Ano ang Income Protection insurance

Ang Income Protection ay isang uri ng insurance policy na layuning tulungan ang isang indibidwal kung sakaling pansamantalang matigil sa pagtatrabaho dulot ng sakit o kapansanan. Ito ay idinisenyo upang bigyan ka ng pansamantalang kapalit na kita hanggang sa ikaw ay makabalik sa trabaho o kaya’y umabot sa isang tiyak na edad, depende sa mga tuntunin ng iyong polisiya. 

Dito sa Australia, ang Income Protection insurance ay kadalasang tinatawag na “salary continuance” o “total disability insurance.” Karaniwang inaalok ito bilang isang opsyonal na benepisyo sa pamamagitan ng default membership sa isang superannuation fund tulad ng REST o AustralianSuper, na ibinibigay sa pamamagitan ng iyong employer. Maaari rin namang itong bilhin nang hiwalay sa pamamagitan ng isang financial advisor o insurance broker. 

Anu-ano ang mga uri ng Income Protection insurance?

Mayroong dalawang pangunahing uri ng Income Protection insurance sa Australia: “agreed value” at “indemnity value.” Sa isang agreed value policy, ikaw ay makakakuha ng fixed na halaga batay sa iyong kinikita noong kinuha mo ang insurance. Sa isang indemnity value policy naman, ikaw ay makakakuha ng percentage ng iyong kita sa oras na ikaw ay maghain ng claim, hanggang sa pinakamataas na halaga na nakasaad sa polisiya.

Ano ang tinatawag na waiting period?

Ang Income Protection policies ay karaniwang may tinatawag na “waiting period.” Ito ay tumutukoy sa panahon na ikaw ay dapat hindi nakakapagtrabaho bago ka makapaghain ng claim. Ito ay maaaring mula sa labing-apat (14) na araw hanggang dalawang (2) taon. Kung mas maiiksi ang waiting period, mas mataas ang premium at kung mas matagal naman ay mas mababa ang magiging premium. Mahalagang pumili ng waiting period na angkop sa iyong sitwasyong pinansyal at dapat ring isaalang-alang ang iyong kakayahang makapagbayad ng mga gastusin ng walang kita. 

Bukod sa waiting period, ang income protection policies ay mayroon ding tinatawag na benefit period. Ito ay tumutukoy naman sa panahon na ikaw ay makakatanggap ng benepisyo. Ito ay maaaring mula sa dalawang (2) taon hanggang sa edad animnapu’t lima (65). Kung mas mahaba ang benefit period, mas mataas ang premium at kung mas maiksi naman ay mas mababa ang premium

Kailangan ko bang kumuha ng Income Protection insurance?

Kung nagnanais kumuha ng Income Protection insurance, mahalagang suriin ang mga “terms and conditions” pati na rin ang mga “exclusions and limitations.” Maaaring hindi saklaw ng ilang policies ang ilang partikular na uri ng sakit o kapansanan, kagaya ng mga dati nang kundisyon (pre-existing condition) o pinsalang ginawa sa sarili (self-inflicted injury). Mahalaga ring maunawaan kung paano tinutukoy ng policy ang “total and permanent disablement” dahil tutukuyin nito ang iyong eligibility na makapaghain ng claim

Ang ganitong uri ng insurance ay maaaring maging financial safety net para sa mga indibidwal at kanilang pamilya, lalo na iyong mga self-employed o iyong mga walang sick leave o ibang uri ng pinansiyal na proteksyon mula sa kanilang employer. Makakatulong ito upang mabayaran ang mga pang-araw-araw na gastusin habang ikaw ay hindi nakakapagtrabaho. 

Kung nais mong kumuha ng income protection insurance dito sa Australia, magandang ideya na mamili at maghambing ng mga policies mula sa iba’t ibang insurer upang mahanap ang pinakamahusay na nakakatugon sa iyong mga pangangailangan at budget. Maaari ka ring kumonsulta sa isang financial advisor o insurance broker na makakatulong upang iyong maunawaan ang iba’t ibang opsyon at gumawa ng matalinong desisyon. 

Sa kabuuan, ang Income Protection insurance ay makapagbibigay ng seguridad na pangpinansyal (financial security) at kapayapaan ng pag-iisip (peace of mind) kung sakaling ikaw ay matigil sa pagtatrabaho dahil sa sakit o kapansanan. Ito ay isang mahalagang pagsasaalang-alang para sa sinumang umaasa sa kanilang kita upang suportahan ang kanilang sarili at mga mahal sa buhay. 

Paano ako makakapag-claim ng Income Protection insurance?

Una, alamin mo ang iyong mga karapatan. 

Kung nais mong mag-file ng Income Protection claim, maaari kang kumuha ng legal na serbisyo at tiyak na matutulungan ka ng Littles

Kung nakapag-file na ng Income Protection claim ngunit tinanggihan ito ng superannuation fund o ng kanilang insurer, mayroon kang karapatan ipasuri ang desisyon. Sakaling hindi pa rin ito tanggapin, maari kang maghain ng reklamo sa korte o sa Australian Financial Complaints Authority (AFCA). 

Mayroong mga striktong limitasyon sa oras na dapat isaalang-alang kung nais tutulan ang desisyon ng superannuation fund o insurer kaya mahalagang kumonsulta sa mga abodago at humingi ng payo agad-agad. 

Like? Share it with your friends.

Contact the Author

Topics

More Articles

新南威爾士州公共責任索賠:您可以索賠什麼? 

Public Liability Claims 公共責任索賠是基於第三方有過錯。如果您想成功索賠賠償,您必須能夠證明自己以外的另一方的過錯(或通常被描述為疏忽)。如果您無法確定疏忽,那麼即使您因事件而受到傷害,您也無權獲得任何賠償。  如果您能夠確定疏忽,那麼根據您的具體情況,您可能有權向被告索賠四項損害賠償: 1. 醫療和治療費用 您可能能夠申請合理且必要且與您的受傷相關的醫療和治療費用。這些可能包括藥費(藥物費用)、專家諮詢、手術和附帶費用、物理治療師、脊椎按摩師、放射學掃描等。您還可能有權獲得往返您的治療提供者的合理旅行費用。  藥品費用與通常從藥房購買的物品有關。這些費用的報銷也需要評估費用是否“合理和必要”。通常在購買前與您的醫生討論是否需要藥物就足夠了。  為了支持您的醫療和治療費用索賠,您必須與您的主治全科醫生討論建議的治療,獲得建議治療的轉介,並保留您自己接受和支付的任何治療的收據副本。  2. 工資損失(經濟損失) 如果您能證明您的受傷已經或將會對您的收入能力產生影響,您可能有權就過去和未來的收入損失提出索賠。  這可能包括因受傷、失去職業晉升或機會、無法恢復受傷前的工作時間和職責, 需要提前退休, 或完全喪失工作能力而無法重返工作。  您也可能有權就過去和未來的退休金供款損失提出索賠。  3. 家庭護理和援助 如果您因無法做家務或照顧自己而從家人或朋友那裡得到無償照顧和幫助,您可以就該幫助要求賠償。如果您已支付商業家庭援助費用,我們建議您保留付款收據的副本,因為您也可以將此作為索賠的一部分。 …

Read More

Like? Share it with your friends.

Contact the Author

Topics

More Articles