If you have sustained a work-related injury and have legal representations, you may have heard about that you may potentially...
Read MoreAng Total and Permanent Disability, o kung tawagin ay TPD, ay isang uri ng insurance policy na nagbibigay ng pinansyal na proteksyon kung sakaling ang isang indibidwal ay magkaroon ng permanenteng sakit o kapansanan na magreresulta sa kawalan ng kakayahang makapagtrabaho. Ang ganitong uri ng insurance ay dinisenyo upang ang mga indibidwal, pati na rin ang kanilang mga pamilya, ay magkaroon ng safety net kung sakaling matigil sila sa pagtatrabaho.
Maraming iba’t ibang klase ng TPD policies na pwedeng makuha ang isang indibidwal at mayroon ding pagkakaiba ang saklaw ng mga ito. Ang ilan ay itinuturing na stand-alone na ang ibig sabihin ay TPD lamang ang maaaring makuha. Maaari rin itong isama sa iba pang uri ng insurance, kagaya ng life insurance at income protection insurance upang magkaroon pa ng mas malawak na proteksyon ang apektadong indibidwal.
Ang TPD insurance ay karaniwang para sa mga manggagawa ngunit maaari rin itong kunin ng mga taong may sariling negosyo o di kaya’y mga nagretiro na sa trabaho. Samakatuwid, ang ganitong uri ng insurance ay pupwede sa kahit sinong indibidwal na natigil sa pagtatrabaho dahil sa sakit o kapansanan.
Maraming pwedeng kahulugan ang mga salitang “permanent disability” at ito ay nakadepende sa uri ng TPD policy na kukunin, ngunit karaniwan itong tumutukoy sa isang sakit o kapansanan na magiging hadlang upang ang isang indibidwal ay bumalik sa kanyang kasulukuyang o nakasanayang trabaho. Kung minsan, ang “partial disability” ay saklaw rin ng TPD policy kung saan ang isang indibidwal ay may kakayang magtrabaho ngunit hindi sa parehong antas bago pa siya magkasakit o magkaroon ng kapansanan.
Maraming benepisyo ang maaaring maibigay ng TPD insurance sa mga manggagawang natigil sa trabaho dahil sa sakit o kapansanan. Isa na rito ang lump sum payment na ang ibig sabihin ay makakatanggap ang isang indibidwal ng pera mula sa kanyang insurance na maaaring gamitin pambayad ng medikal na gastusin, pagsasaayos ng bahay, at sa mga pang-araw-araw na gastusin. Mayroon din namang TPD policies na maaaring magbigay ng pinansyal na suporta kung sakaling matigil ang isang indibidwal sa pagtatrabaho.
May mga kinakailangan upang ang isang indibidwal ay makakuha ng TPD insurance, kagaya ng edad, na dapat ay nasa pagitan ng labing-walo (18) at animnapu’t lima (65) taong gulang, at mabuting kalusugan. Kung minsan, isinasaalang-alang din ang dami ng oras ng trabaho ng isang indibidwal kada linggo at iba pang partikular na pamantayang gagamitin upang makakuha ng TPD insurance.
Nararapat ding basahing mabuti ang mga nakasaad na mga tuntunin at kundisyon (terms and conditions) ng isang TPD policy bago magdesisyong kumuha nito dahil mayroong pagkakaiba ang bawat isa. Importante rin na alamin ang mga bagay na hindi nito saklaw (exclusions) at kung hanggang kailan maaaring maghain ng claim mula sa oras na nagkasakit o nagkaroon ng kapansanan ang isang indibidwal (limitations) kung sakaling kailanganin.
Bukod sa TPD insurance, mayroong ding ibang paraan para maprotektahan ng isang indibidwal ang kanyang sarili at pamilya kung sakaling magkasakit o magkaroon ng kapansanan. Ilan na rito ay ang pag-iipon ng pera upang maging handa sa kahit anong sakuna at paggawa ng financial plan upang makasigurado na ang pang-araw-araw na gastusin ay matutugunan kung sakaling mawalan ng trabaho.
Kung susumahin, ang pagkakaroon ng TPD insurance ay isang mahalaga at epektibong paraan upang magkaroon ng pinansyal na proteksyon ang isang indibidwal at ang kanyang pamilya. Sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang ng kanilang mga pangunahing pangangailangan, makakapili sila ng angkop na TPD policy para sa kanilang kasalukuyang sitwasyon.
Mataas ang posibilidad na ikaw ay mayroong TPD insurance kung ikaw ay miyembro ng kahit anong superannuation dito sa Australia.
Ang pagkakaroon ng TPD insurance mula sa iyong superannuation ay isang mas epektibo and tipid na paraan upang pinansyal na maprotektahan ang iyong sarili at mga mahal sa buhay kung sakaling ikaw ay magkasakit o magkaroon ng kapansanan. Kung tutuusin, ang pagkakaroon ng TPD insurance na sakop ng iyong superannuation ay mas abot-kaya kumpara sa pagbili ng stand-alone TPD policy. Ito ay sa kadahilanang mas mababa ang dapat bayaran kada sweldo dahil bulto-bulto itong binibili ng mga superannuation funds sa mas mababang halaga.
Kagaya ng naunang nabanggit, importanteng pag-aralan ang mga tuntunin at kundisyon (terms and conditions) ng kahit anong TPD policy na kasama sa iyong superannuation para makasiguradong akma ito sa pangangailangan mo at ng iyong mga mahal sa buhay.
Una, alamin mo ang iyong mga karapatan.
Kung nais mong mag-file ng TPD claim, maaari kang kumuha ng legal na serbisyo at tiyak na matutulungan ka ng Littles.
Kung nakapag-file na ng TPD claim ngunit tinanggihan ito ng superannuation fund o ng kanilang insurer, mayroon kang karapatan ipasuri ang desisyon. Sakaling hindi pa rin ito tanggapin, maari kang maghain ng reklamo sa korte o sa Australian Financial Complaints Authority (AFCA).
Mayroong mga striktong limitasyon sa oras na dapat isaalang-alang kung nais tutulan ang desisyon ng superannuation fund o insurer kaya mahalagang kumonsulta sa mga abodago at humingi ng payo agad-agad.
If you have sustained a work-related injury and have legal representations, you may have heard about that you may potentially...
Read MoreEveryone has the right to go to work each day, knowing they’ll come home safely. If you’ve been injured or...
Read More변호사 없이 진행하기? 교통사고등으로 인한 민사손해배상청구 소송을 수행함에 있어서 변호사 수임이 반드시 필요한것은 아닙니다. 예를 들어, 만일 발생한 피해가, 노동력...
Read More