Ano ang Bus Passenger Claims

Bus Passenger Claims

Ang paglalakbay sa pamamagitan ng bus ay bahagi ng pang-araw araw na buhay ng maraming tao.  Kahit ikaw ay nagko-commute papasok sa trabaho o naglalakbay para sa personal na dahilan, ang panganib ng pinsala sa panahon ng paglalakbay ay palaging nariyan.  Maaaring mangyari ang mga aksidente, at kapag nangyari na, mahalaga na malaman na may mga batas sa personal injury sa Queensland na naglalayong makatulong.  Ang mga batas na ito ay ginawa upang maprotektahan ang mga pasahero laban sa mga pinsalang dulot ng kapabayaan o maling gawain ng transport provider o ibang gumagamit ng kalsada.  Ang artikulong ito ay magbibigay ng pangunahing gabay tungkol sa mga batas sa personal injury sa Queensland, upang mas maunawaan ng mga pasahero ang kanilang karapatan at kung ano ang dapat gawin sa kaso ng aksidente.   

Ano ang Bus Passenger Claims?

Ang bus passenger claims ay tumutukoy sa personal injury claims na nangyayari habang nagbibiyahe sa pamamagitan ng bus. Kabilang sa mga uri ng mga claims na ito ang mga pinsalang naranasan dahil sa aksidente o kapabayaan ng transport provider o ibang gumagamit ng kalsada. 

Ang Batas na sumasaklaw sa Bus Passenger Claims sa Queensland

Sa ilalim ng Motor Accident Insurance Act 1994 and the Civil Liability Act 2003 (Qld), ang mga pasahero ay may karapatang humingi ng kabayaran para sa pinsala o pagkalugi tulad ng mga gastusin sa pagpapagamot, nawalang kita, at iba pang mga gastos.  Upang makapaghain ng claim, kinakailangan ng pasahero na patunayan na ang kanilang pinsala ay dulot ng kapabayaan o maling gawain ng transport provider o ibang gumagamit ng kalsada.  

Ang proseso ng paghahain ng Bus Passenger Claims

Ang proseso ng paghahain ng bus passenger claims ay katulad ng iba pang mga reklamo sa personal injury, na nagsisimula sa pag-aabiso sa Compulsory Third Party (“CTP”) insurer ng may sala, at pagbibigay ng mga ebidensya upang suportahan ang claim.  Ang kaukulang CTP insurer ay magsasagawa ng pagsisiyasat, kukuha ng mga pahayag, at susuriin ang mga medikal na ebidensya bago malaman kung ang kanilang insured driver ang nagdulot ng aksidente, at kung gaano kalaki ang kabayaran na dapat ibigay sa pasahero.  

Makatutulong din na maghain ng ulat ng insidente sa transport provider kung ikaw ay nasugatan habang nagbibiyahe sa pamamagitan ng bus, upang magkaroon sila ng tala ng insidente at mga detalye ng nangyari 

Time Limits para sa Pagsasagawa ng Claim

Nakakabuti na malaman na may time limit ng paghahain ng personal injury claim sa Queensland.   Karaniwan, may tatlong taon ang mga pasahero mula sa petsa ng aksidente upang maghain ng kaso sa korte, ngunit mayroon din ibang mahahalagang time limits na maaaring mag-apply.  Kaya naman mainam na kumonsulta agad sa isang personal injury lawyer pagkatapos ng aksidente.  

Legal na Representasyon

Maaring maganap ang mga aksidente, at kapag nangyari ito, mahalagang malaman na ang mga batas sa personal injury sa Queensland ay nariyan upang protektahan ka.  Bilang pasahero ng bus, may karapatan kang humingi ng kabayaran para sa pinsalang iyong natamo at pagkalugi, at sa tamang legal na representasyon, maari kang makakuha ng katarungan at kabayaran na nararapat sa’yo.  Kaya, manatiling may kaalaman upang maging handa sa pangangasiwa ng anumang sitwasyon na maaaring mangyari habang ikaw ay nasa daan. 

Ang pagkakaroon ng personal injury lawyer ay makatutulong na patnubayan ka sa legal na proseso, pagtitipon ng ebidensya, at makipag-negosasyon ng patas na kasunduan sa insurance company. Kung ikaw o may kakilala kang nasugatan sa isang aksidente, makipag-ugnayan kay Jack McDonald ng Littles Lawyers para sa isang libreng pagsusuri ng iyong kaso. 

Like? Share it with your friends.

Contact the Author

Topics

More Articles