Baldock-Davies v Popham & AAI Limited [2023] QSC 24 Background The Plaintiff, Ms Meah Baldock-Davies, was a twenty (20) year...
Read MoreAng life insurance ay nagbibigay ng pinansiyal na proteksyon para sa mga mahal sa buhay ng isang indibidwal sa kaganapan ng kanilang hindi inaasahang kamatayan. Bagama’t maaaring hindi ito isang bagay na gustong isipin ng mga tao, ang katotohanan ay walang sinuman sa atin ang nakakaalam kung kailan darating ang ating panahon at ang pagkakaroon ng life insurance policy ay makapagbibigay ng kapayapaan ng isip at pinansiyal na seguridad para sa ating mga mahal sa buhay.
Narito ang limang dahilan kung bakit dapat isaalang-alang ang pagbili ng life insurance
:
1. Para tustusan ang mga pinansiyal na pangangailangan ng iyong pamilya.
Isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit bumibili ang mga tao ng life insurance ay upang matiyak na ang kanilang mga mahal sa buhay ay hindi mahihirapan sa gastusin kung sakaling sila ay pumanaw. Ang life insurance ay maaaring magbigay ng mapagkukunan ng pondo upang bayaran ang mga hindi pa nababayarang utang at mga pang-araw-araw na gastusin, tulad ng mga pagbabayad sa mortgage, upa, at iba pang mga bayarin.
2. Para mabayaran ang mga gastusin sa libing.
Maaaring malaki ang kailangan gastusin sa pagpapalibing at maraming tao ang walang pondong nakalaan upang matustusan ito. Ang isang life insurance policy ay maaaring magbigay ng lump sum na kabayaran upang mabayaran ang mga gastusin sa pagpapalibing at tiyakin na ang iyong mga mahal sa buhay ay hindi kailangangang mamroblema pa.
3. Para mabayaran ang mga utang.
Kung mayroon kang mga hindi pa nababayarang utang o mortgage sa oras ng iyong pagpanaw, ang iyong mga mahal sa buhay ang may pananagutan sa pagbabayad sa mga ito. Ang isang life insurance policy ay maaaring magbigay ng pondo na kinakailangan upang mabayaran ang mga utang na ito at magbigay ng pinansiyal na seguridad para sa iyong mga mahal sa buhay.
4. Para mag-iwan ng financial legacy.
Bilang karagdagan sa pagbibigay ng pinansyal na proteksyon para sa iyong mga mahal sa buhay, maaari ring gamitin ang life insurance policy upang mag-iwan ng financial legacy. Maaari mong gamitin ang mga nalikom mula sa iyong life insurance policy upang mag-donate sa mga mga institusyong pangkawanggawa o mamuhunan sa negosyo.
5. Para magbigay ng kapayaan ng isip.
Ang pagkakaroon ng isang life insurance policy ay maaaring makapagbigay ng kapayaan sa isip (peace of mind) dahil may seguridad pang-pinasyal ang iyong mga mahal sa buhay kung sakaling ikaw ay pumanaw. Ikaw ay makakatulog ng mahimbing dahil tiwala ka na ginawa mo ang mga nararapat na hakbang upang maprotektahan ang kinabukasan ng iyong pamilya.
Ang pagkakaroon ng life insurance sa loob ng iyong superannuation ay maaaring maging isang cost-effective na paraan upang maprotektahan ang iyong mga mahal sa buhay sakaling ikaw ay pumanaw. Kapag mayroon kang life insurance policy mula sa iyong superannuation, ang mga premium ay binabayaran gamit ang pondo sa iyong superannuation, na maaaring maging tax-effective na paraan upang pondohan ang iyong life insurance coverage.
Bukod pa rito, ang pagkakaroon ng life insurance sa loob ng iyong superannuation ay maaaring maging isang mas abot-kayang opsyon kumpara sa pagbili ng isang standalone na life insurance policy dahil maaaring mas mababa ang mga premium dahil sa bulk-buying power ng mga superannuation funds. Mahalagang maingat na suriin ang mga tuntunin at kundisyon ng anumang patakaran ng isang life insurance policy sa loob ng iyong superannuation upang matiyak na natutugunan nito ang iyong mga pangangailangan at mga pangangailangan ng iyong mga mahal sa buhay.
Una, alamin mo ang iyong mga karapatan.
Kung ikaw ay may malubhang karamdaman na wala pang 24 na buwan upang mabuhay, maaari mong ma-access ang iyong life insurance bago ang iyong pagpanaw.
Kung pumanaw na ang isang mahal sa buhay, maaaring may karapatan ang kanyang pamilya na kunin ang ilan o lahat ng kanyang life insurance policy.
Kung nais mong mag-file ng life insurance claim, maaari kang kumuha ng legal na serbisyo at tiyak na matutulungan ka ng Littles.
Kung nakapag-file na ng claim ngunit tinanggihan ito ng superannuation fund o ng kanilang insurer, mayroon kang karapatan ipasuri ang desisyon. Sakaling hindi pa rin ito tanggapin, maari kang maghain ng reklamo sa korte o sa Australian Financial Complaints Authority (AFCA).
Mayroong mga striktong limitasyon sa oras na dapat isaalang-alang kung nais tutulan ang desisyon ng superannuation fund o insurer kaya mahalagang kumonsulta sa mga abodago at humingi ng payo agad-agad.
Baldock-Davies v Popham & AAI Limited [2023] QSC 24 Background The Plaintiff, Ms Meah Baldock-Davies, was a twenty (20) year...
Read MoreNSW 산업재해: 주당 임금 보조 혜택 얼마나 받을 수 있을까요? 안녕하세요. 개인상해 전문 로펌 리틀즈의 안가의 변호사입니다. NSW 주에서 발생한...
Read MoreWhat is chronic fatigue syndrome? If you’ve found this article, chances are you know the debilitating nature of chronic fatigue...
Read More