Ang Kahalagahan ng Sapat na Gamutan para sa Personal Injury Claims

Maaring magmula sa ibat-ibang uri ng aksidente and personal injury claims tulad ng aksidente sa sasakyan, nadulas at nahulog, o pinsalang nangyari sa trabaho.  Kapag mayroong isang tao na nasaktan dahil sa kapabayaan ng iba, maaaring may karapatan siyang mabayaran para sa pinsalang kanyang natamo, kabilang ang gastusin sa medikal, nawalang sahod, at hirap at pagdurusa.  Gayunpaman, upang magtagumpay sa isang personal injury claim, mahalaga na matanggap ng nasaktang indibidwal ang sapat na gamutan at rehabilitasyon.   


Isa sa mga pangunahing salik sa isang personal injury claims ay ang patunayan na ang mga pinsala ay sanhi ng aksidente.  Dito nagiging mahalaga ang pagpapagamot.  Ang agarang pagpapagamot pagkatapos ng isang aksidente ay hindi lamang para tiyakin na makatatanggap ng wastong pangangalagang medikal ang nasaktang indibidwal, kundi lumilikha rin ito ng tala ng mga pinsala na maaring magamit bilang ebidensya sa isang personal injury claim.   


Ang Medical Records ay isang mahalagang bahagi ng ebidensya sa isang personal injury claim.  Naglalaman ito ng mga detalye tungkol sa lawak ng pinsala at ang ginawang gamutan, at makakatulong ito upang mapatunayan ang ugnayan sa pagitan ng aksidente at ng mga pinsalang natamo.  Mahihirapang patunayan na ang pinsalang natamo ay dulot ng aksidente kung walang medical records, na maaaring magpahina sa kaso ng claimant.   


Mahalagang tandaan na ang pagpapagamot ay dapat na makatuwiran at kinakailangan.  Ibig sabihin, ang taong nasaktan ay dapat lamang tumanggap ng gamutan na kaugnay sa kanyang pinsala at kinakailangan para sa kanyang paggaling.  Dapat din na sundin ng napinsala ang treatment plan na inirekomenda ng kanyang healthcare provider, kasama na rito ang pagdalo sa lahat ng mga appointment at pagsunod sa anumang mga tagubilin para sa pangangalaga habang nasa bahay, tulad ng ehersisyo na inireseta ng physiotherapist matapos ang isang whiplash na uri ng pinsala.   


Bukod sa paglikha ng mga tala ng mga pinsala, ang pagpapagamot ay nagpapakita rin sa insurance company at sa korte na sineseryoso ng nasaktang indibidwal ang kanyang mga pinsala.  Ang hindi pagpapagamot ay maaaring maging katibayan na ang natamong pinsala ay hindi malala o ang napinsala ay hindi ginagawa ang mga kinakailangang hakbang upang gumaling.  Maaaring maging dahilan ito upang humina ang kaso at mabawasan ang kabayaran na maaaring makuha ng napinsalang indibidwal.   


Mahalaga rin na ipagpatuloy ang pagpapagamot hanggang sa ganap na gumaling ang napinsalang indibidwal, o hanggang sa maabot nila ang maximum medical improvement o madalas na tinatawag na stable at stationary.  Ang maximum medical improvement ay ang punto kung saan ang napinsalang indibidwal ay gumaling na at malabong makakita pa ng anumang pag-unlad sa pamamagitan ng karagdagang gamutan.  Kapag naging stable at stationary na ang pinsala ng claimant, maaaring magbigay ng komento ang isang independent medico-legal na dalubhasa tungkol sa ibat-ibang salik ng mga pinsala.  Ito ay maaaring magamit upang malaman kung magkano ang kabayaran na maaaring makuha nila.   


Bukod sa pagpapagamot, mahalaga rin na pumili ng tamang healthcare provider.  Ang healthcare provider ay dapat may karanasan sa paggamot ng uri ng mga pinsalang natamo, at handa silang magbigay ng dokumentasyon tungkol sa mga pinsala at pagpapagamot na natanggap.  Mahalaga rin na ipaalam sa healthcare provider ang tungkol sa aksidente at mga pangyayari na nakapaligid dito, dahil makatutulong ang impormasyong ito upang matiyak na ang mga pinsala ay wastong nasuri at nagamot.   


Sa huli, mahalaga na maging tapat sa healthcare provider tungkol sa mga pinsala at mga pangyayari sa paligid ng aksidente.  Ang pagbibigay ng maling impormasyon ay maaaring magdulot ng kabawasan sa kredibilidad ng napinsalang indibidwal at magpahina sa kanilang kaso.  Mahalaga rin na magkaroon ng detalyadong tala ng lahat ng gamutan na natanggap, kabilang ang mga petsa, pangalan ng mga healthcare provider, at anumang mga gamot na nareseta.   


Sa buod, mahalagang maghanap ng sapat na gamutan sa isang personal injury claim.  Ito ay hindi lamang nagbibigay ng karampatang medikal na pangangalaga sa napinsalang indibidwal, kundi lumilikha rin ng tala ng mga pinsala na maaaring magamit bilang ebidensya sa personal injury claim.  Mahalaga na pumili ng tamang healthcare provider at maging tapat tungkol sa mga pinsala at mga pangyayari sa paligid ng aksidente.  Sa pamamagitan ng tamang gamutan at dokumentasyon, maaaring mapatatag ng napinsalang indibidwal ang kanilang kaso at mapataas ang kanilang tsansa na makatanggap ng patas na kabayaran para sa kanilang mga pinsala.   


Kung ikaw ay nasaktan sa isang aksidente o pangyayari, mahalagang humingi kaagad ng payong legal sa lalong madaling panahon, upang malaman ang iyong mga karapatan at pagpipilian. Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang talakayin ang iyong kasalukuyang usapin sa isa sa aming mga may karanasang abogado.   

Like? Share it with your friends.

Contact the Author

Topics

More Articles

纤维肌痛症(Fibromyalgia)以及退休金保险 – TPD 

纤维肌痛(Fibromyalgia)是什么? 纤维肌痛症是一种弥漫性肌肉骨骼疼痛的疾病。其伴随症状包括疲劳以及记忆、睡眠和情绪问题。  纤维肌痛并没有明显以及固定的诱发因素。有些病患是因为单一事件后开始出现症状,有些则是随时间推移慢慢出现相关症状并愈发严重。  目前的医学发展无法根治纤维肌痛症,现有的治疗主要是通过药物控制症状。 纤维肌痛患者可以申请TPD保险赔偿吗 ?了解您的权利 首先,大部分的残疾保险并不由病因决定索赔的成败。这表示导致您无法工作的疾病或者受伤的因素并不起决定性的作用。  如果您被确诊患上纤维肌痛,引起伤残问题导致无法回到您原来受的教育、训练以及经验相关的工作,那您有可能可以针对您的完全和永久性伤残保险(Total and Permanent Disability Insurance, 以下简称TPD保险)进行索赔。  由于纤维肌痛的确诊以及症状比较存在争议,为了保障您的权益,获得法律建议以及熟悉相关疾病的医生至关重要。  以上的信息也同样适用于患有复杂性局部疼痛综合征(简称CRPS)以及慢性疲劳综合征(简称CFS)的患者。  退休金以及各类保险的分别 很多人不清楚自己的退休金(superannuation)到底包含了什么投资以及保险。每一个退休金机构(super fund) 对于选购保险的运作方式不同,所提供的保险种类、计划以及福利也不尽相同。所以,您需要了解到底您的退休金机构自带的保险 (default...

Read More