PASOS POR TOMAR DESPUES DE UN ACCIDENTE DE TRAFICO: Los accidentes de tráfico pueden llegar a ser causantes de mucho...
Read MoreAng Medical Negligence ay isang uri ng batas sa personal injury na tumatalakay sa mga kaso kung saan hindi nagbibigay ng sapat na pangangalaga ang isang propesyonal sa medisina, na nagreresulta ng pinsala sa pasyente.
Ang mga medical negligence claims ay kumplikado kaya’t mahalaga na maunawaan ang ibat-ibang batas sa medical negligence na maaring magamit sa iyong sitwasyon. Ang halimbawa ng medical negligence ay ang pinsala na natamo sa panganganak, maling pagsusuri o pagkaantala sa pagsusuri, pagkukulang sa pagtukoy kung kailangan ng mga pagsisiyasat, payo ng espesyalista o emergency treatment, mga pagkakamali sa operasyon, mga may sirang produkto sa medisina, pagkakamali sa paggamit ng anesthesia, mga pinsala na naranasan sa resulta ng medikal na pangangalaga sa ibang bansa, mga pagkakamali sa reseta at gamot, mga reklamo tungkol sa cerebral palsy, at pagkakaantala sa pagsusuri sa pag-eksamin sa suso.
Kung nakaranas ka ng pinsala dahil sa medical negligence, mahalaga na maunawaan mo ang iyong legal na karapatan at ang kabayaran na maaaring nararapat sa’yo. Kabilang sa mga kabayaran para sa medical negligence ay tulad ng sakit at pagdurusa, pagkawala ng kasiyahan sa buhay, mga gastusin sa medikal (nakaraan at sa hinaharap), mga gastusin sa prospesyonal na pangangalaga (nakaraan at sa hinaharap), pagkawala ng mga dating kita, pagkawala ng mga kita sa hinaharap, at ang komersyal na halaga ng pangangalaga at tulong na ibinibigay ng mga mahal sa buhay. Mahalagang makipag-ugnayan sa isang personal injury lawyer upang malaman ang halaga ng kabayaran na maaring nararapat sa’yo, dahil nakadepende sa kalubhaan ng iyong pinsala ang halaga ng kabayaran at ang epekto nito sa iyong buhay.
Ang unang hakbang sa pagsasagawa ng medical negligence claim ay ang pagtitipon ng mga ebidensya na susuporta sa iyong claim. Kabilang dito ang medical records, opinyon ng isang espesyalista, pahayag ng saksi, at mga litrato ng mga pinsala. Matutulungan ka ng iyong abogado na makuha ang mga ebidensyang ito at tiyaking maayos na maihaharap sa korte.
Mahalagang maunawaan ang time limit para sa pagsasampa ng kaso ng medical negligence sa Queensland. Ang paghahain ng claim ay nagsisimula sa proseso ng paghahatid ng isang Notice of Claim, na dapat kumpletuhin sa loob ng siyam na buwan mula sa araw ng aksidente na nagresulta sa personal injury. Kaya mahalagang humingi ng payo sa isang abogado sa lalong madaling panahon.
Kapag nagsasagawa ng isang medical negligence claim sa Queensland, mahalagang maging maingat ka rin sa posibilidad ng contributory negligence. Ito ay tumutukoy sa mga kaso kung saan mayroong ambag ang nasaktang tao sa kanyang sariling pinsala sa ilang paraan. Sa mga ganitong kaso, maaaring bawasan ang halaga ng kabayaran depende sa antas ng pagkakamali ng nasaktang tao.
Isa pang mahalagang aspeto ng batas ng medical negligence ay ang tungkulin na dapat ibinibigay ng mga propesyonal sa medisina. Tungkulin ng mga prospesyonal sa medisina na magbigay ng kalinga na nakakatugon sa pamantayan ng isang makatwiran at may kakayahang propesyonal sa kanilang larangan. Sa kaso na lumabag ang isang propesyonal sa medisina sa tungkuling magbigay ng kalinga at nagdulot ng pinsala sa pasyente, maaaring managot sila ng medical negligence.
Kung ikaw ay naniniwala na nakaranas ng pinsala dahil sa medical negligence, mahalagang maghanap ng payong legal sa lalong madaling panahon. Makakatulong sa’yo ang isang may karanasang personal injury lawyer, upang maunawaan ang iyong legal na karapatan, pagtitipon ng ebidensya, at maghabol ng kabarayan para sa pinsala.
Sa madaling salita, ang medical negligence ay isang kumplikadong bahagi ng batas ng personal injury sa Queensland na sumasaklaw sa ibat-ibang isyu. Maaaring may karapatan ka sa kabayaran para sa iyong pinsala at pagkalugi, kung ikaw ay nagtamo ng pinsala dulot ng medical negligence. Mahalaga na magtipon ng ebidensya at humingi ng payong legal sa isang may karanasang personal injury lawyer, kung magsasagawa ng medical negligence claim. Ang maunawaan ang iyong mga legal na karapatan at kabayaran na maaring nararapat sa’yo ay mahalaga, upang matiyak na matatanggap mo ang kabayaran na nararapat sa’yo para sa pinsalang iyong natamo.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Ut elit tellus, luctus nec ullamcorper mattis, pulvinar dapibus leo.
PASOS POR TOMAR DESPUES DE UN ACCIDENTE DE TRAFICO: Los accidentes de tráfico pueden llegar a ser causantes de mucho...
Read MoreWitnessing a traumatic car accident or being a close family member of a victim involved in a car accident, even...
Read More개인상해 변호사로 일을 하면서 의뢰인분들이 당하신 교통사고 상담 시, 한국과는 다른 처리 방법으로 호주에서 어떻게 교통 사고 처리해야 하는지 몰라...
Read More