What is Public Liability? In Northern Territory, public liability claims are governed under the Personal Injuries (Liabilities and Damages) Act...
Read MoreAng pagmimina ay isa sa mga pinakadelikadong propesyon sa buong mundo at ang bansang Australia ay hindi liban dito. Ang industriyang ito ay nagdudulot ng maraming panganib, katulad na lamang ng pagkagiba ng mga kuweba, pagsabog, at pagkasira ng nga kagamitan sa pagmimina na maaring magdulot ng malalang pinsala at pagkamatay. Maraming pinsala ang maaring mangyari tulad na lamang ng pagkabali ng mga buto, mga malalalim na sugat, mga isyu sa paghinga, pagkawala ng pandinig, pinsala sa likod, at iba pa.
Dahil sa mga panganib na dala nito, mahalaga na maintindihan ng mga minero at mga employer ang kanilang mga karapatan, lalo na sa kaligtasan sa lugar ng trabaho. Lahat ng mga empleyado ng pagmimina ng Australia, kahit na ano pang ang estado sa kanilang trabaho o paninirahan, ay may karapatan sa mga karapatan sa lugar ng trabaho. Kabilang sa mga karapatang ito ay ang proteksyon at respeto sa kanilang kalusugan, kaligtasan, at kondisyon sa pagtatrabaho.
Ang mga employer sa pagmimina, pati na ang mga kumpanya na kabilang sa pagmimina ang serbisyo, ay may tungkulin sa pangangalaga sa kanilang mga empleyado at kailangang siguraduhin na ang kanilang mga empleyado ay may proteksyon sa mga inaasahang pinsalang maaaring mangyari. Kabilang sa mga tungkuling ito ay dapat na makatanggap ang minero ng instruksiyon kung papaano nila gagawin ng ligtas ang kanilang mga gawain, kailangang kumpleto sila sa mga tamang kasuotan para sa kanilang trabaho, at makilahok sa konsultasyon tungkol sa kaligtasan sa lugar ng trabaho.
Sa kabila ng pagpapatupad ng mga regulasyon sa kaligtasan, ang panganib ng pinsala at pagkamatay ng mga minero ay nananatiling mataas. Mahalaga na alam ng mga minero ang kanilang mga karapatan sa kaligtasan at ang kanilang mga pagpipilian para sa pagdulog kung sakaling magkaroon ng pinsala. Ang mga pinsalang natamo sa pagmimina ay maaaring magkaroon ng makabuluhang epekto sa buhay ng isang manggagawa. Ang pisikal at emosyonal na epekto ng pinsala ay maaring napakalaki, na maraming manggagawang minero ang sapilitang pinapahinto sa trabaho o kaya nama’y mag-retiro dahil sa mga pinsalang ito. Dagdag pa rito, ang pananalaping epekto ng pinsala ay maaaring maging malubha, kasama na ang mga saguting medikal at pagkawala ng sahod ay mabilis na tumataas.
Kompensasyon ng mga Manggagawa
Sa kabutihang palad, ang mga minero ay may ilang mga pagpipilian pagdating sa paghahanap ng kabayaran sa kanilang pinsalang natamo. Ang batas sa kompensasyon ng manggagawa ay nagbibigay ng kabayaran sa mga napinsalang manggagawa para sa mga pinsalang natamo sa kurso ng kanilang pagtatrabaho. Maaaring masakop ng kabayaran ang mga gastusing medikal, nawalang sahod, at iba pang gastusin na may kaugnayan sa pinsala. Ang mga manggagawa ay may karapatang magsampa ng kabayaran para sa isang pinsala o sakit na nagmumula sa kanilang mga aktibidad sa trabaho.
Common Law Claim
Bilang karagdagan, ang mga minero ay may karapatan na magsampa ng common law claim kung ang kanilang mga pinsala ay sanhi ng kapabayaan ng kanilang employer. Maaaring isama sa mga sitwasyong ito ay kung ang isang employer sa trabaho ay nabigo na magbigay ng sapat na kagamitan sa kaligtasan o pagsasanay, o kapag nabigo silang mapanatili ang kanilang kagamitan sa isang ligtas na kondisyon. Maaaring kasama sa mga pinsala ang nakaraan at hinaharap na mga gastos sa medikal, nawalang kita, sakit at pagdurusa, at pagkawala ng kasiyahan sa buhay.
Sa konklusyon, ang kaligtasan ng minero at pag-iwas sa pinsala ay mga kritikal na isyu sa industriya ng pagmimina sa Australia. Habang ang mga aksidente ay maaaring mangyari kahit na ang lahat ng pag-iingat sa kaligtasan ay nagawa na, dapat gawin ng mga employer ang lahat upang makapagbigay ng isang ligtas na lugar ng trabaho para sa kanilang mga empleyado. Ang mga minero ay dapat mayroong responsibilidad para sa kanilang sariling kaligtasan at magkaroon ng kamalayan sa kanilang mga karapatan kung sakaling magkaroon ng pinsala. Maaaring isama ang pag-uulat ng pinsala sa kanilang mga empleyado sa lalong madaling panahon at maghanap ng medikal na atensyon. Mahalaga na malaman na mayroong time limit na tatlong taon sa pagsasagawa ng claim pagkatapos ng pinsala. Samakatuwid, mahalaga na kumunsulta sa isang abogado ng personal injury sa lalong madaling panahon pagkatapos matamo ang pinsala. Mahalaga rin na humingi ng ligal na payo upang matukoy kung naaangkop ang isang common law claim para sa mga pinsala.
What is Public Liability? In Northern Territory, public liability claims are governed under the Personal Injuries (Liabilities and Damages) Act...
Read MoreKhoản bồi thường một lần mà tôi được hưởng là bao nhiêu? Đây thường là câu hỏi đầu tiên mà...
Read Moreทุกคนมีสิทธิ์ที่จะไปทำงานในแต่ละวัน โดยรู้ว่าพวกเขาจะไปทำงานและกลับถึงบ้านได้อย่างปลอดภัย ซึ่งหากคุณได้รับบาดเจ็บหรือเจ็บป่วยจากการทำงาน คุณอาจมีสิทธิ์ที่จะเรียกร้องค่าชดเชยสำหรับคนงานเนื่องจากการใช้จ่ายในค่ารักษาพยาบาล และการฟื้นฟูสมรรถภาพ ค่าใช้จ่ายในการฝึกอบรมใหม่ หรือเงินก้อนสำหรับเมื่อเกิดการบาดเจ็บอย่างถาวร มีการเปลี่ยนแปลงมากมายในการเตรียมการสำหรับการขอค่าชดเชยของคนงานในช่วงไม่กี่ปีที่ผ่านมา คุณอาจสับสนเล็กน้อยเกี่ยวกับจุดเริ่มต้นซึ่งเป็นเรื่องที่เกิดขึ้นบ่อยครั้ง ท้ายที่สุดแล้วกฎหมายว่าด้วยค่าตอบแทน และสิทธิ์ของคนงานนั้นยากต่อการปฏิบัติตาม เนื่องจากกฎหมายเหล่านี้แตกต่างกันไปในแต่ละรัฐและดินแดน และอาจเป็นที่รู้จักในชื่อ WorkCover, CTP หรือ WorkSafe ค่าตอบแทนและสวัสดิการอาจแตกต่างกันอย่างมากขึ้นอยู่กับการบาดเจ็บและกฎหมายที่คุ้มครองคุณในแต่ละรัฐที่คุณอาศัยอยู่ หากคุณได้รับบาดเจ็บจากการทำงาน คุณอาจอยากรู้ว่าต้องทำอย่างไรต่อไปบ้าง...
Read More