Procedural History In the first instance, the Respondent, Stephen O’Connor was ordered damages in the sum $1,908,647.00, plus interest, to...
Read MoreAno man ang yugto ng iyong karera, ang pagkakaroon ng sakit o aksidente na nagpapahinto sa iyo mula sa pagtatrabaho sa iyong industriya o sa anumang trabaho ay maaaring maging mahirap na pagbabago sa buhay.
Kaya’t hindi nakapagtataka na maraming tao ang pumipili na kumuha ng permanent disability insurance, sa pamamagitan ng super fund o direktang mula sa insurance provider.
Mayroong tatlong iba’t-ibang uri ng insurance ang kadalasang magagamit ng mga miyembro ng supperanuation fund: death insurance, income protection, at total and permanent disability (TPD) insurance. Maaaring nais mong isaalang-alang ang paghain ng isang TPD claim kung ikaw ay napinsala o may malalang kondisyon na nagdudulot ng pangmatagalang epekto sa iyong kakayahan sa pagtatrabaho.
Ang katotohanan na walang tiyak na depinisyon ng TPD ay malaki ang naiambag sa kumplikadong proseso ng paghahain ng mga reklamo sa superannuation. Sa halip, ang bawat pondo ng superannuation ay magtatag ng sariling kahulugan ng salita sa pamamagitan ng mga patakaran o trust agreements. Maging maingat dahil ang kahulugan sa anumang naangkop na kontrata ng grupo ng insurance na kung saan maaaring isa kang bahagi ay maaaring magkaroon ng mas malaking bisa kaysa sa kahulugan ng iyong polisiya sa super.
Ang Reg 1.03C ng Superannuation Industry (Supervision) Regulations 1994 (Cth) ay nag-aalok ng sumusunod na kahulugan ng “permanenting kapansanan”, sa kabila ng kakulangan ng isang pamantayang kahulugan:
“…kung ang isang tagapangasiwa ng pondo ay may sapat na basehan na ang karamdaman ng miyembro (pisikal man o mental) ay ginagawang malabo na ang miyembro ay makapasok sa kapaki-pakinabang na trabaho kung saan ang miyembro ay makatriwang kwalipikado sa pamamagitan ng edukasyon, pagsasanay, o karanasan.”
Ang mga pondo ng superannuation ay kadalasang kinakailangan upang iayon ang kanilang mga patakaran sa TPD sa konseptong ito.
Sa polisiya ng super, ang kahulugan ng TPD ay kadalasang may dalawang kategorya:
Hindi ka makakabalik sa trabaho sa anumang trabaho; o
Hindi ka na makakabalik sa trabaho sa sarili mong trabaho.
Ang anumang kahulugan ng uri ng trabaho ay ang mas karaniwan sa dalawa.
Bilang karagdagan, karaniwan para sa mga pondo ng super na hilingin na ikaw ay may kapansanan sa loob ng hindi bababa sa anim na buwan. Ang ilan sa mga depinisyon ng TPD, lalo na kung hindi ka dati empleyado ay makaklasipika ng isang miyembro bilang permanenteng may kapansanan kung sila ay nawawalan ng dalawa o higit pang mga parte ng kanilang katawan, lubos na nawalan ng paningin, o hindi makagawa ng mga pangunahing araw-araw na gawain o mga gawain na may kaugnayan sa trabaho tulad ng pag galaw, pakikipag-ugnayan, paggamit ng kamay, malinaw na paningin, pagbubuhat ng mga bagay, at iba pa.
Maaari kang maghain ng isang TPD claim kung mayroon kang partikuar na sakit tulad ng stroke, heartbreak, diabetes, kanser sa lapay, iba pang uri ng kanser, sakit sa puso, HIV/AIDS, o marami pang ibang mga kondisyon.
May ilang mga kompanya ng insurance na naglalagay ng karagdagang mga limitasyon sa pagtukoy ng TPD at humihiling na ang isang miyembro ay sumali sa aktibong pangangalaga sa medikal at rehabilitasyon sa isang itinakdang panahon.
Alamin ang iyong karapatan.
Kung ikaw ay hindi pa nakagagawa ng TPD claim, may karapatan kang magkaroon ng legal na representasyon at matutulungan ka ng Littles.
Kung ikaw ay nagsumite na ng claim at ito ay tinanggihan ng isang superannuation fund o insurer, maaaring may karapatan kang magpasuri ng desisyon sa pamamagitan ng internal resolution procedure.
Sakaling hindi pa rin ito tanggapin, maari kang maghain ng reklamo sa korte o magreklamo sa Australian Financial Complaints Authority (AFCA).
Mayroong striktong limitasyon sa oras upang tutulan ang desisyon ng insurer, kaya mahalagang kumonsulta sa mga abodago at humingi ng legal na payo sa lalong madaling panahon.
Sa madaling salita, ang Littles ay mga eksperto sa mga usapin ng batas sa superannuation at insurance.
Ang aming koponan sa insurance ay tumulong na sa libu-libong mga konsyumer na makuha ang kanilang mga karapatan, at ang aming Head ng TPD at General Insurance ay may malawak na kaalaman at pananaw sa industriya kung paano mapalalakas ang iyong mga posibilidad na magtagumpay.
Nagsasalita rin kami ng iyong wika, sa labing-anim na wika at patuloy na bilang . Kalimutan ang pagbabayad sa isang tagasalin o sa isang abogadong hindi nakakaunawa sa iyo at sa iyong kultural na pinagmulan.
Ang lahat ng mga usapin ng batas sa superannuation at insurance ay isinasagawa namin sa batayan ng “no win, no fee” at hindi kami nagpapatong ng anumang paunang bayad para sa anumang mga gastusin na kinakailangan upang usigin ang iyong claim.
Kung nais mo ng payo tungkol sa batas sa superannuation at insurance, makipag-ugnayan sa Littles ngayon gamit ang aming libreng Claim Checker.
Ang Head ng TPD at General Insurance ng Littles, si Rowan McDonald, ay isang eksperto sa batas sa insurance at superannuation. Si Rowan ay isang bihasang litigador at nagsampa na ng libu-libong matagumpay na mga insurance claim para sa mga konsyumer.
Dahil sa pagtatrabaho sa industriya ng insurance nang mahigit sa labing-limang taon, si Rowan ay may malawak na listahan ng mga kontak sa industriya at regular na nagbibigay ng presentasyon sa mga grupong sumusuporta sa kapansanan, mga propesyonal sa industriya ng pananalapi, at mga organisasyong multikultural.
Nagbigay payo rin si Rowan sa ilang mga pangunahing kompanya ng insurance sa Australia, na nagbibigay sa kanya ng walang katumbas na kaalaman sa proseso ng claim mula sa iba’t-ibang perspektiba. Ginagamit ni Rowan ang isang praktikal at makatwirang pamamaraan sa mga payong ibinibigay niya sa kanyang mga kliyente.
Para sa iyong libreng, personal na konsultasyon, makipag-ugnayan kay Rowan ngayon.
Procedural History In the first instance, the Respondent, Stephen O’Connor was ordered damages in the sum $1,908,647.00, plus interest, to...
Read MoreTulong! Naaksidente ako sa Queensland ngunit sa ibang estado nakarehistro ang nakabangga sa akin. Makagagawa pa rin ba ako ng...
Read More안녕하세요. 법무법인 리틀즈의 안가희 변호사입니다. 많은 분들이 자신이 가지고 있는 연금 회사가 TPD 혹은 Income Protection을 제공하는 지 궁금해하십니다. 이번...
Read More