Ang Claims para sa Benepisyo sa Pagkamatay 

Kompensasyon ng mga Manggagawa sa NSW: Ano ang mangyayari kung ang pagkamatay ng isang manggagawa ay resulta ng pinsalang nauugnay sa trabaho?

Sa isang hindi magandang pangyayari na ang isang manggagawa ay namatay mula sa isang pinsalang nauugnay sa trabaho, mayroong ilang klase ng kabayaran sa kompensasyon na magagamit sa kanyang mga dependent (o ari-arian): 

  • Kompensasyon ng lump sum death benefit 
  • Lingguhang kabayaran para sa bawat na nararapat na benepisaryong anak
  • Ang nararapat na pagpapalibing at mga kaugnay na gastusin 

Sanhi

Upang maging karapat-dapat sa kompensasyon, dapat na mapatunayan ng benepisaryo/pag-aari ng pumanaw na ang pagkamatay ay resulta ng pinsalang nauugnay sa trabaho. Ang kamatayan mismo ay hindi isang ‘pinsala’. Ang ‘Pinsala’ ay tinukoy sa seksyon 4 ng Workers Compensation Act 1987 (NSW) (‘1987 Act’). Samakatuwid, mahalagang itatag ang sanhi ng kamatayan, at ang kaugnayan sa pagitan ng kamatayan at trabaho. 

Kompensasyon ng lump sum death benefit

Ang kasalukuyang kabuuang halagang bayad ay $862,350 simula noong ng Abril 1, 2022. Ang halagang ito ay binabantayan at tinatansya dalawang beses sa isang taon, sa Abril at Oktubre. Ang halagang naaangkop ay kinakalkula sa petsa ng pagkamatay ng manggagawa. 

 

Ang buong halagang ito ay ibinabahagi sa mga dependent na lubos o bahagyang umaasa sa namatay para sa suporta. Kung walang umaasa sa namatay, ibinabayad ang buong halaga sa kanyang ari-arian. Ang Personal Injury Commission ang responsable sa paggawa ng pasiya hinggil sa paghahati nito. 

Lingguhang Kompensasyon

Bilang karagdagan sa kabuuang kabayaran, ang sinumang anak na umaasa sa pumanaw na manggagawa ay may karapatan din sa mga lingguhang bayad na kompensasyon. Mayroong dalawang uri ng nararapat na umaasang anak na itinatakda sa Seksyon 25(1)(b) ng Batas ng 1987. Ang unang uri ay ang mga anak na umaasa sa yumaong manggagawa na wala pang 16 na taong gulang, at ang pangalawang uri ay ang mga anak na umaasa sa yumaong manggagawa na may edad na higit sa 16 taon ngunit wala pang 21 taong gulang at kasalukuyang nag-aaral. 

 

Ang kasalukuyang halagang lingguhan na dapat bayaran ay $154.40 kada linggo (simula noong Oktubre 1, 2022) para sa bawat anak na umaasa. 

Ang pagpapalibing at kaugnay na mga gastusin

Kapag sinusuri kung ano ang nararapat, dapat isaalang-alang ng insyurer ang mga relihiyoso at kultural na paniniwala at pamantayan na umiiral sa kasalukuyang lipunan. Ang insyurer rin ay may pananagutan sa mga nararapat na gastusin para dalhin ang bangkay ng yumao pabalik sa karaniwang lugar ng tinitirahan ng pumanaw o sa tamang lugar para sa kremasyon o libing (aliman ang mas maliit na gastos). 

 

Ang makatwirang libing at nauugnay na gastos ay maaaring kabilang ang: gastusin sa libing, lugar ng paglilibingan, sertipiko ng kamatayan, kabaong, pagkain para sa mga bisita, bayad sa serbisyo ng tagapamahala ng libing, mga bulaklak, at iba pa. Ang listahang ito ay hindi eksklusibo at ito ay ibabatay sa bawat kaso. 

Pagsusuri ng Kaso

Sa Littles, kami ay nagrepresenta ng isang dependent na ang ama ay sa hindi inaasahang pangyayari ay namatay dahil sa isang pinsala sa trabaho. Ang aming kliyente ay may tatlong (3) mga kapatid at isang nanay na nabubuhay pa. Ang Respondent Insurer ay nagtatalo sa pananagutan at inakusahan na ang pagkamatay ng yumaong manggagawa ay hindi bunga ng pinsalang dulot ng trabaho. Ang usapin ay isinangguni sa Personal Injury Commission para sa pagpapasya ng isang Kasapi ngunit sa panahon ng yugto ng Conciliation, ang mga partido ay nagkasundo na ang mga dependent ay may karapatan sa kabuuang halagang bayad. Ang buong halagang bayad ay hinati sa pagitan ng nabubuhay na asawa at ang apat (4) na anak ng namatay na manggagawa. 

Like? Share it with your friends.

Contact the Author

Topics

More Articles