaaring hindi sang-ayon ang insyurer sa pananagutan sa pinsala at sa kaugnay na pagpapagamot, o kaya naman ay tatanggapin ang kanilang pananagutan sa pinsala ngunit hindi sang-ayon sa pananagutan sa inirerekomendang pagpapagamot dahil hindi ito “nararapat at kinakailangan”. Sa kabila ng anumang ipinapalagay ng insyurer, kailangang magbigay sila ng kanilang dahilan at isama ang anumang ebidensiya na kanilang ginamit upang magdesisyon.  

 

Kung ikaw ay nakatanggap ng Section 78 Notice, o kung sinabi sa iyo ng insyurer na hindi nila babayaran ang iyong iminungkahing pagpapagamot, dapat kang makipag-ugnayan agad sa Littles Lawyers para sa legal na payo. 

 

Dagdag pa nito, sa mga kadalasang kaso, mayroong 21 araw lamang ang insyurer mula sa petsa ng pagtanggap nila ng kahilingan sa pagpapagamot upang magdesisyon. Kung lumampas ang insurer sa 21 araw na ito, dapat kang makipag-ugnayan sa Littles Lawyers upang kami ay makapag-representa at makatulong sa iyo upang makuha ang pag-apruba sa iyong pagpapagamot. 

 

Ang aming pinuno sa NSW Claims na si Jessica Cheung ay isang aprobadong abogado sa Independent Legal Assistance and Review Service (ILARS) scheme, kung kaya’t maaari kaming mag-apply para sa pag-gawad ng pondo sa ILARS para sa iyo. Kung aprubahan ng IRO ang iyong aplikasyon para sa pag-gawad ng ILARS, babayaran ng IRO ang iyong mga bayarin sa abogado at anumang mga gastusin. Kaya’t magagamit mo at maipagpapatuloy mo ang aming mga serbisyong legal upang bigyan ka ng kumprehensibong legal na payo at/o matulungan ka sa pagtutol at pagpapabawi sa Section 78 Notice ng insyurer nang walang bayad. 

Like? Share it with your friends.

Contact the Author

Topics

More Articles

精神疾病(Mental Illness)及TPD伤残保险

近年来,社会对于精神疾病的认知、给予的支持以及开拓的治疗逐渐进步。随着大家对精神健康(mental health) 的讨论渐渐开放和了解,社会对 “精神疾病” 或 “心理障碍” 患者的污名化以及刻板影响也日渐被打破。尽管如此,对于患者来说,要维持生计、养家糊口依然是一个很大的挑战。当一个人因为精神疾病而无法工作,她/他可以申请完全和永久伤残保险 (Total and Permanent Disability Insurance, 以下简称TPD保险) 赔偿吗?  很多人或许会认为,身体上的伤残比精神疾病更符合申请TPD保险或收入保障险 (Income Protection Insurance,或称Salary Continuance Benefits)的资格。或许正在阅读这篇文章的您也认为以精神疾病或障碍作为理由去申请索赔的成功率很低,所以没必要尝试。我们希望这一篇文章能改变您的看法,也能为一些受精神疾病困扰的人提供一些有用的信息。 ...

Read More