Anong gagawin ko kung tinanggihan ang aking WorkCover (QLD) claim?
Jane David



Anong gagawin ko kung tinanggihan ang aking WorkCover (QLD) claim?
Ang WorkCover Queensland ay nariyan upang protektahan ang mga manggagawa kung sakaling sila ay maaksidente habang nagtatrabaho. Kung sakaling matigil sa pagtatrabaho dulot ng hindi inaasahang aksidente, ang WorkCover ay magbibigay ng pansamantalang kabayaran sa mga manggagawa upang matugunan ang kanilang mga pinansyal na pangangailangan. Ngunit kung ang iyong claim ay tinanggihan, ito ay maaaring magdulot ng malaking sakit ng ulo. Mahalagang malaman na kung iyong claim ay hindi tinanggap ng WorkCover, hindi rito nagtatapos ang mga bagay dahil may iba pang opsyon na maaaring gawin upang tanggapin ang iyong claim.
Mga karaniwang dahilan kung bakit tinanggihan ang iyong WorkCover claim:
1. Ang pinsala o injury ay hindi nangyari sa kurso ng pagtatrabaho.
Ang sinasabing pinsala ay hindi nangyari sa trabaho o nangyari sa labas ng iyong mga regular na tungkulin sa trabaho, kaya hindi ito saklaw.
2. Kung ang mga detalye na iyong binigay ay hindi tumpak.
Kung sakaling ikaw ay magbigay ng salaysay kung paano nangyari ang aksidente at ang iyong employer ay hindi sumang-ayon dito, maaaring hindi tanggapin ang iyong claim.
3. Ang pinsala o injury ay walang kinalaman sa iyong trabaho.
Kung ang sinasabing pinsala ay walang kinalaman sa iyong trabaho, katulad kung ikaw ay naaksidente habang gumagawa ng ibang bagay gaya ng sports, siguradong tatanggihan ang iyong claim.
4. Hindi pagbibigay-alam ng pinsala o injury sa employer sa tamang oras.
Kung ikaw ay naaksidente habang nagtatrabaho, dapat mo itong ipagbigay-alam sa iyong employer sa loob ng anim (6) na buwan mula sa mismong araw ng pangyayari ng aksidente. Kung hindi mo ito ini-ulat sa tamang oras, maaaring tanggihan ang iyong claim.
5. Mayroon kang dati nang karamdaman.
Kung mayroon kang anumang dati nang karamdaman o injury bago ka pa man magsimulang magtrabaho sa iyong employer, ito ay maaaring hindi tanggapin.
Ano ang gagawin kung tinanggihan ng WorkCover ang iyong claim?
Kapag naisumite mo na ang iyong claim sa WorkCover, magsasagawa sila ng mga pagsisiyasat tungkol sa mga pangyayari o insidente at mga pinsalang iyong natamo. Magpapasya ang WorkCover na tanggihan o tanggapin ang iyong claim batay sa kanilang mga pagsisiyasat.
Kung ang iyong claim ay tinanggihan ng WorkCover, may mga potensyal na batayan at opsyon na maaari mong magamit. Mahalagang makakuha ng legal na representasyon kapag nagpasyang suriin ang desisyon dahil may mga mahigpit na time limits at kumplikadong pamantayan kung nais hamunin ang pagtanggi ng WorkCover sa isang claim.
Unang hakbang: Humiling ng pagsusuri ng desisyon
Una, kailangan mong makuha ang mga dahilan kung bakit tinanggihan ang iyong claim ng WorkCover. Gayunpaman, karaniwang padadalhan ka nila ng kopya ng mga dahilan sa loob ng dalawampung (20) araw mula sa petsa ng kanilang desisyon. Sa oras na makuha mo ang kopya ng mga dahilan ng WorkCover sa pagtanggi sa iyong claim at naniniwala kang hindi ito patas o tama, maaari kang humiling ng pagsusuri sa Workers’ Compensation Regulator.
Ang Workers’ Compensation Regulator (‘Regulator’) ay bahagi ng Office of Industrial Relations at responsable sa pagsusuri sa mga desisyon ng insurers. Ang Regulator ay isang independiyenteng awtoridad at hindi kaakibat ng WorkCover – ibig sabihin ay hindi sila maaaring maimpluwensyahan ng WorkCover o ng iyong employer sa kanilang pagsusuri.
Upang maghain ng pagsusuri, dapat tiyakin na isinusumite mo ang tamang form alinsunod sa Workers’ Compensation and Rehabilitation Act (2003) sa loob ng tatlong (3) buwan magmula sa araw ng pagtanggi sa iyong claim. Sa pagsusuring ito, may ilang mga batayan na isasaalang-alang ang Regulator, kaya mahalagang balangkasin kung bakit sa tingin mo ay hindi tama ang desisyon at magbigay ng karagdagang suportang ebidensya/mga dokumento tulad ng mga medikal na ulat at mga pahayag ng eksperto/saksi.
Kapag naihain mo na ang iyong pagsusuri, ang Regulator ay may dalawampu’t limang (25) araw upang gumawa ng desisyon.
Pangalawang hakbang: I-apela ang desisyon sa pagsusuri
Kung isinumite mo ang iyong pagsusuri sa Regulator at nagpasya silang panindigan ang orihinal na desisyon ng WorkCover na huwag tanggapin ang iyong claim, maaaring may pagkakataon pa ring baguhin ang resulta.
Kung hindi ka sumasang-ayon sa desisyon ng Regulator, may karapatan kang i–apela ang desisyon sa Queensland Industrial Relations Commission (‘QIRC’). Mahalagang tandaan na dapat mong ihain ang apela sa QIRC sa loob ng dalawampung (20) araw mula sa petsa ng desisyon ng Regulator at maghatid ng kopya ng paunawa sa Regulator sa loob ng sampung (10) araw.
Ang pag-apela sa desisyon ng Regulator at pagpapawalang-bisa nito ng QIRC ay karaniwang naaangkop lamang sa ilang partikular na sitwasyon, at ito ay isang napaka-kumplikadong proseso. Mahalagang humingi ng legal na payo kung magpapasya na i-apela ang desisyon ng Regulator.
Kung nakaranas ka ng pinsala o karamdaman sa trabaho at tinanggihan ang iyong claim ng WorkCover, matutulungan ka ng Littles Lawyers. Kung nais mo ng libreng konsulta, tumawag sa amin sa 1800 548 853.
Like? Share it with your friends.
Contact the Author
Topics
More Articles
Institutional abuse myths and facts
Institutional Abuse Myths and Facts If you are a survivor of historical or institutional abuse, you deserve to know the...
Read MoreQueensland Workers’ Compensation: Support for First Responders and Emergency Workers
The pandemic served as a timely reminder of the bravery and selflessness of first responders and other emergency workers. A 2018...
Read MoreConstruction Site Injuries: Seeking Compensation for Workplace Accidents
At construction sites, workers encounter various hazards daily. Unfortunately, accidents can happen, resulting in injuries that disrupt lives and imperil...
Read MoreLorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Ut elit tellus, luctus nec ullamcorper mattis, pulvinar dapibus leo.