Gabay sa NSW Motor Vehicle Claims

Nasaktan ka ba sa isang aksidente sa sasakyan at hindi sigurado kung ano ang iyong mga karapatan at benepisyo na maari mong makuha? Nasa tamang lugar ka.

Ang isang pinsala ay maaaring magdulot ng malaking epekto sa buhay ng isang tao at sa panahong ito, prayoridad dapat ang pagpapagaling. Ang huling bagay na dapat ikabahala ng isang nasaktan ay ang pakikipaglaban sa mga komplikadong proseso ng batas na maaaring humadlang sa pagpapagaling ng isang tao at lalong magpahirap sa nakakabahalang panahon.

Ang mga batas na may kaugnayan sa kompensasyon para sa personal na pinsala ay madalas na nagbabago, kaya mahalaga na kumuha ng payo mula sa isang dalubhasang abogado sa personal na pinsala na nasa kabila ng mga pag-unlad na ito. Kami ay magbibigay ng gabay sa buong proseso at pangangalagaan ang iyong interes upang ikaw ay makapag-focus sa iyong pagpapagaling.

Ano ang dapat gawin kapag nasaktan ka sa isang aksidente sa sasakyan?

  1. Pumunta ka sa iyong doktor at kumuha ng “Certificate of Capacity.”
  2. I-ulat ang aksidente sa pulis sa loob ng 28 araw mula sa araw ng aksidente.
  3. Magsumite ng iyong Aplikasyon para sa Personal Injury Benefits Claim Form sa CTP Insurer ng may sala sa lalong madaling panahon sa loob ng 28 araw, upang masiguro na matatanggap mo ang lahat ng benepisyo. Maaari ka naming tulungan sa pagsumite ng iyong claim form.
  4. Humingi ng legal na payo mula sa Littles Lawyers dahil mayroong mga striktong oras na nakatalaga sa panahon ng iyong claim, kaya mahalaga na mayroon ka ng tamang legal na payo mula sa simula upang masigurado na hindi ka madehado.

Ano ang maari mong i-claim?

  • Gastos sa medikal at pagpapagamot
  • Kawalan ng sahod
  • Gastos sa personal na pangangalaga at pangangalaga habang nasa bahay
  • Sakit, paghihirap at kawalan ng kasiyahan sa buhay

Ang mga gastos sa medikal, pangangalaga, at ilang kawalan ng sahod ay binabayaran nang tuloy-tuloy, ito ay kilala bilang “mga benepisyo ayon sa batas”.  Ang mga pinsalang dulot ng sakit, paghihirap at ilang kawalan ng kita, na kilala bilang pinsala, ay binabayaran bilang isang kabuuan.

Magkano ang makukuha kong kompensasyon?

Ang halaga ng kompensasyong maari mong matanggap pati na rin ang mga pinsalang maaari mong i-claim ay magdedepende sa lawak ng iyong mga pinsala at kung ito ay tinuturing na “minor” o “non-minor” na pinsala sa ilalim ng batas.

Maaari kaming magbigay sa iyo ng payo tungkol sa lawak ng iyong mga pinsala at karapatan. Kung naniniwala kami na mali ang klasipikasyon ng iyong pinsala bilang “minor” ng kumpanya ng seguro, gagawin naming ang lahat ng kinakailangang gawin upang hamunin ang desisyon at maibaligtad ito.

Mayroong mahigpit na mga limitasyon sa oras kapag hinahamon ang desisyon ng kumpanya ng seguro kaya siguraduhin na kaagad kang humingi ng legal na payo. Mahalaga ang pagkuha ng tamang payo dahil ang mga batas na may kinalaman sa kompensasyon ay may kumplikadong mga detalye.

Bakit Littles Lawyers?

  • Walang dalawang kliyente na magkapareho. Ang aming mga abogado ay tutulong upang masigurong makatatanggap ka ng tamang serbisyong legal na naaangkop sa iyong pangangailangan at kalagayan.
  • Nagsasalita rin kami ng mahigit sa labing-anim na wika. Sa tulong ng aming mga eksperto na may magkakaibang pinanggalingan at kultura, nauunawaan naming ang iyong personal na sitwasyon at nangangako kaming ipagtatanggol ang karapatan ng mga indibidwal na maaaring dumanas ng kawalan ng pagkakapantay-pantay sa lipunan at sa paghahabol ng kanilang mga claims.
  • Ginagawa naming madali ang legal na proseso para sa iyo, walang kumplikadong legal na terminolohiya.
  • Ang lahat ng aming mga claim ay ginagawa sa ilalim ng “No Win, No Fee” na batayan. Sinasaklaw din namin ang anumang mga gastusin na nangyari sa panahon ng iyong claim, upang hindi mo na kailangang magbayad ng anumang bayarin sa simula.

Makipag-ugnayan sa amin ngayon gamit ang aming libreng Claim Checker para sa payo tungkol sa iyong mga pinsala at karapatan.

Like? Share it with your friends.

Contact the Author

Topics

More Articles